ICOM’s POV
“Hang-over!?” malakas na tumawa si Emerald nang matapos magkwento si Marco tungkol sa nangyari kay Eve kaya hindi siya nakapasok ngayon.
“Mahina sa inuman ’yon, bakit niyo naman pinainom?” natatawang tanong ni Sandra habang umiiling.
Sumubo ako ng kanin at napatuloy sa pakikinig sa kanila.
Napatingin naman ako kay Dy na kanina pang parang wala sa mood. Kanina lang ay bago kami umalis sinabi ko na magpaalam kay Eve pero ang sabi niya ay ayaw niya raw kumausap ng abno. Kaya nagtataka ako at baka nag-away sila ni Eve. Pero sa tuwing tatanungin ko siya kung may nangyari ba sa kanila ni Eve kagabi ay namumula lang siya at nag-iiwas ng tingin na mas lalong nagpapataka sa akin.
“Nakatulog na nga sa braso ni Dy kagabi,” sabi ni Marco at nagpatuloy sa pagkain. Napatingin naman ako kay Sandra nang may maalala ako kagabi.
“Sandra, hindi ba’t sabi mo walang kapatid na babae si Eve?” tanong ko at para naman siyang matatae na ewan dahil sa mukha niya.
“O-oo, bakit?” tanong nito na hindi alam kung saan ibabaling ang paningin.
“Pero sabi ni Eve may kapatid daw siyang babae at dalawa pa,” sabi ko at tuluyan na siyang napahinto at nanlalaki ang mga matang tumingin sa akin.
“D-dalawa? As in two, dalawa?” hindi makapaniwalang tanong niya at sabay kaming tumango ni Marco.
“Oh, si Eve? May kapatid na babae?” tanong din ni Ruby na napatigil din sa pagkain.
“Oo, ’yong isa nga raw 19 na kaedad niya at ’yong isa 2 years old palang,” si Marco na ngumunguya ng pagkain.
“2!?” sabay-sabay na tanong nila.
“Bata pa siguro ang mom—”
“Wala ng mommy si Eve,” putol ni Sandra sa sasabihin ni Emerald. “Sampung taon,” sabi pa ni Sandra at tumayo.
“Saan ka pupunta?” yanong ni Ruby.
“CR lang ako,” sabi niya at umalis, nagkatinginan naman kaming natira sa lamesa na nagtataka sa ikinikilos ni Sandra.
“Anong nangyari doon?” tanong ni Marco na nakatanaw pa kay Sandra na palayo na sa cafeteria.
“Baka may nasabi kayong hindi maganda,” napatingin kaming lahat sa likod namin ng may magsalita doon. “Ganoon si Sandra pag may naririnig siyang hindi niya gusto.”
“Ohohoho! Eve!” sigaw ni Marco at nakipag-apir dito.
Umupo si Eve sa katabing upuan ni Dy.
“Ano? Ayos ka na ba?” tanong ni Emerald na natatawa pa.
“Oo,” sagot ni Eve bago suklayin ang buhok niya gamit ang mga daliri niya. “Hayaan niyo muna si Sandra, magiging okay din ’yon,” sabi niya at tumingin sa katabi niyang walang imik kanina pa.
“Hays, wala naman kaming nasabing iba bukod sa kapatid mong babae.” Nakita kong napahinto si Eve at napatingin kay Ruby na nasusuklay bago tumingin sa akin at kay Marco at napailing.
“Matanong ko nga Eve, ilan ba kayong makakapatid?” tanong ni Emerald, itong kambal na ’to daig pa reporter sa pagsasalit-salit ng tanong.
“Bakit? Interesado ka?” nakangising tanong ni Eve. “Lima kami,” simpleng sagot niya at tumingin sa entrance ng cafeteria at nakita ko na may isang babae ang palapit sa amin na namumula ang mukha habang masamang nakatingin kay Eve.
“E-eve! I hate you!” sigaw nito ng makalapit kay Eve, tumulo ang luha nito galing sa mata. Para kaming nanonood ng drama. “I hate you! I hate you! Y-you’re moron!” sigaw nito sa Eve na nakataas lang ang kilay at walang reaksyon ang mukha.
“Huh?” sabi nito at... “Tss, i***t,” bulong nito na mas lalong nagpapula sa babae.
Narinig ko naman ang hagikhik ng kambal at si Marco na tulala, si Dylan na halatang nakikinig lang.
“Pagsisisihan mong nakilala mo ako!” sigaw nito bago magwalk-out.
“’Di ba siya rin ’yong babae last time? Chellsy ba pangalan noon?” ngingisi-ngising tanong ni Ruby.
“Oo, siya rin ’yong nagpakalat ng issue na may nangyari raw sa kanila ni Eve,” Ani Marco.
“Maiwan ko muna kayo,” sabi ni Eve at tumayo sa lamesa namin at dumeretso sa entrance ng cafeteria.
“Luh, anong nangyari doon?” tanong ni Ruby at nagkibit-balikat naman kami.
Napatingin ako kay Dylan na sinusundan ng tingin si Eve palabas ng cafeteria.
‘Delikado ka na Dy....’
EVE’s POV
Agad kong hinanap si Sandra dahil alam kong may Problem.
Una kong pinuntahan ang cr ng mga babae at hinintay na lumaba siya pero mukhang wala siya doon dahil halos ilang minuto akong nag-hintay ay walang lumalabas na Sandra kaya napagpasyahan ko na maglakad papuntang field at hindi naman sa kalayuan ay nakita ko siyang nakaupo sa isa sa mga bench at nakatulala.
“Sandra...” tawag ko dito at ng tumingin siya sa akin at ’yong mukha niya, walang ekspresyon.
“Oh, nand’yan ka pala.” Sarcastic na sabi nito sa akin at tumayo bago maglakad palayo sa akin.
“Sandra,” tawag ko dito at hindi niya ako pinansin kaya sinundan ko siya at hinawkaan sa braso.
“Magkaibigan ba talaga tayo!? O kaibigan mo ba talaga ako!?” nagulat ako sa pagtaas ng boses ni Sandra.
“Ano bang problema mo?” mahinahon na tanong ko dahil ayaw kong sabayan ang init ng ulo niya.
“May kapatid ka palang babae?” nakangising tanong nito. At tumango namam ako. “Whoa,” sabi niya at pumalakpak pa. “Ako ’tong kaibigan mo pero ako pa ’tong walang alam tapos sa iba ko pa malalaman,” sabi niya kaya naman napabuntong hininga ako.
“Nalaman mo na, ano pang problema doon?” tanong ko dito dahil wala akong makitang mali sa sinasabi niya.
“Hindi nagku—”
“Bakit hindi ko sinabi agad sayo? Kasi kahapon ko lang din nalaman na may kapatid ako sa labas.” Huminto ako at mas tinitigan ko pa siya. “Kung nagtatampo ka kasi sa iba mo pa nalaman, ha! Pasensya na, naunahan nila ako e. Sandra be matured.” Sabi ko at nakita ko na napasmirk siya.
Sinabayan ko ang pagngisi niya, ngayon na lang ulit.
“Be matured? Anong gusto mong sabi—”
“Oo, na immatured ka. Maliit na bagay pinapalaki mo, at kung sa sikreto mo binabase ang pagkakaibigan natin, talo ka na.” Dire-diretsong sabi ko at tinalikuran siya. “Hindi naman p’wedeng lahat ng tungkol sa akin ay alam mo, bigyan mo rin ako ng privacy, Sandra.”
Dumiretso ako sa department namin dahil narinig ko na rin ang bell na nagsasabing oras na ng klase.
“Eve,” tawag sa akin ni Ruby at sinabayan akong maglakad. “May P.E daw tayo ngayon,” sabi niya na tinanguan ko lang.
Nakatulala, ’yan ako sa buong klaseng nagdaan. Wala akong ibang iniisip kung hindi ang tumawag sa akin.
“I’ll wait for you... Bye bye.”
Napailing na lang ako sa sinabi niya.
‘Hihintayin niya ako? Saan?’
Tumingin ako sa harap ko at nagulat ako ng makita ko ang terror teacher namin na masamang nakatingin sa akin.
“Mr. Xhion! Ano tapos ka ng mag-day dream!?” tanong nito sa akin at napalunok ako.
“Eve kanina ka pa tinatawag niyan,” bulong sakin ni Ruby.
Tumayo ako at bahagyang yumuko para huming ng paumanhin.
“What is the smallest country in the world!?” tanong nito.
“Vatican City... ho,” bulong ko at nagtanong na naman siya.
“And the biggest is!?” galit na tanong nito sa akin.
“Russia... ho,” sagot ko ulit
“Sa susunod ayaw ko ng mauulit to Mr. Xhion!” sabi niya at lumabas.
“Buti na lang at may utak ka kung hindi baka nayari ka na ni Mrs. Valentine,” sabi ng isa sa mga kaklase ko na sa pagkakaalala ko ay ang nag-aaya ng date kay Ruby.
“Oh tara na may P.E tayo!” sigaw ng president namin at nagtayuan naman ang mga kaklase ko para pumunta sa likod sa mga locker na pinaglalagyan ng mga mahahalaga naming mga gamit tulad ng P.E uniform.
Nagbihis na ang ibang lalaki sa classroom namin at ang iba naman ay nagpunta sa CR at kasama na si Ruby don.
Pumunta na rin ako sa cr upang magpalit at pumunta sa covered court hindi naman p’wedeng sa room ako magbihis, baka makita nila ’ang abs ko, joke.
Naabutan ko ang iba kong kaklase na nilalaro ang mga bola ng volleyball? Ang ibang babae naman ay naghaharutan sa isang gilid.
“Balita ko nga hahanap daw sila ng bagong player,” rinig kong sabi ng isa kong klase na dumaan sa harap ko.
*PRIIIIIIIITTTT!*
Tumigil ang lahat sa ginagawa nila at nagpunta sa gitna.
“Good day students!” bati sa amin ng prof namin kaya binati rin nila ang prof namin.
“Magkakaron tayo ng P.E and at the same time ay pipili rin kami ng magiging kapalit ni Yulo.” Napataas ang kilay ko ng marinig ko ang pangalan ng sinabi niya.
‘Y-yulo?’
“I‘ll wait for you... Bye bye.”
“Ibig sabihin ay mga lalaki lang muna ang maglalaro at manonood naman ang mga girls kasama si coach.” Turo sa niya sa isang lalaki na sa tingin ko ay nasa mid 30s.
Pumila ang lahat ng lalaki at may tumulak naman sa akin kaya napatingin ako sa likod ko.
“Pasensya na ang liit mo kasi,” sabi nito at tumakbo sa team niya. Nicco.
Basketball team. Nandito rin sila?
Napailing nalang ako at pumila na rin, napansin ko na isang linya lang kami at may setter malapit sa net. Spike? Yulo nga.
Pumito na ang prof namin kaya nagsimula na ang laro, sinabi niya na hindi daw laro talaga ang gagawin namin at magsspike lang kami na nakuha naman agad namin.
Pinanood ko ang mga classmate ko na hindi makuha ang tamang t’yempo. Mayroon na tatalon kahit mataas pa ang bola, mayro’n naman na kung kailan mababa na ang bola ay saka tatalon, mayro’n naman nakakatyempo pero masyadong.mababa ang talon kaya nagiging dump lang ang palo nila.
“Next! Xhion!” sigaw ng prof namin kaya hinawakan ko ang bola at lumabas sa line ng court, hinagis ko ang bola papunta sa setter at tumakbo ng mag-toss siya sa ere, tumalon ako at hinampas ’yon. Quick attack.
Natahimik ang lahat at tanging pagtalbog lang ng bola ang maririnig.
“WHAAAAAA! KAIBIGAN KO ’YAN!” pagbasag ni Ruby sa katahimikan kaya nagsunuran na rin ang ibang mag-ingay.
“Ang galing! Dy nakita mo ’yon!? Ang galing pala ng kaibigan mo!” rinig kong sigaw ng isa sa mga basketball team na nakaupo sa bench.
“X-xhion, w-whoa like a quick attack,” manghang sabi ng prof namin.
Nakarinig naman ako ng palakpak kaya napatingin ako sa likod ko.
“Magaling! A quick attack!” Napaiwas ako ng tingin at dumapo ito kay Dylan na nakatingin lang sa akin at namula.
‘Problema nito?’
“Who are you?” taanong nito sa akin
“Eve, Eve Xhion,” pagpapakilala ko sa sarili ko at sinipat niya naman ako mula ulo hanggang paa.
“Do you know who is Valencia?” tanong nito at tumango ako.
“The Great Queen in court of High Hearth International School.” Sagot ko dito.
“Exactly!” sabi niya at pumalakpak. “I want you to be my player,” sabi niya at natawa ako.
“Sorry but I refuse your offer,” sagot ko dito at tumalikod.
“I will make you as a middle blocker and at the same time a spiker,” pagkumbinsi niya sa akin. “Pasok ang height mo kahit na may kababaan ka, malakas ang pulso mo na kailangan ng volleyball player, at ang t’yempo mo sa bola ay saktong-sakto,” sabi nito at ngumiti. “Pag-isipan mong mabuti.”
Tumingin ako sa kamay ko, at nag-isip.
‘Volleyball... Player.’
AN: May topak po si Stary kagabi kaya hindi ako nakapag-update.
Salamat sa pagbabasa at paghihintay,,,