CHAPTER 23 KISS

2242 Words
DYLAN’s POV Nag-aasaran kami nila Icom tungkol sa kabataan namin hanggang sa magtanong si Marco kay Eve. “Ikaw Eve? Bakit ka naman napunta samin?” tanong ni Marco kaya napatingin ako kay Eve na nakahalf smile at nakatingin sa amin. “Pinalayas ako e,” sagot niya at bahagyang natawa kaya nagkatinginan kami bago tumingin ulit kay Eve. “Bakit?” tanong ko at tinungga ang lata ko. “Gusto kasi akong ipakasal ng papa ko sa taong hindi ko naman mahal,” sabi niya at hindi ko alam kung bakit ako natawa sa sagot niya. ‘Napakacommon na ng mga ganiyang bagay.’ Tumingin siya sa akin bago kila Icom. “Kayo? Bakit kayo nagkasama-sama?” tanong niya at tumingin naman sa akin ang dalawa kong kaibigan na kolokoy dahil ako ang unang tumira doon kasama ni Icom. “My Dad cheated in front of me,” oagsasabi ko sa dahilan ko. “Kaya lumayas din ako sa bahay namin dahil ayaw kong makakita ng mga manloloko, Ayawvko sa mga manloloko,” sabi ko at tumingin kay Eve na nakatingin sa akin, halatang may tama na siya dahil namumula na ang mukha niya. “Nakita ko si Icom non at pinatira niya ako sa bahay niya na may bayad,” sabi ko at tiningnan si Icom na kakamot-kamot sa batok. Si Marco naman ay natatawa na ako dahil alam ko na ang mangyayari. “Ako naman wala lang hindi ako naglayas sa amin sadyang doon lang ako tumira dahil malapit doon ’yong school ko no’ng elem, naging kaklase ko si Dylan noon at minsan niya akong sinama sa bahay nila kaya sumama na rin ako sa kanila pero alam ng parents ko ’yon,” ’di ba ang daldal niya, derederetsong sabi niya. Saming tatlo si Marco ang pinakabata at si Icom naman ang pinakamatanda. Nagtawanan kami ng makapagsalita si Marco at napatingin kay Icom na tumikhim. “Sa akin ang bahay na ’yon, wala na akong parents at hindi ko kilala ang mga relatives namin,” huminto si Icom sa pagsasalita at tumingala sa langit habang nakangiti. ‘Pain.’ “Bata palang ako nang mamatay ang parents ko at hindi rin naman kami ganoon kayaman kaya walang naiwang mana sa akin sila Mama kaya ’yong bahay namin ay pinagkitaan ko na para may pang-aral ako.” Bilib na bilib ako kay Icom simula ni’ng una kaming magkita hanggang ngayon, napakamatured niyang tao, independent at kahit na bata palang siya ay iniwan na siya ng mga magulang niya ay naging matatag siya at napagtuloy sa buhay. Tinaas ni Marco ang lata at sinabing “Cheers!” sabi niya kaya nagcheers na naman kami. “May kapatid ka ’di ba Eve?” tanong ni Marco at tumingin naman si Eve sa kaniya na mapupungay ang mga mata. “Ap— no lima kami, salawang babae at tatlong lalaki,” sabi niya at nagtaka kaming lahat sa sagot niya dahil kakasabi lang kanina ni Sandra na walang kapatid na babae si Eve. “May kapatid kang babae?” tanong ni Marco na alam ko rin ay nagtataka. “Yeah,” sagot ni Eve, lasing na. “Bakit sabi ni Sandra wala ka raw kapatid na babae?” tanong ko rito at napabuntong hininga. Tumingin siya sa akin at sumagot. “Si Sandra madami pa siyang hindi alam sa akin kahit na matagal na kaming magkasama ay limit lang ang alam niya sa akin,” anito at uminom na naman sa lata niya. Napatingin ako sa gilid niya at doon ko lang napansin na halos nakalabing isang lata na siya. Huh? “Ilang taon na ’yong mga kapatid mong babae?” interesadong tanong ni Marco at natawa naman ako dahil alam ko na ang sasabihin niya. “’Yong isa 19 tapos ’yong isa 2,” sagot niya, ang bata pa ng kapatid niya. Siguro ay bata pa ang Mommy niya? “Ireto mo naman ako doon sa 19 years old mong kapatid,” sabi ni Marco at nagkatinginan naman kami ni Icom at napangiting parehas. Tumingin naman ako sa lasing na Eve at napahinto ako ng makita ang mukha nito, mahaba ang pang-ibaba nyang labi at nakapikit. Ang cute. Tss. “Bawal,” sabi nito habang umiiling. “Bakit? Bawal ba siyang magkaboyfriend?” Nanghihinayang na tanong ni Marco at ngumiti naman si Eve. “May nagugustuhan na kasi ’yon, kaso ’yong lalaki mukhang walang interest sa kaniya.” Napapailing siya at tumingin sa akin, nakita ko ang mata niya na naduling bago umiling ulit at nag-iwas ng tingin sa akin. Kumuha ako ng malilit na bato at binabalibag ’yon sa bangin. “Si Mommy wala na rin.” Napahinto kami at nagkatinginan, nagpapakiramdaman din kami sa biglang pag-oopen up ni Eve tungkol sa mommy niya. Yumuko siya at naglaro ng mga bato sa paa niya. “Sampung taon na siyang w-wala,” Nakita ko na may mga tubig ang galing sa mata nya. Umiiyak siya. Narinig ko ang paghikbi niya kaya tumayo ako at tumabi sa kaniya bago siya akbayan, sumandal naman siya sakin at nagpakawala ng mga hagulgol na mabibigat. “10 years? Pero ’yong kapatid mong babae 2 years old palang?” takang tanong ni Icom at pati ako ay nagtaka rin. Naramdaman ko na bumigat si Eve kaya mas lalo kong hinigpitan ang pagkakaakbay sa kaniya. “Hindi kaya may kapatid siya sa labas?” tanong ni Marco at nagkatinginan naman kami ni Icom at napatango. “Eve...” tawag ni Icom kay Eve pero hindi na ito sumasagot. Niyugyog ko siya at hindi na nga siya sumagot. “Mahina pala ’yan sa inuman hindi tulad ni Chester!” sabi ni Marco na halatang wala pang tama dahil nakakalimang lata palang siya. “Umuwi na tayo,” sabi ko at tumayo, pinasan ko naman si Eve papunta sa kotse ni Icom. “A-ang tanga mo... Mahal kita.” Napahinto ako nang marinig ko ang bulong ni Eve, umiling na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Nananaginip ata siya dahil panay pa rin ang bulong niya. Binuksan ko ang pinto at inihiga siya sa back seat. Umalis ako doon at sinalubong sila Icom. “Kayo ng bahala d’yan, motor niya na lang ang gagamitin ko,” sabi ko. “Mag-ingat ka Dy, dahan-dahan lang,” sabi ni Icom at tinapik ako sa balikat kaya tumango ako, naglakad na ako pababa ng bundok at pumunta sa motor ni Eve na nakaparada sa parking lot. Sinusundan ko ang kotse nila Icom na tinatahak ang daan pauwi. Wala na masyadong dumadaan sa high way kaya medyo mabilis din ang takbo namin kaya mabilis kaming nakarating sa bahay. Pinark ko ang motor ni Eve sa garahe bago lumapit sa kotse nila Icom. “Ako ng bahala sa kaniya,” sabi ko nang tangkain ni Icom na buhatin si Eve. Kinuha ko siya at binuhat na parang babae. “Goodnight, Dy,,” sabi ni Marco at dumiretso sa kabilang dulo ng secondfloor kung na saan ang kwarto nila ni Icom. “Tulog na kami, Dy,” sabi naman ni Icom kaya tumango ako bago pumasok sa k’warto ni Eve. Ilalapag ko na sana siya sa kama niya ng ma-out balance ako at bumagsak kasama si Eve. “A-ahh,” pag-inda niya dahil medyo nadaganan ko siya. Inangat ko ulit siya at inihiga sa kama niya, tinitigan ko ang mukha niya at nagulat ako nang bigla siyang dumilat at tumingin sa akin. Mas lalo akong nagulat nang hawakan niya ang batok ko at ibaba ’yon. Natigil ako. Pati ang hininga ko ay nahinto. Ang puso ko ay parang tumigil din sa pagtibok. Naramdaman ko ang malambot niyang labi sa labi ko. Umiling ako at binawi ang sarili ko at tumayo. Hinihingal ako na nakatingin kay Eve na tulog na tulog na. Tumalikod ako at nagmadaling pumunta sa kwarto ko, sinara ko ang pinto ko at sumandal doon bago hawakan ang dibdib ko na kumakabog ng malakas. “He kiss me....” Mahinang bulong ko na nakapagpainit sa buong mukha ko. EVE’s POV Nagising ako na parang binibiyak ang ulo ko, umikot ako sa kama ko at napasigaw ako nang wala na akong maikutan. “Aray!” sigaw ko at sinikap na makaakyat sa kama ko, napatingin ako sa sahig at nakita ko doon ang pants ko, sa kabila naman ay nakita ko ang coat at uniform ko na suot ko kagabi at sa harapan ko ay ang sando ko kaya napatingin ako sa suot ko at naka tube na lang ako at sickling nalang ako. Tumingin ako sa dib— oo na wala na akong dibdib. Tiningnan ko ang buong paligid at wala naman akong nakitang tao, safe. Tumayo ako at agad na umikot ang paningin ko, sinikap ko na makarating sa banyo, pagdating ko doon ay umupo ako sa bowl. Pagkatapos kong magjinggle ay hinubad ko na ang lahat ng natitirang saplot ko, sumampa ako sa bath tub at binuksan ang gripo. Isinandal ko ang ulo ko sa gilid ng bath tub at pinikit. Dinama ko ang lamig ng tubig, hangover. “EVE!” rinig kong sigaw ni Marco at hindi naman ako kumibo dahil tinatamad ako. “KAKAIN NA DAW!” sigaw pa nito at tumango ako. Inilubog ko pang lalo ang katawan ko sa bath tub. Napatayo ako bigla ng marinig kong mag-ring ang cellphone ko kahit na hilong-hilo ako ay nagmadali akong hanapin ’yon, kahit na nakahubot-hubad ako ay lumabas na ako sa CR dumeretso ako sa pinto at nilock ’yon bago damputin ang cellphone ko na nasa sahig. Tiningnan ko ang caller name at agad na bumagsak ang balikat ko nang hindi si Mama ang makita ko doon. Ilang linggo ng hindi tumatawag si Mama, alam kong busy siya pero hindi ako sanay ng wala talaga siyang paramdam sa akin. Tumunog ulit ang cellphone ko at sinagot ko na ’yon. “Jade?” tawag ko dito at narinig ko naman ang maingay at matinis na boses ni Eve. “Nii-chan!” sigaw nito at naglakad ako pabalik sa bath tub. “Eve, kamusta ka na?” tanong ko dito at napapangiti ako dahil sa cute ng boses ng kapatid ko. “Otey lang! Otey lang po si Eve!” masiglang sabi nito. “Kumain ka na?” tanong ko dito at pumikit. Siguro ay afternoon class na lang ang papasukan ko ngayon at hindi ko talaga kaya. “Opo, Nii-chan Naynay po?” tanong niya at napabuntong hininga ako. “May sakit si Naynay kaya hindi mo skya p’wedeng makita,” paliwanag ko rito at kahit hindi siya nakikita ay alam kong nakangiti siya. “Eve, pahiram ako ng cellphone,” rinig kong sabi ni Jade sa kabilang linya. “Ayaw! Kausap ni Eve Nii-chan,” sabi nito at natawa ako dahil narinig ko ang pagmamakaawa ni Jade kay Eve bago ibigay ni Eve ang cellphone kay Jade. “Oh?” tanong ko ng tawagin niya ang pangalan ko. “Pumasok na si Ezekiel,” sabi nito at parang may tinik na nabunot sa dibdib ko. “Send me—” Napatigil ako ng magsalita siya. “Wala! Wala hindi ko alam ang location nila!” napataas ang kilay ko ng sumigaw si Jade sa kabilang linya. “Bakit naman sumisigaw ka?” tanong ko at naririnig ko ang mabibigat niyang paghinga. “Bwisit kasi ang mata ng kuya,” Sabi nito at napatango naman ako. “’Divba kuya mo ang mata ni kuya?” nakangising tanong ko at narinig ko naman ang paghuhurintado niya. Si Jacen ang kuya ni Jade ang mata ni Kuya, kung ako ay si Jade si kuya Ezekiel naman ay si Jacen na abno. “Tss, bahala kayo,” sabi ko at binaba ang tawag. Nakarinig na naman ako ng katok kaya kinuha ko ang bath robe ko at tiningnan kung sino ang tao. “Eve, papasok na kami, Ikaw?” tanong ni Marco na naka bihis na nga. Umiling ako. “Afternoon class nablang ang papasukan ko,” Ssagot ko at tumango naman siya at nagpaalam na papasok na sila. Nagbihis naman ako ng jogger pants at over size s**t, at saka ako bumaba. Narinig ko ang mga makina ng sakasakyan nila Dylan at umalis. Dumiretso ako sa kusina at may napansin akong nag-iba. Inilibot ko ang paningin ko at napatango ako ng mapansin kong wala ’yong stove namin, bibili na lang siguro ako ng bago. Kumuha na lang ako ng ramen dahil hindi rin ako makakapagluto ng soup dahil wala nga kaming stove ’di ba. Nilagyan ko lang ng mainit na tubig ang ramen ko saka umakyat sa k’warto, ayaw ko sa kusina baka may multo doon. Umupo ako sa study table ko at inilapag ang bowl ng ramen. Inintay ko lang ’yon maluto habang nagcecellphone. Nagpunta ako sa journal ng VRIS at doon nagscroll. May napadaan na isang hindi kaaya-aya sa paningin ko na post. “Eve Xhion, He’s mine,” basa ko sa post ni Kelsy kaya nagcomment ako dahil puno na rin ako at ayaw ko ng nagkakaissue at tumutunog ang pangalan ko. “I’m not yours. And stop posting about me, b***h,” comment ko at binalibag na ang cellphone. Sinimulan ko ng kumain ng ramen at bigla namang tumunog ang aking cellphone kaya kinuha ko ’yon at inis na sinagot. “Ano!?” sagot ko dito at napahinto naman ako sa pagsubo ko ng marinig ko ang sagot sa kabilang linya. “Psh, little idiot...” ‘Anak ng—’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD