EVE’s POV
“Come on Sandra pick up your phone,” mahinang sabi ko habang paulit-ulit na dinadial ang number ng kaibigan ko.
Nakahiga ako sa kama ko habang tumatawag kay Sandra.
“Helloooooo?” mahabang sagot nito na halatang kakagising lang.
“Finally!” ani ko na nagbitaw ng isang mahabang hininga.
“Ano ba ’yan Eve ang aga mong mambulabog.” bakas sa boses nito ang pagkainis dahil naantala na naman ang kaniyang pagtulog.
“Oh come one Sandra, it's already 8 in the morning na kaya bumangon ka na.” Tumayo ako upang hubarin ang sapatos na suot ko. “Nakarating na ako sa apartment na tutuluyan ko pansamantala.” Inipit ko sa balikat ang phone ko habang tinatanggal ang sintas ng sapatos ko.
Narinig ko na may yabag ng paa sa labas ng kwarto ko.
“That's good, send me your address,” ani pa nito at narinig ko ang paghikab niya.
“Sandra, Favor. Can you bring my bike tomorrow?” paghingi ko ng pabor sa aking kaibigan na alam ko namang hindi ako matatanggihan.
“As if naman marunong akong magmotor?” sarcastic na sagot nito.
“Kay Baron, Ipa-drive mo muna sa
kaniya,” sabi ko at inintay ang kaniyang sagot na...
“Fine! Kailangan pa nating mag-usap!” ani nito at binaba ang tawag. Napangiti ako sa kakulitan nang kaibigan ko.
Kinuha ko ang bag ko upang ayusin ang mga damit ko sa cabinet na nandito sa kwarto na bakante.
Kinuha ko rin ang personal phone ko at pinatay iyon dahil alam kong babahain ako ng tawag at text pag nakabukas iyon.
Nagpalit na rin akong damit, isang oversize shirt at jogger pants ang sinuot ko upang maging kumportable ang katawan ko.
Pagkatapos kong magbihis ay humilata ako upang matulog dahil magdamag akong gising kagabi.
Agad na bumigat ang mga talukap ng mata ko at hindi ko na alam kung gaano ako katagal na katulog nagising nalang ako nang tumama ang sinag ng araw sa aking mukha.
‘Umaga na ba?’
Tanong ko sa aking sarili at bumangon upang silipin ang bintana kung saan nakikita ko ang pagsi— tumingin ako sa wall clock na nasa k’warto ko.
5:47
Tss, maggagabi palang pala.
Pinanood kong lumubog ang araw sa mismong tapat ng bintana ko.
Nakatingin lang ako rito, nais kong makitang muli ang paglubog ng araw.
“AHHHHH DYLAN!!!” napatingin naman ako sa baba ng aking bintana nang makarinig ako ng malakas na sigaw at nakita ko doon ang dalawang lalaki, ang isa sa kanila ay may hawak na hose habang nakatapat kay Marco na asar na asar dahil basang-basa na ang kaniyang damit.
Pinanood ko silang magbasaan na parang mga bata.
Umatras ako nang biglang lumingo sa gawi ko si Dylan kaya mas minabuti ko nalang na isara ang kurtina sa bintana ko.
Umupong muli ako sa aking kama at kinuha ang aking phone upang kontakin ang isang tao.
“Young lady?” sagot nya.
“Yes, May ipapaayos sana ako sa iyo.” pagsasabi ko ng aking pakay.
“Yes of course, what is it?” agarang sagot niya.
Pinaikot ko ang ballpen na hawak ko sa aking kamay.
“Can you change my info’s, all of my info’s.” Tumayo ako at kinuha ang laptop na nasa study table ko na.
“Ok, what’s y—” agad ko ng pinutol ang kaniyang itatanong.
“I'm Eve Xhion, and I'm a boy,” pagsagot ko sa pinutol kong tanong niya.
“Copy,” sagot niya na inaasahan ko naman.
“And please Jade don't call me young lady parang wala naman tayong pinagsamahan,” sabi ko at narinig ko naman ang pagtawa niya sa kabilang linya.
“Tss, Ok Eve,” sagot niya at bago pa man ibaba ang tawag ay may isa pang bagay akong ibinilin sa kanya.
“And by the way, pass all my informations to Villa Rose International School, I'll study there starting tomorrow.”
“Ok, Makakapasok ka na bukas,” hindi talaga ako binibigo ni Jade kahit kailan.
“Thank's Jade, maaasahan ka talaga,” sabi ko sa kaniya at kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong nakangiti siya, iyong ngiting mayabang.
“Tsk! Ako pa! Ayos na ang lahat ng info’s mo kaya wala ka na dapat pang alalahanin,” sabi nito kaya pinatay ko na ang tawag.
Hinarap ko ang laptop ko at pinagmasdan ang picture na gustong-gusto kong tinitingnan.
“This is ok to you?” tanong ko sa monitor na alam ko naman hindi sasagot. “I’m sorry, hindi ko na po kasi kaya,” sabi ko bago isara ang laptop t’saka bumalik sa higaan.
Napatingin ako sa pinto ko nang marinig kong may kumatok do’n.
“Eve, kain na daw!” ani nang tao sa labas na sa tingin ko ay si Marco.
Mukhang hindi naman ako mahihirapang pakisamahan sila dahil mukha naman silang mababait p’wera lang sa isa.