CHAPTER 5 TAXI

631 Words
DYLAN’s POV Maaga palang ay nakagayak na ako upang pumasok sa school, lunes ngayon kaya may flag ceremony at kailangang maaga palang ay nandoon na kami kaya heto ako ngayon nakabihis na. Tumingin ako sa salamin na whole body, ngumiti ako na parang modelo. “Ang guwapo.” Bulong ko sa aking sarili bago lumabas sa kwarto. Paglabas ko ay napatingin ako sa katapat kong silid ng bigla ding magbukas ang pinto nito at iniluwa noon si Eve na nakauniform ng katulad sa akin. “School mate pala kita?” Takhang tanong ko, at napatingin din ako sa I.D niya ng mapansin ang lace na katulad din ng sa’kin. “At kalevel din kita?” Manghang bulalas ko dahil hindi ko naman siya nakikita dun sa campus and take-note magkalevel pa kami. “Yeah, actually kakatransfer ko lang.” Sabi niya. “Sige una na ako.” Sabi niya pa bago ako lagpasan. Napakibit balikat nalang ako bago bumaba sa salas. Naabutan ko dun si Marco na inaayos ang bag niya. “Hey, Marco.” Bati ko sa kaniya bago dumeretso sa kusina upang uminom ng tubig. Napasin ko si Eve na nasa lamesa at naka-upo habang nagsecellphone. Hindi niya siguro naramdaman ang presensya ko kaya tinitigan ko siya. “Moshi moshi?” Tumaas ang isang kilay ko ng may sabihin siyang salita na hindi ko naintindihan. “Hai, Kyō wa gakkō ni ikimasu.” (Yes, I'm going to school today.) Mas lalong napataas ang kilay ko dahil sa lumalabas sa bibig nuya. “Tashika ni, watashi wa jibun no o bāchan no sewa o shite imasu. Mama“ (Sure, I'm take care of my self, Mama.) “Dylan? What are you doing here?” Biglang sulpot ni Icom at mukhang narinig ni Eve ang boses ni Icom kaya napatingin siya sa gawi namin at mahina na lamang na bumulong sa kaniyang cellphone bago ito ibaba at tumayo upang lumabas ng kusina. “Anong nilalang ba ang lalaking ’yon?” Tanong ko kay Icom na nasa tabi ko at umiinom din ng tubig. “Why?” Tanong ni Icom bago ibaba ang basong ginamit niya sa lababo. “May kausap siya kanina at para siyang alien na ewan sa salita niya.” Humalakhak ako bago ibaba ang baso ko sa lababo. “Huh?” Takha akong tinignan ni Icom. “Hindi ka lang pala g*go may pagkachismoso ka pa.” Ani pa nito bago lumabas ng kusina kaya sumunod ako sa kaniya. “Hoy! Hindi ako chismoso! Sadiyang narinig ko lang talaga siya!” Inis na sabi ko kay Icom na nginisihan lang ako bago sumakay sa kotse niya. “Sabi mo e.” Habol pa nito bago umunang lumabas sa gate na nakabukas na, nakita ko naman si Marco na sumunod sa kaniya. Natanaw ko naman na parang huminto ang dalawa sa may gilid malapit sa bakod namin na agad din namang umandar muli. Sumakay ako sa kotse ko at lumabas ng gate, bumaba ako dahil no choice ako na ako ang magsasara ng gate dahil ako na naman ang nahuling lumabas ng gate. Bumalik ako sa kotse ko at hindi pa ako nakakalayo ng matanaw ko si Eve na parang mainiintay. ‘Wala ba siyang sasakyan?’ Siya siguro ang hinituan nila Icom. Napairap ako at huminto sa harap nya. “Walang dumadaan na taxi dito, sa kanto ang kadalasang taxi.” Paliwanag ko sa kaniya. “Kung gusto mo ay maglakad ka hanggang kanto para makasakay ng taxi.” Nakita ko naman na tumaas ang kilay nya kaya kinawayan ko siya bago humarurut ng takbo, kala niya isasabay ko siya? Hell no! Tinignan ko siya sa side-mirror ng kotse ko at nakita ko siyang nakatingin sa likod ng kotse. Napangiti nalang ako bago bumalik sa kalsada ang paningin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD