EZEKIEL’s POV
“Manahimik ka Jacen parang awa mo na, ang daldal mo daig mo pa bakla,” inis na sabi ko rito sa kaharap ko dahil kanina pa siya salita ng salita hindi tuloy ako makapagfocus sa ginagawa ko.
“Ayaw mo ba nang k’wento ko?” tanong sa akin nito kaya inalis ko muna ang paningin ko sa monitor at tinignan siya.
“Ayaw ko, ’wag mo muna akong kuligligin, sige na Jacen,” sabi ko at ngumuso naman syja. “Kung gusto mo pumunta ka muna sa kapatid mo baka makakuha ka ng clue kung na saan ’yong kapatid ko,” utos ko rito at tumaas naman ang kilay niya.
“Sa tingin mo ba kakausapin ako ng kapatid kong ’yon sa ginawa ko last time,” sabi niya at humiga sa sofa sa gilid ko.
“Kung hindi ka ba naman kalahating abno sana makakausap mo ng maayos ’yon at may makukuha tayong clue,” seryosong sabi ko rito at bumalik sa monitor.
“HAHAHAHA!” rinig kong tawa ni Jacen sa sala sa baba. “I love you, lil sis! HAHAHAHA!” rinig ko pang sabi nito kaya dumungaw na ako sa baba mula rito sa taas.
“Jacen, may ginagawa ako,” sabi ko rito at nagpeace sign naman siya.
“Damn you! Jacen Madrigal!” sa sobrang lakas ng sigaw nang kausap ni Jacen ay narinig ko na ang sinabi nito.
‘It’s Jade’
“What’s the matter Jacen?” tanong ko rito dahil pakiramdam ko at may nagawa siyang maganda.
“There’s something new.” Nakangiti sabi niya.
“Tell me, what is it?” aporadong tanong ko.
“Niligaw ko ’yong kapatid ko.” Malapad ang ngiting ani niya.
“And?” tanong ko at nag-hihintay sa susunod niyang sasabihin.
“That’s all.” Kinuha ko ang isang maliit na unan at binalibag sa kaniya ’yon mula rito sa taas.
“Get out of my sight,” sabi ko at bumalik sa loob ng k’warto ko.
“’Wag kang mag-alala, malapit na ang Interhigh hindi ba?” tanong niya sa akin at saglit ko siyang tinapunan ng tingin.
“Then?” nakita ko siyang ngumiti ng malapad bago tumayo at tapikin ako sa balikat.
“Sinisigurado ko na, pupunta doon ang kapatid mo, at makikita mo siya,” sabi niya at naglakad papalayo sa akin.
’Yan ang gusto ko kay Jacen pagsinabi niya ay sisiguraduhin niyang magkakatotoo o tutuparin niya.
Hindi ko siya kinuha para lang pasakitin ang ulo, magmamayabang na ako pero mas magaling si Jacen kaisa sa kapatid niyang si Jade na mata ni Cally.
Kinuha ko ang cellphone ko at may idinial na number.
“Bakit ba!?” bungad niya sa akin na parang alam na alam na tatawag ako.
“Huh? Anong problema mo?” tanong ko rito habang nagkakamot sa ulo, sumandal ako sa swivel chair ko at ipinatong sa sofa ang mga paa ko.
“Problema ko? Pambihira Ches, ala una na ng madaling araw nambubulabog ka pa,” sabi niya at tumingin naman ako sa wall clock at bahagyang napangiti.
‘Ala una na pala, hehehe.’
“May itatanong lang sana ako,” sabi ko at kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong magkasalubong na naman ang kaniyang mga kilay.
“Ano?” tanong niya kaya nagsalita na ulit.
“About doon sa sinabi mong babae ni Papa,” sabi ko.
“Ayaw kong dito natin pag-usapan ’yan, bukas magkita tayo,” sabi niya at sumang-ayon naman ako at pinatay ang tawag.
Nasingitan mo pa kami papa? Ayos ka rin, ha?
“I have another lil sister or lil brother?” tanong ko sa sarili ko, excited akong makita ang sinasabing anak sa labas ni Papa.
Pinatay ko ang monitor ko at pumasok sa kwarto ko.
Magpapahinga na ako dahil bukas panibagong laban naman ang sasalangan ko.
EVE’s POV
“Sisipain na kita Dylan isa pa,” banta ko rito sa kaharap ko, nandito kami ngayon sa kusina tinutulungan namin si Icom na mag-ayos ng mga pinamili namin at kung saan ilalagay ang stove dahil medyo malaki ’yon.
“Napkin,” bulong niya habang nakangisi, hindi ko siya masipa dahil nadadaganan ng mga karton sa mga paa ko.
“Oo nga, tama Marco, sige samahan mo ako,” biglang nagsalita si Icom at tumingin sa amin. “D’yan muna kayong dalawa may kukunin lang kami ni Marco sa bodega,” Ani Icom at tinapik si Marco at sabay silang nagmartsa palabas.
Pinanood namin silang mawala sa paningin namin at tumingin ako kay Dylan.
“Manahimik ka na,” sabi ko rito pero nginitian niya lang ako ng malapad.
“Nap—” Tinaas ko ang paa ko at handa na sanang sipain si Dylan pero huli na ng maalala kong may nakadagan nga pala sa paa ko.
Lahat ng bigat ng katawan ko ay napunta sa paa ko, nawalan ako ng balanse at bumagsak kay Dylan na nagulat din sa nangyari.
“A-aray,” inda niya nang bumabgsak kami.
Hindi naman ako agad nakapagreact dahil sobrang lapit ng mga mukha namin.
Hindi ko magalaw ang katawan ko dahil nakayakap sa akin si Dylan.
Hindi ko maalis ang mga mata ko sa kaniya. Ang makinis at magandang pagkakahubog ng mukha ni Dylan ay parang ang sarap pagmasdan.
Napatingin ako sa labi niya at napalunok.
Umiling ako at naghandang umalis pero masyadong mahigpit ang pagkakayakap sa akin ni Dylan.
“Bitawan mo ako,” sabi ko ng makabawi ako sa pagkabigla. Tumingin lang siya sa akin at naramdaman ko na mas lalong humigpit ang pagyakap niya.
“Dylan ano ba.” Pinilit kong umalis pero hindi ko kaya, masyadong malakas si Dylan. Tinignan ko siya at nakita ko na nakangisi siya. “Dylan,” tawag ko rito pero nginitian niya lang ako.
‘No choice ako, walang hiya.’
“Bibitawan mo ako o hahalikan kita?” lakas loob kong tanong at biglang nawala ang mga ngiti niya sa labi. Kusa niya akong tinulak at tumayo. “Takot ka palang mahalika—” Napihinto ako sa pagsasalita ng bigla niya akong icorner sa lababo, seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin.
“Hindi na ako takot...” sabi nya at unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa akin. “Kung ikaw lang din...” aniya at umalis sa harap ko ng marinig namin ang mga yabag nila Marco.
“Oh? Eve? Anong nangyari sa’yo?” Tanong sa akin ni Icom at napailing naman ako. “Humihinga ka pa ba?” tanong nito at sunod-sunod naman akong tumango bago tumingin kay Dylan na nakatalikod sa amin at nakaharap sa ref habang may inaayos.
“A-aakyat na ako,” paalam ko sa kanila at nagmadaling umakyat sa k’warto ko at naglock. Sumandal ako sa pinto at hinawakan ang dibdib ko dahil sa bilis ng t***k ng puso ko.
“Bakit?” yumuko ako at huminga ng ilang beses. “Bakit ako nagkakaganito?” tanong ko sa sarili ko.
‘I-i hate this feeling!’
Umupo ako sa kama ko at pumikit ng mariin.
Kinuha ko ang cellphone ko at balak na tawagan si Sandra pero naalala ko nga pala ang nangyari sa amin kanina kaya sigurado akong medyo magtatampo pa ’yon.
Biglang nagring ang cellphone ko na muntik ko ng mabalibag dahil sa gulat.
~Yulo siraulo is calling...
Sinagot ko ’yon at hinintay ang tao sa kabilang linya.
“Hello my little i***t,” anito at ramdam ko na nagdilim ang mukha ko, hindi ko alam kung paano niya nakuha ang personal number ko.
“Bakit?” tanong ko rito at narinig ko naman ang mahina niyang tawa sa kabilang linya.
“Wala man lang ba ako d’yang, Hi kuya Yulo, I miss you,” malambing na sabi nito at halos lahat ata ng balahibo sa katawan ko ay nagtayuan.
“Ako lubay-lubayan mo ako Yulo,” sabi ko rito at narinig ko na naman ang nakakaasar niyang tawa. “Ano bang problema mo!?” inis na tanong ko sa kaniya dahil kung mambubwisit lang siya ay papatayan ko na siya ng cellphone.
“Mas matanda ako sayo kaya tawagin mo akong kuya,” maawtoridad na sabi niya kaya napakamot ako sa ulo ko. “Nabalitaan ko na sumali ka na daw sa volleyball?” tanong nito at tumango naman ako.
“Hmm, that’s right,” ani ko at nahiga.
“Salamat at pinaunlakan mo ang imbitasyon ko.” Napataas naman ang kilay koi ng marinig ko ang mga sinabi nya.
“Huh? Inbitasyo? Inimbita mo pala ako? Bakit wala akong maalala?” Sunod-suno na reaksyon ko at narinig ko naman ang parang asar niyang tawa sa kabila.
“Manahimik ka,” sabi niya kaya napangisi ako.
‘1 point.’
“Isa lang ang sasabihin ko sa’yo.,” sabi niya at nakarinig ako ng parang mga yabag sa kabilang linya. “Matagal kong pinangarap ang makaharap ka kaya naman...” Huminto siya at alam kong nakangiti siya kahit hindi ko siya nakikita. “Hindi ko sasayangin ang opportunity na yon at ipapakita at ibibigay ko sayo lahat hanggang sa ikaw na mismo ang sumuko sa laban natin.” Mahangin na nga abno pa.
“Ok,” maikling sagot ko na alam kong imakabwisit niya.
‘2 points.’
“What did you just say!?” At bingi pa nga.
“I said ‘Ok’ ibigay mo lahat, ipakita mo ang lahat at hayaan mong ako ang magpasya kung anong mangyayari.” Ngumisi ako at naupo. “Hayaan mong makita mo ang lahat ng natutunan mo sa akin,” sabi ko at binaba ang tawag.
‘Hindi na ako takot.... Kung ikaw lang din.’
“P*tcha,” Mahinang mura ko at sumubsob sa unan.
*TING!
Narinig kong tumunog ang phone ko tanda na may nagtext.
‘Eve, she’s gone...’
It’s Jade...