CHAPTER 26 THE TOMBOY AND THE THREE HOT BOYS

2428 Words
SANDRA’s POV ‘Huh?’ Sinipa ko ang batong nasa paanan ko, nan dito ako ngayon sa likod ng canteen dahil may mga puno at upuan dito na p’wedeng tambayan. “Oo na immatured ka.” Parang narinig ko na naman ang boses ni Eve na sinasabi niya sa akin ’yon. Yumuko ako at natawa ng bahagya dahil sa naalala ko. “Ano ba Sandra, ang kulit mo,” ani Cally habang nakacorss-arm sa akin. “Dali na kasi Cally, kunin mo na ’to.” Pagpupumilit ko sa kaniya na kunin niya na ang manikang binibigay ko sa kanyia. “Ayaw ko nga, hindi ako mahilig sa manika,” sabi niya at naglakad palayo sa akin. Umiyak naman ako dahil sa ginawa ni Cally, si Cally lang ang nag-iisang kaibigan ko at tinanggihan niya pa ang regalong binibigay ko sa kaniya. “Whaaaaaaa!” atungal ko at napaupo sa damuhan habang yakap-yakap ang manikang para sana kay Cally. “Aish, akin na nga!” nagulat ako ng hablutin ni Cally ang manikang yakap-yakap ko. “’Wag ka ng umiyak, kukunin ko na ’to,” sabi niya at niyakap ’yon gamit ang isang kamay at ang isa naman ay nakaabot sa akin. Tumigil ako sa pag-iyak at ngumiti bago siya dambahan ng yakap. “Immatured,” bulong niya na ikinatawa ko kahit na hindi ko alam ang ibig sabihin no’n. “Wala pa rin ba akong pinagbago Eve or should I say Cally?” tanong ko sa sarili ko bago tumingala para pigilan ang mga luhang nagbabadya na pumatak. “I’m still the old Sandra?” tanong ko. “Here.” Nagulat naman ako ng biglang may panyo ang nasa harap ko. “’Wag mong pigilan ’yan, ilabas mo lang,” sabi niya at ngumiti. Kinuha ko naman ang panyo niya. “Thank you,” sabi ko bago ko ipampunas sa luha ko. “Lalabha—” “No, no it’s ok, tabi mo na lang ’yan, sa’yo na ’yan,” Ssabi niya at tumabi sa akin. Tahimik lang kaming pareho, hindi ko alam kung anong ginagawa niya dito dahil ang alam ko ay may klase pa sila sa ganitong oras. “Anong ginagawa mo dito?” nagkatinginan kami bago sabay na matawa dahil sabay kaming nagtanong. “Wala naman sadyang paboritong tambayan ko lang to,” ani niya at tumango naman ako. “Hindi ko rin alam kung anong ginagawa ko rito, basta ang alam ko nag-ditch ako ng class,” sabi ko at natawa naman siya. “May problema ba?” tanong niya. “P’wede mo akong sabihan.... kung gusto mo,” sabi niya kaya tumingin ako. “Si Eve kasi.... ano nagkasagutan kami ni Eve kanina,” sabi ko at pinaglaruan ang mga daliri ko. “Bakit?” tanong njya bago ayusin ang salamin na nasa mata niya. “Ang immatured ko kasi, maliit na bagay pinapalaki ko,” pagsasabi ko ng totoo at napatango naman siya. “Napaka-immatured ko,” sabi ko pa habang narerealize ang kaabnoan ko. “Dahil ba sa kapatid ni Eve?” tanong niya at tumango naman ako. “Pasensya na dapat pala hindi muna ako nagtanong,” sabi niya at hinampas ko siya sa braso. “Ok lang, at saka okay na ’yon,” sabi ko. Tinukod ko ang dalawa kong kamay sa baba ko at ang mga siko ko naman ay nasa lamesa. “Nagulat lang siguro ako sa sinabi niyo na ’yon, hindi ko kasi ineexpect na mayro’n pala talagang kapatid na babae si Eve.” Bukod sa kaniya. “Nabanggit din sa amin ni Eve na 10 years ng wala ang mommy niya pero ’yong kapatid niya...” Halatang naiilang si Icom na itanong ’yong about sa kapatid ni Eve. “Oo, tama siguro ’yong iniisip natin na kapatid na Eve sa labas ’yon,” sabi ko. “Pasensya na masyado na akong nanghihimasok sa buhay niyo,” nahihiyang sabi niya. “Hindi naman at saka alam ko kung si Eve rin ang tatanungin mo ay sasabihin din niya ’yon,” sabi ko dahil kilala ko si Ev— kilala ko nga ba siya? “Gaano na ba kayo katagal na magkaibigan?” tanong niya. Kaya humarap na ako sa kaniya. “Since, grade 4.” Huminto ako at huminga ng malalim. “Nakilala ko siya noon dahil nakita ko siyang mag-isa sa playground kaya nilapitan ko siya.” Ani ko at napangiti nang maalala ang pangyayaring ’yon. “Nakipagkilala ako sa kaniya pero hindi niya ako pinapansin.” “Ganoon ba talaga ang ugali ni Eve?” tanong niya sa akin at umiling ako. “Hindi, mabait na tao si Eve hindi lang halata, kaya no’ng nakipagkilala ako sa kaniya no’ng araw na ’yon at hindi niya ako pinansin, hindi ko siya sinukuan at pinangako ko sa sarili ko na magiging kaibigan ko siya at nangyari nga.” Nakangiting k’wento ko sa kaniya at napangiti naman siya. “Tahimik na tao si Eve pero pag hindi na niya kaya o nakainom siya, nagigiging madaldal siya na pati ’yong mga bagay na ayaw niyang ik’wento ay nailalabas niya!” mahabang sabi ko at sumang-ayon naman siya. “Naalala ko pa no’ng naglalaro pa siya ng volleyball—” “Si Eve? Volleyball player?” takang tanong sa akin ni Icom at tumango naman ako habang nakangiti ng proud. “Magaling na player ’yang si Eve, may binagsag pa nga sa kaniya ang kaso nga lang ay nawalan siya ng gana sa paglalaro.” ‘The great Queen in Court of High Heart International School.’ “Bakit?” curious niyang tanong. “Dahil sa kuya niya, no’ng naaksidente ang kuya niya,” sabi ko at nagbuntong hininga. “Ng dahil sa kuya niyang na-hospital dahil hinapas ’to sa ulo,” sabi ko at parang natigilan naman siya. “Nahampas?” takang tanong nito. “Oo, ’yong kuya ni Eve nahampas sa ulo no’ng 3rd year high school ata, dito siya nag-aaral noon.” Nakangiting sabi ko at tumingin sa kaniya at nagulat naman ako ng seryoso siyang nakatingin sa akin. “Valencia...” Tanging binanggit niya na nakapagpatigil sa akin at nagpakaba. EVE’s POV “Hachooo!” bahing ko, kanina pa ako bahing ng bahing sa hindi malamang dahilan. ‘Siguro may mga taong pinag-uusapan ako?’ Sumingha ako sa tissue na hawak ko. “Sumali ka.” Napatingin naman ako dito sa kasama kong pinipilit din akong sumali sa volleyball. “Ayaw ko,” sagot dito at pinunasan ang ilong ko. “Sumali ka na,” sabi niya pa at sinara ang palad na parang nanggigigil. “Ayaw ko nga, kung gusto mo ikaw sumali,” sabi ko rito bago kumuha ng panibagong tissue. “Dalian mo na Eve, sumali ka na, gusto ko na ulit makitang maglaro ka.” Minsan talaga umaandar ang pagiging abno ni Jade. “A.yaw.ko.” Madiin ding sabi ko. Nagulat ako ng hawakan niya ang magkabilang pisnge ko. “Su.ma.li.ka!” sabi niya habang niyuyuogyog ako. “A.yaw.ko!” . . . . . “Maraming salamat Mr. Xhion at hindi mo ako binigo,” nakangiting ani Coach kaya pinilit kong ngumiti at tumingin sa katabi kong ngiting-ngiti. “Sa lunes ay magsisimula na tayo,” sabi niya pa bago kami talikuran. “Naks naman!” sabi niya at hinampas ako sa likod kaya sinamaan ko siya ng tingin. “Galingan mo, ha?” nakangiting sabi niya. “Tss.” Tanging lumabas sa bibig ko. “Tara na at hinihintay ka na ng kapatid mo,” Aniya at hinitak ako ng walang ano-ano. “Excited na akong makita kang maglaro ulit,” sabi niya at may naalala na naman ako. “Chance ball!” sigaw ko bago pumorma para ma-save ko ang bola. Na-receive ko ’yon papunta sa setter namin, agad akong tumakbo papunta sa net para tanggapin ang toss ng setter namin na nagawa ko. “Nice kill!” sigaw ng captain namin at nag-high five kami. “Nice serve, Valencia!” sigaw ng ka-team ko, hinagis ko pataas ang bola at hinampas. “1 point!” sigaw ni coach Pol kaya nagdump ang setter namin. ~PRIIITTTTT~ Pito ng ref at nagulat naman ako ng dambahan ako ng mga kateamate ko habang umiiyak. “We did it!” sigaw ng libero namin at sumigaw kami ng sabay-sabay. Tumayo ako at handa ng pumunta sa mga kagrupo ko ng may isang kamay ang humawak sa akin sa balikat. “Cal-Cally...” tawag sa akin ni Jacen na parang naiiyak. “S-si Ez—” Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at hinawakan siya sa kwelyo. “Na saqn ang kuya ko!?” yanong ko rito at sinabi naman niya sa akin ang isang hospital na hindi nalalayo rito sa eskwelahan namin. Wala na akong pakialam sa awarding ceremony at tumakbo na papunta sa hospital na sinabi ni Jacen. Pagdating ko doon ay agad akong dumeretso sa nurse na nasa information. “Valencia, Chester Ezekiel Valencia,” pagsasabi ko ng buong pangalan ni Kuya Ezekiel. “Nasa ER pa rin po siya Miss,” sabi niya at agad akong nagtungo sa ER kung na saan ang kuya ko. Binuksan ko ang isang kurtina doon at nakita ko doon ang dalawa ko pang kapatid kasama ang isa pang lalaki na hindi ko kilala, lumapit ako kay kuya Ezekiel na walang malay at puro dugo ang uniform kaya hinawakan ko ang kaniyang kamay. “A-anong nangyari?” tanong ko at walang sumasagot, si Kuya Van ay hinawakan ang magkabilang balikat ko. “Anong nangyari!? Sino gumawa nito!?” sigaw ko at tiningnan sila ng masama. “May humampas sa ulo niya,” mahinahong sagot ni Kuya Chase. “Sino?” mahinang tanong ko at sumagot naman ang isang lalaking hindi ko kilala. “School mate namin, si Fourt Velasquez,” kalamadong sabi nito at napatingin naman ako sa kamao niya na may sugat. “Na saan siya?” tanong ko at may nginuso naman siya. Nakita ko na nginunguso niya ang isang streacher kaya tiningnan ko ’yon at nakita ko ang isang lalaking nakahiga at maga ang mukha at may oxygen. Fourt, kapatid ni Third. Ayos parehas g,go. Halos tatlong araw na natulog si kuya noon dahil major head injury ang natamo niya sa paghambas sa kaniya ng baseball bat. Noon lang din namin nakita ang kuya ko na naglayas, halos limang taon namin siyang hinanap at sa hospital pa namin sya nakita. “Eve, bibili lang ako ng tinapay, dito ka muna ba?” tanong sa akin ni Jade kaya napatingin ako sa labas at nakita ko ang bakery ng ate ni Dylan. “Sama ako,” sabi ko at bumaba at na unang pumasok. “Goodday! Welcom to D Bakery!” bati samin ng isa siguro sa mga staff dito. Bahagya akong yumuko bago dumeretso sa couter kung na saan nakadisplay ang mga tinapay nila. “Balak kong ibili ng cupcakes si Eve,” sabi ni Jade habang nagtitingin-tingin din. “Ito na lang,” sabi niya at tinuro ang isang chocolate cupcake na katulad ng binili ni Dylan no’ng nakaraan. Tumango ako sa kaniya at nagpatuloy sa pagtigingin hanggang sa may makaagaw sa pansin ko. Isang tinapay na medyo pahaba at parang may palaman na caramel? “Inipit po ’yan, Si—Eve?” napatingin naman ako ng may tumawag sa akin at nakita ko ang Ate ni Dylan na nakatayo sa likuran ko at nakangiti. “H-hi,” bati ko sa kaniya at bahagyang yumuko. “Eve ikaw nga, buti naman at nabisita ka dito,” sabi niya sa akin at lumapit. “Ah, sinamahan ko kasi ’yong kaibigan ko, si Jade.” Tinuro ko si Jade na kausap na ang staff nila. “Ganoon ba? May bibilhin ka ba? Baka gusto mo ’tong inipit namin,” sabi niya at nagmamadaling pumunta sa loob ng counter at kumuha ng supot para lagyan ng tinapay. Bumalik siya sa harap ko at inabot ’yon. Magtatanong na sana ako kung magkano ang kaso ay sumagot na siya. “’Wag na, libre na ’yan.” Nakangiting sabi niya at nagulat ako ng pisilin niya ang pisnge ko. “Ang tambok ng pisnge mo.” Nanggigigil na sabi nito kaya bahagya akong natawa. May mali sa Ate ni Dylan. “Ev—ve,” tawag sa akin ni Jade at nakita ko na nagtataka siya sa ginagawa ng ate ni Dylan sa akin. “Nakakaistorbo ba ako? Sige una na ako sa kotse,” anito at kinindatan ako bago lumabas ng bakery. Bahagya naman akong napaatras ng amuyin ako ng kaharap ko. Ano ba ’tong Ate ni Dylan, aswang ata. “Dhali— Dhalia!” may isang babae ang tumawag dito sa kaharap ko kaya siya nahinto sa ginagawa sa akin. “Pasensya na hijo, Dhalia ano bang ginagawa mo?” tanong nito sa babae, kung titingnan mo ang babaeng to ay iisipin mong bata pa pero sa palagay ko ay nasa mid 40s na siya pero lumilitaw pa rin ang kagandahan niya. “S-salamat dito ha,” sabi ko at tinaas ang supot ng tinapay. “Wala ’yon, balik ka dito anytime!” masiglang sabi ng ate ni Dylan at pinisil na naman ako sa pisnge na agad namang pinigilan ng kasama niyang babae. “Pagpasensyahan mo na talaga hijo, maraming salamat sa pagpasyal dito sa bakery.” Pilit ang ngiting sabi nito kaya yumuko ako bago lumabas ng bakery dala ang binigay ng ate ni Dylan. “Weird,” bulong ko at lumapit na sa kotse ni Jade na nasa loob na rin ng sasakyan niya “Okay na?” bungad niya sa akin kaya tumango ako. “Sino ba ’yon? Girlfri—” “Hindi!” agarang sagot ko dito at natawana naman siya. “Sus!” sabi pa nito at binigyan ako ng mapang-asar na ngiti kaya sinamaan ko siya ng tingin.“Kung writer lang sana ako ay susulat ako ng libro na tungkol sa’yo.” Aniya kaya tinaasan ko siya ng kilay. “Manahimik ka na nga,” Saway ko sa kaniya dahil umaandar na naman ang kapilyahan ni Jade. “Tungkol sa isang babae na naglayas sa kanilang bahay dahil gusto siyang ipakasal sa taong hindi naman niya mahal.” Tiningnan ko siya ng masama pero nginitian niya lang ako. “Nagpanggap siyang tomboy at nanirahan siya kasama ang tatlong matitikas, matitipuno at g’wapong mga lalaki!” ’Di ba sabi sa inyo may pagkaabno rin si Jade. “Papamagatan ko ’yon ng...” Huminto siya at tumingin sa akin. “The Tomboy And The Three Hot Boys.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD