CHAPTER 22 INUMAN SESSION

2898 Words
Tumayo siya sa motor ko at naglakad papalapit sa akin. “H-hey,” kabadong bati ko sa kaniya at tiningnan niya lang ako. “Tara na umuwi na tayo,” sabi niya bago ulit ako talikuran at pumunta sa motor ko. Napabuga naman ako ng hangin saka lumapit sa motor ko. “Padaan,” sabi ko dahil nakaharang siya sa motor ko, lumahad naman siya na parang may hinihingi. Tiningnan ko naman siya ng nagtataka. “Susi,” sabi niya kaya napatingin ako sa susing hawak ko bago tumingin sa paligid ko at doon ko lang napansin na wala siyang dalang sasakyan. Inilag ko ang susi ko at nagsalita. “Ako na ang magdadrive, ayaw ko pang mamatay,” sabi ko at tumingin naman siya sa akin. “Ako na nga ang magdadrive.” Pangungulit niya at inaabot ang susi sa akin na iniilag ko naman. “Ayaw ko, ako na.” Pagmamatigas ko dahil ayaw kong pinapagamit sa iba ang motor ko, nio’ng nakaraan lang na si Nicco ang drive niyan ay hindi ko nagustuhan. “Akin na nga.” Pangungulit niya at inabot ang susi na nasa palad ko. Nagkulitan kami hangga sa.... “Ahhh!” Sigaw ko dahil naout balance ako. Hinintay ko na lang ang pagbagsak ko pero napadilat ako nang makitang sobrang lapit ng mukha sa akin ni Dylan at nakayakap siya sa akin. “Ang kulit mo kasi, akin na nga,” bulong niya sa akin bago makuha ang susi, aalma na sana ako pero napaandar na niya ang makina ng motor ko. “Sakay na.” Wala akong nagawa kung hindi ang umangkas sa likod niya, dumulo ako para hindi madikit sa kaniya. “Umusad ka,” sabi niya pero hindi ko siya pinakinggan at nanatili sa p’westo ko, nagulat ako ng hawakan niya ang likod ko at hatakin papalapit sa kaniya. “’Yan, gusto ko malapit ka sa akin,” sabi niya at ramdam ko ang pamumula ng pisnge ko. Nagulat ako nang bigla niyang pihitin ang silinyador ng motor kaya napayakap akong bigla sa kaniya at narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya bago tuluyang patakbuhin ang motor. Hinampas ko siya sa balikat dahil nasa 120 na ang takbo namin. “Aray ko! ’Wag ka ngang malikot!” sabi niya. “Bagalan mo ’yong takbo! Ayaw ko pang mamatay!” sigaw ko dito at hindi ko maalis ang pagkakayakap sa kaniya. Pag ako ang nagdadrive 20-60 lang ang takbo ko pero itong damuho na ’to papatayin ata ako. Napapikit ako dahil sa sobrang lakas ng hangin na tumatama sa mukha ko. “Humanda ka talaga sa akin Dylan!” sigaw ko at tumawa siya kaya napangiti ako. Nasubsob ako sa likod niya ng bigla siyang magpreno. Napatingin ako sa hinintuan namin, wala kami sa bahay, nasa parang isang kaininan na nasa kalsada? Parang katulad ng pinuntahan namin no’ng isang araw. “Baba,” utos niya kaya bumaba naman ako, tumingin ako sa kaniya. “Ayaw kong kumain dito,” sabi ko dahil nadala na ako sa nakain ko no’ng nakaraan, lasang hilaw na ewan. “Aish, wag kang maarte at saka hindi naman ’to katulad ng nakaraan.” Hindi na ako nakasagot nang hatakin na niya ako papunta doon sa kainan. Huminto siya sa isang tintahan na may mga lamesa at upuan, umupo siya sa isang upuan at sinenyas niya sa akin na maupo ako kaya sinunod ko siya. “Tapsihan,” sabi niya at tumingin sa akin. “Nagugutom na ako, kumain muna tayo,” sabi niya at tinaas ang kamay. “Ano po ang sa inyo?” tanong nang isang dalaga na halatang nagpapacute kay Dylan dahil pipikit-pikit ’to at hinahawi ang buhok habang nakatingin kay Dylan na nakatingin lang sa akin? Sa akin!? SA AKIN!? Tinaasan ko siya ng kilay at ngumuso naman siya napinagtaka ko. “Anong gusto mo?” tanong niya at napasimangot naman ako dahil wala akong alam dito sa kainan na ’to. “Ano bang available nila?” Tanong ko at napatingin naman sa akin itong babaeng kinindatan pa ako. “Tapsilog ang pinakamabenta dito,” sabi niya kaya tumango ako at sinabing ayon na lang ang orderin. “Saan ka ba galing?” biglang tanong sa akin ni Dylan kaya napatigil ang pag-iikot ng mata ko sa paligid. “May pinuntahan lang ako,” sabi ko at tumango naman siya pero ang mukha niya ay hindi kumbinsido sasagot ko. “May pinuntahan nga lang ako,” pagsasabi ko dito at tumingin naman siya sa akin na halatang nang-aasar. “Oh? Bakit? May sinabi ba akong hindi ako naniniwala,” natatawang sabi niya kaya napailing na lang ako. “Sino si Jade?” tanong niya, chismoso. “Kaibigan ko,” sagot ko ulit sa kaniya pero halatang hindi siya naniniwala. “’Wag kang magtatanong kung hindi ka maniniwala sa sagot ko, peste,” sabi ko at natawa naman siya. “Here’s your orders sirs.” Maarteng sabi ng babae at kumindat na naman sa akin bago kumagat sa labi. ‘Kilabot.’ Tiningnan ko ang nasa harap ko, sinangag, itlog at tapa. Ito ’yong tapsilog? “Ito ’yon?” tanong ko kay Dylan na nilalantakan na ang pagkain niya. “Oo,” sabi niya na hindi tumitingin sa akin at patuloy lang sa pagkain, hindi halatang gutom siya. Sinimulan ko ang pagkain at masarap naman. Kumain ako habang pinapanood ang mga batang nagtatakbuhan sa gilid namin. “Tapos na ako tara na,” sabi niya bago mag-iwan ng pera sa lamesa at tumayo. Hindi pa ako tapos kumain pero iniwan ko na ’yon dahil hindi naman ako masyadong gutom dahil sa dami naming nakain nila Jade kanina. Sinundan ko lang si Dylan kung saan siya pupunta at huminto naman siya sa isang tindahan ng fried chicken, ’yong maliliit lang. “Kumuha ka,” sabi niya kaya walang-ano-ano ay kumuha ako at masarap ’yon. Kumuha ako ulit. Isa pa ulit. Isa pa. One more. Isa pa. Last na. Last na talaga. One more again. Isa pa ulit. “Hijo, naubos na.” Napatingin ako sa lalagyanan ng little chicken at nakita ko na wala na ngang laman kaya dali-dali akong dumukot sa bulsa ko at kumuha ng pera pero wala akong barya kaya inabot ko na kay manong ang isang libo bago magpasalamat at umalis pero hindi pa ako nakakalayo nang may mapansin akong kulang. Lumingon ako sa paligid ko ko at... at.... “Dylan!” tawag ko sa kasama kong nawala sa tabi ko. Naglakad ako habang palinga-linga. Hindi ko alam ang lugar na ’to kaya nagderederetso ako hanggang sa makarating ako sa tabi ng bangin na may isang malaking puno, namangha ako sa nakita ko nang sumilip ako sa ibaba ng bangin. Nasa baba noon ang kinainan namin at tanaw dito ang buong syudad. ‘Ang gandang tambayan nito.’ “Ang ganda ’di ba?” tanong ng nasa likod ko kaya napalingon ako doon at nakita ko siyang may hawak ng beer in can. Initsa niya sa akin ang isa at nasapo ko naman ’yon. Dumeretso siya sa ilalim ng puno at umupo doon. Sumunod ako sa kaniya at umupo rin sa damo, parehas kaming nakatingin ulit sa buwan. Binuksan ko ang beer ko at uminom doon. “Dito kami madalas tumambay noon,” sabi ni Dylan at uminom sa beer niya. “Kasama nyo si Ches?” tanong ko rito at tumango naman siya. “Oo,” sabi niya at uminom ulit. “Kung saan magpunta ang isa ay nandoon din ang tatlo, F4 nga kami kung tawagin dati no’ng kasama pa namin si Ches.” Natawa siya bago ibalibag ang lata kung saan. Pumulot ako ng maliit na bato bago siya batuhin. “Aray ko!” sabi nya habang nakahawak sa parte ng katawan niya na tinamaan ko. “Pulutin mo ’yon,” sabi ko habang nginunguso ang lata na wala ng laman, magkasalubong ang mga kilay niya bago tumayo at kunin ang lata. “Magkwento ka pa,” sabi ko at tumingin naman siya sa akin at umiling. “Ikaw na lang,” sabi niya kaya napahinto ako bago bumuntong hininga at magsimulang magsalita. “Hindi ako pala k‘wentong tao pero parang ayos din ang suggestion mo,” sabi ko at itinukod sa likod ang dalawang kamay ko at tumingin sa langit “Wala akong alam tungkol sa’yo kaya baka p’wedeng magkwento ka naman kahit konti,” sabi niya kaya tumango ako. “Saan ba ako magsisimula?” sabi ko at pumasok sa isip ko ang mukha ni Sandra. “Si Sandra,” banggit ko sa pangalan ni Sandra at napatingin naman siya sa akin. “Ano si Sandra?” tanong ni Dylan kaya nagpatuloy ako sa pagkukwento. “Biktima siya ng s****l harassment,” sabi ko at hindi ko naman narinig na nagsalita siya kaya nagpatuloy ako. “Muntik na siyang marape no’ng nasa junior high palang kami, grade 7?” “Sige magpatuloy ka,” tinig kong sabi niya kaya tumungga ako sa beer na hawak ko at nagkwento ako ulit. “Muntik na siyang marape buti na lang at maaga ko silang nakita,” sabi ko at bahagya kong nayupi ang latang hawak ko nang maalala ang posisyon nila Sandra noon, nakalihis na ang damit ni Sandra at hinahalikan siya sa leeg ng lalaki. “Do’n ako unang nakapatay ng tao.” Sabi ko at narinig ko naman ang boses ni Dylan. “The hell? Wait! Tama ba ’yong narinig ko?” hindi makapaniwalang tanong niya kaya tumango ako. Self defense lang ang ginawa ko dahil may dalang patalim ang lalaking may hawak kay Sandra, tinutok niya sa akin ’yon at inambahan ako ng saksak kaya naman nanlaban ako. “Tama ’yong narinig mo at okay lang kahit mag-iba ang tingin niyo sa akin,” sabi ko at inubos ang beer. “Pahingi pa.” Baling ko kay Dylan na nakatingin lang sa akin ng seryoso bago ako hagisan ulit ng isa pang lata. “Madami ka na bang napatay na tao?” deretsong tanong niya sa akin at natawa naman ako. “Dylan, hindi ako mamamatay tao at hindi rin ako mafia o ano kung ano man yang nasa isip mo,” paliwanag ko dahil baka iniisip niya na mafia o assassin ako dahil sa isang pagkakamaling nagawa ko. “Isa lang akong normal na tao na nakapatay para ipagtanggol ang kaibigan na muntik na niyang magalaw.” Huminto ako at tumingin sa kaniya. “Sana ay makuha mo ang pinupunto ko.” “Oo naman kuhang-kuha ko,” sabi niya bago kami magtawanan. “Kaya ba ganoon na lang ang galit mo ng hipuan ni Third si Sandar? Dahil nagkaroon sya ng trauma?” tanong niya at napapitik ako. “Yup,” sabi ko at napalingon naman kami sa likod namin nang makarinig kami ng paghinto ng sasakyan. “Sabi na nandito kayo,” sabi ni Icom at naglakad palapit sa amin. “Ahh Icom tulungan mo naman ako sa dala ko!” sigaw ni Marco habang madaming dala na chichiria. Tumayo ako at lumapit kay Marco na hirap na hirap sa dala. “Akin na,” sabi ko at kinuha ang iba niyang bitbit. “Salamat Eve,” sabi niya at lumapit kami sa dalawang nagbabatukan na. “Ikaw na!” sigaw ni Dylan kay Icom at pinalo ito sa braso. “Aray ko! Ikaw na sabi!” sabi ni Icom bago sipain si Dylan sa paa. “Ano ba kayong dalawa! Ako na! Ako na!” sabi ni Marco na ipinagtataka ko kung ano ang pinag-aawayan nila. “Eve? P’wede magtanong?” aling sa akin ni Marco kaya nangunot agad ang noo ko dahil sa pagtataka. “Ano?” Tanong ko dito. Lumapit ng bahagya si Marco at bulong. “Sa’yo ba ’yong black panty doon sa may labahan?” para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ’yon at naalala ko na kahapon ay naglaba ako ng panty at.... at s**t! Naiwan ko yung isa! ‘Anong katangahan ang nagawa mo Eve!?’ “O-oo sa akin ’yon, kay Jade, binili ko ’yon para kay Jade at nilabhan ko na para mabango pagginamit na niya,” palusot ko at halata namang naniwala sila dahil nagngisihan sila. “Ayos!” sabi ni Marco at umupo sa tabi ni Dylan at uminom ng beer in can. Umupo na rin ako at umupo naman si Icom malapit sa akin kaya ang p’westo namin ngayon ay para kaming nakapabilog habang nasa gitna namin ang mga pagkain at alak. “Cheers!” biglang sigaw ni Marco bago itaas ang lata ng alak niya. Natawa kami at tinaas ang lata namin at pinagdunggol-dunggol ’yon. “Gano na kayo katagal magkakasama?” tanong ko dahil sobrang close nila sa isa’t-isa at para bang magkakapatid sila. Nagkatinginan silang tatlo at nagngitian. “More than a decade? 12 years,” sagot ni Marco. Ang tagal na pala. Nagk’wentuhan sila tungkol sa kabataan nila hanggang mapunta sa akin ang usapan. “Ikaw Eve? Bakit ka naman napunta sa amin?” tanong ni Icom at uminom sa lata niya. “Pinalayas ako e,” sabi ko at natawa ng bahagya, nagkatinginan naman sila at napatingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit nagiging open ako sa kanila. Tahimik akong tao at hindi palakausap pero tingnan mo ngayon sa tatlong lalaki na ’to ay lahat lumalabas sa bibig ko na hindi mapigilan. “Bakit?” chismoso talaga. Tumingin ako sa kaniya bago sumagot. “Gusto kasi akong ipakasal ng papa ko sa taong hindi ko naman mahal. Kaya no’ng pinalayas ako lumayas ako,” sabi ko kaya nagtawanan kami. Hanga ako sa kanila dahil sinasabayan nila akong tumawa sa problema ko. “Kayo? Bakit kayo nagkasama-sama?” tanong ko naman sa kanila at tumingin silang lahat kay Dylan na namumula na dahil siguro sa alak. “My dad cheated in front of me,” sabi niya bago ibato ang lata at nahulog iyon sa bangin. “Kaya lumayas din ako sa bahay namin dahil ayaw kong makakita ng mga manloloko. Ayaw ko sa mga manloloko.” Napalunok ako nang tumingin sa akin si Dylan at inirapan ako. “Nakita ko si Icom noon, at pinatira niya ako sa bahay niya na may bayad,” Anito na ikinakamot naman ng ulo ni Icom. “Ako naman wala lang hindi ako naglayas samin sadyang doon lang ako tumira dahil malapit doon ’yong school ko no’ng elem, naging kaklase ko si Dylan noon at minsan niya akong sinama sa bahay nila kaya sumama na rin ako sa kanila pero alam ng parents ko ’yon,” mahabang k’wento ni Marco kaya medyo natawa kami dahil sa kadaldalan niya. Tumikhim naman si Icom kaya napatingin kaming lahat sa kaniya. “Sa akin ang bahay na ’yon, wala na akong parents at hindi ko kilala ang mga relatives namin.” Ngumiti siya at tumingala. “Bata palang ako nang mamatay ang parents ko at hindi rin naman kami ganoon kayaman kaya walang naiwang mana sa akin sila Mama kaya ’yong bahay namin ay pinagkitaan ko na para may pang-aral ako.” Namangha ako sa sagot ni Icom dahil sobrang independent niya. “Cheers!” Tinaas ulit ni Marco ang lata niya at nagcheers kami bago ulit sila magtanong sa akin. “May kapatid ka ’di ba Eve?” tanong sa akin ni Marco, tumango ako bago dumapo ang paningin sa piattos na nasa harap ko. Kinuha ko ’yon at binuksan. “Ap— no lima kami, dalawang babae at tatlong lalaki,” sagot ko at parang narinig ko ang boses ni Eve na tinatawag akong Nii-chan. Napangiti ako bago mapatingin sa kanila na nagtataka sa sagot ko. “May kapatid kang babae?” sabay na tanong ni Marco at Icom kaya medyo natawa ako bago tumango. “Yeah,” sagot ko. “Bakit sabi ni Sandra wala ka raw kapatid na babae?” tanong naman ni Dylan kaya napabuntong hininga ako. “Si Sandra madami pa siyang hindi alam sa akin kahit na matagal na kaming magkasama ay limit lang ang alam niya sa akin,” sabi ko at nagbukas ulit ng panibagong lata. “Ilang taon na ’yong mga kapatid mong babae?” Interesadong tanong ni Marco. “’Yong isa 19, tapos ’yong isa 2,” sagot ko at napapalakpak naman si Marco bago sabihin ang... “Ireto mo naman ako doon sa 19 years old mong kapatid.” Malawak ang ngiti niya habang nakatingin sa akin, pinahaba ko ang pang-ibaba kong labi bago umiling. “Bawal,” sabi ko habang umiiling. “Bakit? Bawal ba siyang magkaboyfriend?” tanong ni Marco kaya ngumiti ako. “May nagugustuhan na kasi ’yon, kaso ’yong lalaki mukhang walang interest sa kaniya,” Napailing ako at napatingin kay Dylan na nakatingin din pala sa akin. Naramdaman ko na tinatamaan na ako kaya umiling ako bago mag-iwas ng tingin kay Dylan. “Si Mommy wala na rin,” biglang sabi ko kahit hindi nila tinatanong magkukwento ako kasi gusto kong umiyak ngayon. Yumuko ako at nilaro ang mga bato na nasa paanan ko. “Sampung taon na siyang w-wala.” Tumulo ang luha ko sa mata at ayaw kong ipakita sa kanila ’yon. Pero hindi ko na napigilan ang mga hikbi na gusto ng kumawala, hanggang sa maramdaman ko na lang na may umakbay sa akin kaya sumandal ako sa kaniya at umaiyak. ‘Mommy, miss na miss na kita.’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD