Agad akong bumaba ng tawagin ako ni Marco upang kumain, naabutan ko silang lahat na nasa kusina at nakaupo na.
“Hello Eve, sumabay ka na sa amin kumain.” Si Icom na hindi makabasag pinggan.
Tumango ako at umupo sa isang bakanteng upuan sa tabi ni Marco, mas gugustuhin kong siya ang katabi ko kaysa sa lalaking nabusangot ang mukha.
Nagsimula silang gumalaw, kaya kumuha ako ng kaunting kanin at ulam.
“Monday na naman pala bukas hay! may pasok na naman.” Reklamo ni Marco habang kumakain.
“Ang tamad mo kasi.” Ani ni Dylan bago uminom ng tubig.
Uminom ako ng tubig at mahinang dumighay.
“Ikaw tamad ka rin naman ha? Kaya ka lang naman sinisipag pumasok dahil sa mga babae mo.” At tumawa si Marco pagkatapos niyang sabihin iyon.
“Mga!? Wow naman Marco sino kaya sa atin yung nag-uwi ng bra dito!?” Malakas na tawa ni Dylan, nabilaukan ako dahil sa sinabi nya kaya dali-daling sinalinan ni Icom ang baso ko ng tubig.
“Thank you.” Taning nabigkas ko nalang bago lagukin iyon.
“Hinay-hinay lang.” Sabi niya na tinanguan ko lang.
“Hindi ko nga inuwi iyon! May naglagay noon sa bag ko kaya nauwi ko dito!” Pulang-pula ang muka ni Marco habang sinasabi ang mga katagang iyon.
“Nga pala Eve, may mga rules kami dito.” Baling sa akin ni Dylan habang ngumunguya kaya huminto muna ako sa pagkain.
“Ayos lang sa akin.” Sabi ko sa kaniya.
‘Hanggang dito may rules? Woah!’
“Rule no. 1 Dapat ay marunong kang maghugas ng pinggan, may schedule tayo dito at dahil bago ka lang ay ikaw ang sunod kay Dylan dahil siya ang nasa huli sa schedule.” Mahabang lintaya ni Marco.
Tumango ako at napabaling kay Dylan ng siya naman ang magsalita.
“Rule no. 2 Dapat ay marunong kang makisama kung gusto mong tumagal dito.” Ani nito at tumangong muli ako. Humarap naman ako kay Icom ng tumikhim ito.
“Rule no. 3 Bawal abutin ng 11pm sa labas, kung aabutin ka ng ganoong oras ay wag mo ng balaking kumatok o magdoorbell dahil wala nang magbubukas sa iyo.” Napatangong muli ako, hindi naman ako galang tao kaya walang problema sa akin ang oras ng pag-uwi ko dito.
“Dalawa lang ang susi ng bahay, isa sa front at isa sa backdoor at syempre na sa akin iyon.” Winasiwas ni Icom sa harap ko ang susi ng bahay.
“Naiintidihan ko.” Pagsang-ayon ko sa mga rules nila.
“Hindi pa jan natatapos, ang huli ay rule no. 4 girls not allowed here.” Napalunok ako sa huling sinabi ni Icom.
“Why?” Tanong ko dahil nakakapagtaka naman na wala pang nakapasok na babae dito, kahit na mga girlfriend nila?
“Lahat tayo dito ay lalaki, ang pangit naman tignan kung may babaeng nandito diba?” Si Dylan na tapos ng kumain.
“Kahit na kaibigan lan—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng sumagot na si Dylan.
“No.Girls.Allowed.here and that's rule.Mapakaibigan mo man yan o ano ay bawal” Pagdidiin niya pa sa mga salita.
Napatango nalang ako, nakakapagtaka.
“Pasensya na Eve hindi mo madadala dito ang mga chix mo." Pang-aasar pa ni Marco sa akin.
“Walang problema sa akin yun, at tsaka wala naman akong chix nadadalhin dito.” Paliwanag ko.
Nagpatuloy sila sa pag-uusap habang ako ay nakikinag lang.
Si Marco ang maghuhugas ngayon ng mga plato kaya naman umakyat na ako sa kwarto ng masigurado kong wala ng kalat sa kusina.
Kinuha ko ang laptop ko at binuksan ang f*******: ko upang ideactive.
‘Where the hell are you!? Are you ok? Umuwi ka na, mababaliw na kami dito. ’
‘Eve baby please uwi ka na, hindi naman galit si Kuya sa iyo.’
‘Cally keep safe, you can call me if you have a problem.’
Mga kapatid ko iyan na baha ang messege sa akin. Napailing nalang ako at idineactive ang f*******: pati na rin ang messenger ko.