“NII-CHAN!!!” sigaw ni Eve habang tumatakbo papalapit sa akin, umupo ako upang salubungin siya. “Yehey!” anito at yumakap sa akin.
“Lagi ka niyang hinahanap.” Napatingin ako sa isang babaeng nakadress at nakatingin sa akin.
“Ate Jaz,” tawag ko rito at bahagyang ngumiti. “Salamat,” sabi ko at ngumiti naman siya.
“Nii-chan itaw dito tutulog?” tanong ni Eve sa akin at pinisil ko naman ang matangos niyang ilong.
“Hindi p’wede matulog dito si Nii-chan kasi may school ako,” oaliwanag ko dito at nakita ko naman na parang iiyak siya kaya kinabahan ako.
“Eve! May dalang pasalubong si Ninang,” biglang pagsingit ni Jade kaya naman biglang nagliwanag ang mukha niyang kaninang iiyak na.
Binaba ko siya at hinayaang tumakbo papunta kay Jade.
Umupo naman ako sa sofa na nasa sala ni Jade. Sinandal ko doin ang likod ko at pinanood si Eve na pakainin ni Jade ng binili niyang cupcakes.
“Hindi ko alam na lalaki ka pala talaga,” sabi ng ate ni Jade at narinig ko naman ang bungisngis ni Jade.
“H-hindi, sadyang kailangan lang talagang gawin,” paliwanag ko rito at napatango.
“Ahh, ang akala ko talaga ay tomboy ka,” natatawang sabi pa nito bago umupo sa katapat kong sofa.
Tatlong makakapatid sila Jade, panganay si Ate Jazzy, sunod si Jacen at pangatlo si Jade. Kung pag-uusapan natin kung sino ang pinakaabno si Jacen na ang sasabihin ko.
“Alam mo ba Cally sa tuwing matutulog si Eve lagi niyang hinahanap ang nanay niya.” Kahit na nakangiti ang mga labi ni Ate Jazzy ay mababakas naman ang kalungkutan sa mga mata niya.
Tumingin ako sa kapatid kong masayang kumakain kasama ni Jade.
‘Napakabata mo para maulila sa magulang pero pinapangako ko sa‘yo na hindi ko kailan man hahayang maranasan at maramdaman mo ang nararamdaman ko ngayon. Kung gaano ko kinamumuhian ang ama natin.’
“Darating ’yong araw na.... na hindi mo na hahanapin ’yong nanay mo,” vulong ko sa sarili ko na alam kong hindi narinig nitong nasa harap ko.
“May sinasabi ka Cally?” tanong ni Ate Jazzy at umiling naman ako.
Nagtagal lang ako ng kaunti sa bahay ni Jade bago mapagpasyahang umuwi dahil balak kong bumili ng bagong stove at alam kong napakalaking perwisyo ang nagawa ko, hindi sila makakapagluto kung walang apoy ’di ba.
Nagbihis lang ako ng isang jogger pants at over size shirt. Tinignan ko ang sarili ko at bumaba.
“Saan punta Eve?” tanong ni Marco ng magkasalubong kami sa hagdan.
“Sa mall, bibili ako ng bagong stove,” sabi ko at parang nagningning naman ang mga mata niya nang marinig ang sinabi ko.
‘Oh shoot.’
“Sumabay ka na lang kaya samin ni Icom, pupunta rin kami ro’n maggogrocey kami,” nakangiting sabi nito at hindi na hinintay ang sagot ko dahil tumakbo na siya paakyat habang sumisigaw ng “Hintayin mo na lang kami sa baba!”
Wala akong nagawa kung hindi ang tumambay sa garahe upang hintayin sila.
Pinaglaruan ko sa kamay ko ang susi ng motor ko, sumandal ako sa kotseng nasa gilid ko na sa pagkakaalam ko ay kay Dylan.
‘Sasabay na lang ako sa kanila sa kotse.’
“’Wag kang sumandal d’yan baka magasgasan mo.” Halos mapatalon ako sa gulat ng may magsalita sa likod ko sa loob ng kotse.
Tiningnan ko ito at nakangisi siya habang nakatingin sa akin kaya napailing na lang ako bago umalis sa pagkakasandal sa sasakyan niya.
“Saan ka pupunta?” yanong nito at bumaba sa sasakyan.
Tiningnan ko siya at agad naman niyang iniwas ang paningin niya habang namumula, pilit niyang hindi magtagpo ang mga paningin namin.
‘Hindi ba nakakabastos ’yan?’
“Sa mall lang,” simpleng sagot ko at namulsa.
“Ah, sasama ka sa amin?” tanong niya habang nakatingin sa itaas kaya tumingala rin ako at tiningnan kung ano ang tinitingnan niya doon pero sapot lang ang nakita ko doon.
‘Abno.’
“Lezze go, lezze go!” sabi ni Marco at naunang pumasok sa sasakyan ni Dylan. Nakita ko naman si Icom na nakasunod din na tinanguan lang ako bago pumasok sa sasakyan ni Dylan. “Eve tara na!” sigaw ni Marco kaya sumunod na ako sa kaniya, sa backseat kami parehas nakaupo ni Marco at sa harap ay si Icom at Dylan.
“Balita ko Eve sasali ka raw sa volleyball?” biglang tanong sa akin ni Marco at alam ko na nakikinig ang dalawa sa harap.
“Yeah,” sagot ko.
“Ano position mo?” tanong ulit sa akin ni Marco.
“Ang alam ko ay gagawin akong middle blocker at spiker.” Pagkasagot ko noon ay narinig ko ang mahinang pagtawa ng dalawa sa harap.
“Ang liit mo namang blocker,” sabi ng driver kaya tinaasan ko siya ng kilay.
“Wala kang pake,” sagot ko at bahagyang napairap.
‘5'4 lang ang height ko, pain.’
Mabuti naman at binaling na sa iba ni Marco ang tanong niya kaya naman nakatahimik lang ako rito habang nakatingin sa labas, medyo may kadiliman na ang langit at isa-isa na rin nagbubukas ang mga ilaw sa poste.
“Oo nga, ang balita ko pa ay 9-25 ang score natin nung nakaraan.” Rinig kong sabi ni Dylan kaya naman naagaw nito ang atensyon ko.
“Tambak nga raw tayo,” dugtong pa ni Icom na nakatingin lang sa daan.
“Wala nga eaw tayong laban sa short straight attack nila Yulo.” Si Marco.
‘Short straight Attack? Tss.’
Naramdaman kong nanginginig ang kamay ko kaya pinagsiklop ko ang mga ’yon.
‘Masyado mo naman akong pinapahanga.’
Pinilit kong kumalma dahil malapit na rin kami sa mall na pupuntahan namin.
“Galingan mo Eve, talunin mo si Yulo,” ani Marco at tinaas ang kamay na parang sinasabi na lumaban kaya.
“Sure,” maikling sabi ko bago magsimulang maglakad.
Medyo madaming tao ngayon at karamihan sa kanila ay mga estudyante.
“Icom, saan tayo?” tanong ni Dylan na nasa likod ko.
“Sa national bookstore may bibilin ako,” sabi ni Icom at naglakad, sumunod naman ako at hindi nagreklamo.
“Eve, ano palang uniform number mo?” tanong na naman sa akin ni Marco na nakasabay sa akin at kumakaway sa mga babaeng kumakaway sa kaniya.
“Gusto ko sana ay number 10 ang mapunta sa akin,” sabi ko at hindi pinapansin ang mga babaeng kumakaway sa akin.
“Hindi kayo mananalo.” Tiningnan ko naman ng masama ang lalaking sumabay sa amin sa paglalakad. “Kung makikita mo lang ang short attack ni Yulo ay siguradong mawawalan ka na ng pag-asa,” mayabang na sabi nito at ngumisi.
‘Hindi ko alam kung estudyante ng VRIS ba talaga siya o espiya.’
“Wala akong pakialam sa short attack na ’yan ni Yulo,” sabi ko at lumiko dahil lumiko si Icom.
Ang bango, amoy popcorn.
“Hi,” rinig kong sabi ni Dylan at napansin ko ang isang babae na parang gustong magpapicture sa kaniya.
‘Feeling artista?’
“Basta ako alam kong mananalo na tayo this time,” nakangiting sabi ni Marco at inakbayan ako.
“Ikaw? Hindi ka ba athlete?” tanong ko rito at parang nag-iba bigla ang mood ni Marco.
“Ah finally!” napatingin ako kay Dylan na hingal na hingal.
Hindi ko na suya pinansin at nauna ng pumasok sa bookstore kasunod ni Icom. Hindi ko alam kung saan ako pupunta hanggang sa may maalala ako.
“Ano ’yan?” napatingin ako kay Icom na may hawak na libro na sa palagay ko ay about med.
Tinago ko sa likod ang hawak kong bagay at umiling sa kaniya. “Wala tinitingnan ko lang,” sabi ko at bahagyang umatras.
Tiningnan naman niya ako at ngumiti. “Huli na kita, okay lang ’yan,akin na ako na ang magbabayad.” Aabutin niya sana ang kamay ko pero iniwas ko kaagad ’yon.
“O-oka lang, ako na,” sabi ko at ramdam ko ang pag-init ng mukha ko.
“Ikaw bahala, una na ako,” sabi niya at ngumiti bago maglakad.
Natanaw ko naman sila Dylan na nakaupo lang sa tabi ng guard habang seryosong nag-uusap ni Marco. Pati si Marco na laging nakangiti ay seryoso ang mukha habang nakikipag-usap kay Dylan, may problema ba sila?
Pumunta ako sa cashier at binayaran ang bagay na napili ko. Ng matapos na akong magbayad ay lumapit ako kay Icom para sana humiwalay na ako sa kanila at titingin ako ng stove.
“Uhmm, Icom,” rawag ko rito at binaling naman sa akin ang paningin niya na nasa cellphone kanina.
“Yes?” tanong nito sa akin at binulsa ang cellphone.
“Hiwalay na ako sa inyo, titingin kasi ako ng stove,” ani ko at agad na tumutol ang mga mata niya.
“Stove?” tanong nito at tumango naman ako.
“Oo, nadisgrasya ko kasi ’di ba.” Nahihiyang sabi ko dahil mukhang mamahalin ’yong stove na ‘yon ni Icom.
“No, don’t worry about that, ako ng bahala doon,” sabi niya at ngumiti
“Hindi ako na, nakakahiya naman, ako ang nakasira noon e,” sabi ko at bahagyang sinulyapan ang dalawang nakasunod samin habang nag-uusap pa rin. “Pumayag ka na,” sabi ko rito at napabuntong hininga naman siya na parang wala na siyang magagawa.
“Sige, sasamahan ka na lang namin,” sabi at tinawag ang dalawa na akad namang lumapit.
Nagpunta kami sa bilihan. Ako ang unang pumasok at dumiretso sa dulo dahil ayon sa staff ay nan doon daw ang mga stove.
Nang makarating kami sa pinakadulo ay agad na nangunang tumingin ang bakulaw na ’kala mo siya ang bibili.
“Maganda ang isang ’to.” Tinuro niya ang isang stove na kulay itim at may parang oven sa baba.
“Pangit ng taste mo Dy, mas maganda ’to,” sabi naman ni Marco habang hawak ang isang kulay silver na stove na may oven din sa baba pero ka pansin-pansin ang style nito kaisa sa napili ni Dylan.
“Maganda rin ’to,” napatingin naman kaming lahat ng may tapikin si Icom na stove, may oven din to sa baba at kapansin-pansin din ang laki nito kausa sa dalawang nauna. Kulay itim ito, may deep fryer to na wala sa dalawa, mayro’n din ’tong gulong sa ibaba. Maganda nga at mukhang gusto ito ni Icom kaya lumapit ako rito para mas makita pa sa mas malapit.
“Maganda nga, ayan na lang ang kunin natin,” sabi ko at tiningnan ang price. “48, 995.00” mura lang.
“Sure ka?” sabay-sabay nilang tanong at inosente naman akong napatango.
“Ayaw niyo ba?” ranong ko sa kanilang tatlo at umiling naman silang sabay-sabay.
“Ang mahal-mahal niyan,” sabi ni Icom at umiling ako.
“Sagot ko na ’to, ako ng bahala,” sabi ko bago kumaway sa staff at sinabing kukunin namin ang isang ’yon.
“May pera ka ba? Gusto mo pautangin muna kita?” tanong ni Dylan na dumikit sa akin para hindi siya marinig nila Icom na may tinitingnan.
“Sa tingin mo ba bibilin ko ’yon kung wala akong pera?” sarcastic kong tanong dito bago dunggulin ng mahina at naglakad papuntang cashier.
Balak ko sana ay ipapatabi ko muna ’yon at pagpauwi na kami ay saka ko na lang kukunin.
“May pera ka pa ba? Pautang ako.” Nagulat naman akong tumingin kay Dylan na nasa gilid ko na naman. Seryoso ang mukha niya at halatang hindi nagbibiro.
“Magkano?” tanong ko dahil willing naman akong pahiramin siya basta ay babayaran niya.
“Isang milyon.” Tumingin ako sa kaniya at tumango.
“Send me your bank account,” sabi ko at nanlalaki naman ang mga mata niya.
“Papahiramin mo talaga ako?” hindi makapaniwalang tanong nito na ikinatango ko.
“Oo,” maikling sabi ko at sinabi sa staff na babalikan na lang namin ’yon dahil pupunta pa kaming supermarket.
“May ganoon kang pera?” tanong na naman nito kaya tinignan ko ulit siya.
“Sa tingin mo ba papayag akong pautangin ka kung wala akong ganoing pera!?” inis na tanong ko dahil parang ewan ang mga tanong nyia.
“Biro lang, ’wag mo na akong pautangin baka mas mayaman pa ako sa’yo,” mayabang na sabi nito at ngumiti ng malaki.
Tiningnan ko lang siya bago mapailing.
“May business ba ang pamilya mo?” biglang tanong niya sa akin at wala akong balak na sagutin ’yon.
“That’s my privacy,” sabi ko at parang napapahiyang tumango naman siya.
“Okay,” sagot niya at tumahimik na lang na sumabay na maglakad sa akin.
‘Nagugutom na ako dapat pala ay sumabay na akong kumain kila Jade kanina bago ako umalis sa kanila.’
“So, bahala na kayo d’yan, mamimili na ako,” ani Icom at kumuha ng isang cart, nakita ko naman na kumuha rin si Marco at Dylan at naghiwa-hiwalay sila ng direksyon.
Kumuha na rin ako ng sariling kong cart at una kong tinungo ang stand ng mga ramen.
Kinuha ko lahat ng klase ng ramen at inayos ’yon sa cart ko para madami pa akong mailagay. Sunod ko namang pinuntahan ang mga sausage.
Sausage! Sausage! Sausage!
Tuwang-tuwang sigaw ko sa utak.
Kumuha ako ng 10 pirasong sausage in can, inayos ko ’yon para mas madami pa akong mailagay.
Pumunta naman ako sa stand ng mga japanese foods, kumuha ako ng tatlong balot ng nori sea weeds, kumuha na rin ako ng Japanese rice na 10 klg. Sa ilalim ng cart ko nilagay ’yon at nagpatuloy sa paglilibot hanggang sa makarating ako sa mga bilihan ng mga inumin. Kumuha ako ng tatlong pack ng yakult, 2 pack ng chackie at 5 gatorade.
Nagpatuloy ulit ako sa pagtutulak ng cart na unti-unti ng bumibigat.
Sinadya kong pumunta sa bilihan ng mga chocolate dahil balak kong bilhan si Eve, kumuha ako ng kumuha ng chocolate at candies na sa tiningin ko ay mukhang magugustuhan niya.
Sunod naman ay sa bilihan ng mga biscuit, kumuha ulit ako ng kumuha. Sunod ay ang sa mga super delight, kinuha ko ang cookies at brownies, gusto ko rin ’to at sigurado akong magugustuhan din to ni Eve.
“Hindi naman halatang natutuwa ka sa mga pagkain.” Napatingin ako kay Dylan na punong-puno na ang cart ng kung ano-ano.
“Hindi rin halatang galit ka sa mga paninda,” sabi ko rin at tinulak na ang cart ko papuntang cashier na walang pila.
‘S’werte.’
Nakita ko na nakapila na rin sila Dylan sa ibang cashier na walang pila pero napansin ko ang isang cashier na paramg nakasarado at nakita ko doon si Icom kasama ang apat? Apat na cart!?
“19,489.00, Sir,” ani ng babaeng cashier na pilit iniipit ang boses sa tuwing magsasalita at panay ang tingin sa akin.
Nag-abot ako ng 20k at sinabing... “Keep the change and do your job well,” sabi ko rito at inilagay isa-isa sa cart ang binili ko. Hindi ko kayang bitbitin ’yon.
“Pataasan tayo,” mayabang na sabi ni Marco at pinakita ang resibo niya na may total na 15, 679.00
“Ha! Panalo ako!” mayabang naman na sabi ni Dylan at pinakita ang resibo niya na may total na 15, 680.00.
“Ikaw Eve?” tanong sakin ni Marco at pinakita ko naman ang resibo ko at ngumisi.
“’Di ba sabi sa‘yo Dy, manahimik na tayo,” sabi ni Marco at bumalik sa cart niya.
“70k.” Napatingin kami kay Icom na kakadating lang habang tulak-tulak ang dalawang cart na puno ng box at plastic. “Kain na tayo,” sabi niya at nagtulak ulit na parang hindi nahihirapan.
“Ano ’to?” nagulat ako ng biglang kinuha ni Dylan ’yong.... ‘yong n-napkin ko.
Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko, sobrang init.
“D-dylan ibalik mo nga ’yan,” sabi ko ng pabulong na hindi maririnig nila Icom at Marco na nag-uusap sa harap namin habang naglalakad. Hinablot ko ang hawak ni Dylan at binalik ’yon sa plastic at binuhol ko.
“Sa’yo ’yon?” nakangising tanong ni Dylan at sinipa ko naman ang paa nya.
“Stupid! I-it’s for J-jade, nakisuyo siya,” nahihiyang sabi ko.
“Jade? ’Yong ka date mo last time?” tanong niya sa akin at sinamaan ko naman siya ng tingin, ang daming tanong buti nanlang at nag-ayang pumasok sa isang resto si Icom kaya siya natahimik.