CHAPTER 25 SPIKE!

900 Words
“Ang galing! Ang galing mo palang pumalo!” tuwang-tuwang ani Ruby habang niyuyogyog ako. “Sumali ka na dali, maganda ’yon para maging athlete ka na rin,” sabi niya pa. Tiningnan ko ang kamay ko at tumingin sa itaas ng net. “Xhion, isang tulad mo ang kailangan namin,” sabi ni Prof at ngumiti sa akin. “Sumali ka sa kupunan,” ani pa nito at umiling ako. “Tulad nga ho ng sinabi ko, ay ayaw ko,” sabi ko at naglakad papuntang bench upang kunin ang towel upang punasan ang pawis na tumutulo sa leeg ko. “Xhion, may kakayahan kang buhatin ang eskwelahan natin satuktok.” Pangungulit ng coach kuno ng volleyball. Tumingin ako rito at nakipagtagisan ng tingin dito. “Bigyan niyo ako ng isang magandang dahilan para sumali ako sa grupo nyo,” sabi ko at napangiti naman siya. “Yulo, Yulo Valencia.” Bakit ba paulit-ulit niyong binabanggit ang pangalan ng tukmol kong pinsan. “He’s our former spiker, umapit siya sa HHIS nang siya ay nasa 3rd year high school at simula nang umalis siya ay hindi na nanalo-nalo ang grupo namin sa larong volleyball laban sa grupo nila Yulo,” sabi niya at tinuro ako. “At ikaw! Ikaw ang nakikita kong magiging alas namin, kaya hijo sumali ka sa grupo ko at maging player.” Dinilaan ko ang labi ko at kinagat. ‘Alas?’ “Huh, Sorry.... give me a time,” sabi ko at tumalikod pero bago ako tumalikod ay nakita ko ang ngiti sa labi niya na nagsasabing ‘Salamat.’ Naglakad ako palabas ng covered court, hindi pa tapos ang P.E namin pero hindi ako pinigilan ng prof namin na umalis. ‘Yulo, magkakaharap na rin tayo.’ Napasmirk ako bago dumeretso sa CR. DYLAN’s POV “ENRIQUE!” sigaw sa akin Nics na nakabihis na at handa ng maglaro. “Ang kupad! Dalian mo!” ani pa nito at hinampas ako sa likod bago lagpasan at pumunta sa iba pa naking ka-team. Yumuko ako at inabot ang sintas ng sapatos ko para ayusin. Hindi ko alam kung bakit nagpatawag ng biglaang practice si Coach na dapat ay sa lunes pa. Tumayo ako at tumalon-talon. “Ok! Tara na!” sigaw ng captain namin kaya naman nagsinudan kami sa kanya papuntang locker. “Huy! Kyaaaaaa ’yong basketball team!” “Hala na saan!? Whaaaaaa!” “Guys! Sila Enrique!” “Omeged!” Nag-ingay ang mga classroom na nadadaanan namin. ‘Tss, ang pogi ko talaga.’ Pagpasok namin sa court ay nagulat pa kami dahil may naglalaro do’n ng volleyball? “Boys! Dito muna tayo patapusin muna natin sila,” ani Coach at sinenyasan kaming umupo muna sa upuan. “Pasensya na ang liit mo kasi,” rinig ko sabi ni Nics na hindi ko alam kung sino ang kausap dahil nasa likod ko sya. “Volleyball?” takang tanong ni Den bago tumabi sa akin. “Ang balita ko ay naghahanap sila ng bagong player na p’wede nilang itapat kay Yulo,” sabi ni Jess na umupo din sa tabi ko. “Kay Yulo? ’Yong player natin dati?” si Nicso naman na nakatayo sa may tabi ko, bakit ba pinapalibutan nila ako. “Oo, ’di ba nga simula nang umalis si Yulo dito VRIS ay hindi na nanalo-nalo ang volleyball boys sa interhigh,” sabat naman ni Lloyd at umupo sa may paanan ko. Tumingin kami sa mga player at nagulat ako ng makita ko si Ruby doon... Si Ruby ay nan dito? Ibig sabihin.... Agad na dumapo ang tingin ko sa isang lalaking nakatalikod sa akin. ‘He kiss me...’ Agad na nag-init ang mukha ko dahil sa naalala ko. ‘Damn this guy!’ Muli akong napatingin ng pumito na ang prof nila, hindi maalis sa kaniya ang tingin ko. “Pambihira, wala man lang nakakperfect sa kanila,” ani Nics na nanonood din. “Nics, mahirap din kasi ’yan dapat ay nasa timing ka paghinampas mo ang bola,” paliwanag sa kaniya ni Lloyd. “’Di ba Dy, kaibigan mo ’yang nasa huling pila? ’Yong lagi mong kinukwento sa amin?” tanong ni Lloyd at tumango naman ako. “Mukhang walang makaka—” Napahinto kami ng isang malakas na hampas sa bola ang tumama. Walang nag-ingay, tanging talbog lang ng bola ang naririnig namin. Tumingin ako sa may gawa noon. Nakatayo siya at nakatingin sa bola sa kabila ng net. “WHAAAAAA! KAIBIGAN KO YAN!” sigaw ni Ruby at nagsunod-sunod na ang ingay ng mga kablock ni Eve. “Ang galing! Dy nakita mo ‘’yon!? Ang galing pala ng kaibigan mo!” ani Jess na napapapalakpak din sa sobrang hanga. Tiningnan ko ulit siya, marunong pala siyang magvolleyball? Nagulat naman ako ng tumingin siya sa akin at napatingin ako sa labi niya kaya agad nag-init ang buo kong mukha at nag-iwas ng tingin. “Si Coach Chan,” rinig kong sabi ni Nics at nakita ko naman na parang kinakausap nya si Eve pero hindi namin marinig dahil medyo may kalayuan ang p’westo namin sa kanila. “Mukhang may bagong player, ha?” nakangising ani Nics na nakating pa kay Eve na palabas na ng court. “Ok boys! Line up!” sigaw ni Coach at nagtayuan kami. “Maraming salamat po Mr. Albasors,” ani Coach sa prof nila Ruby at nakita naman naming tinatanggal na nila ’yong net.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD