CHAPTER 6 KAPE

1171 Words
DYLAN’s POV Nakapila kami ngayon sa covered court dahil sa flag ceremony. “Dy, balita ko may transferee daw?” Tanong ni Nicco. “Yeah. Pinagkaguluhan na nga kanina e.” Walang ganang sagot ko. “Chix ba?” Napailing nalang ako dahil sa tanong niya, wala na ata siyang mukang bibig kung hindi Chix. Umayos ako ng pagkakatayo ng may dumaan na teacher sa gilid ko. “Hindi, lalaki Nics.“ Halos pabulong kong sabi dahil nasa harapan lang namin teacher. “Tsk! Sayang.” Hinayang na hinayang na sabi niya. Lumingon kaming lahat sa katapat na field ng covered court kung saan nakatayo ang flag pole, nagsimulang tumugnog ang pambansang awit. EVE’s POV “Kumain ka na ba? Breakfast? May gusto ka bang kainin? How about ramen?” Kanina pa ako tinatanong nitong kasama ko kung anong gusto kong kainin, pag ito talaga kasama ko hindi ako magugutom, mananaba ako kung ito ang kasama ko. “Hindi ako gutom, don't worry.” Mahinhin kong sabi sa kaniya. “Yung mga kasama mo? Mababait ba sila?” Tanong niya kaya tumango ako “Mababait naman sila.” Sagot ko sa kaniya para mapanatag ang loob niya. “Hay buti naman, puro ba sila babae?” Buti nalang talaga kaibigan ko siya kaya sinisipag akong sagutin siya ng sagutin. “Nope, lahat sila lalaki.” Napahinto sa paglalakad si Sandra at nanlalaki ang matang tumingin sa akin. “What the hell!? Are you crazy!? Nag-iisa ka lang na baba—” Agad kong tinakpan ang bibig niya dahil sa lakas ng boses niya, tumingin ako sa paligid at sa kabutihang palad naman ay wala akong makita kahit na isang estudyante sa hallway. “Ang ingay mo, mamaya may makarinig pa sa atin.” Bulong ko sa kaniya. “Ano ba kasing pumasok sa kokote mo at dun ka tumira!?” Nanggigigil na bulong niya. Inaayos ko ang coat na uniform ko pati na din ang neck tie. “Sa tingin mo ba ay may tatanggap sa’kin na puro babae?” Sinipat niya ako mula ulo hanggang paa. “Bakit ba kasi ganiyan ang itsura mo!?” Nanlalaki pa ang mga matang tanong niya sa akin. “Mas pinili kong magbago ng itsura dahil alam kong may mga mata si Papa na ipapadala upang hanapin ako. Kaya mas pinili ko nalang na itago kung ano ako.” Mahabang lintaya ko na ikinatango naman niya. “Sa bagay, pero bakit ba kasi naglayas ka?” Takhang tanong niya. “Hindi ako naglayas, pinalayas ako. Pero ang dating ngayon ay naglayas ako. Sandra, alam mo naman ang ugali ni Papa, pagsinabi niya ay sinabi niya.” Paliwanag ko na namang muli sa kanya. “Students!” Napahinto kaming pareho sa paglalakad at tumingin sa pinanggalingan ng boses na ’yon. Inosente kaming tumingin sa isang... Mukhang terror teacher. Sabay naming tinuro ang aming sarili at tumango naman siya. “Oo kayo! May iba pa bang estudyante dito!?” Luminga-linga kami at nagkatinginan kami ng makitang wala ng ibang estudyante bukod sa aming dalawa. Kaya pala tahimik kanina at napapansin kong wala ng ibang estudyante, ang akala ko pa naman ay sadiyang walang estudyante dito. “May flag ceremony pala ngayon.” Pikit na bulong ni Sandra. “Ang flag ceremony ay ginaganap sa field at hindi dito sa hallway!” Sigaw pa sa amin ng teacher. “At paalala lang ha!? Ang eskwelahan ay paaralan hindi pasyalan!” Dugtong pa nito habang nakapamaywang. “P-pasensya na po Ms. Valentine.” Ani ni Sandra at hinigit ako papalayo. “May flag ceremony pala dito?” Tanong ko sa kaniya dahil dito na siya nag-aaral simula 1st year college hanggang ngayon. “Oo, tuwing monday lang naman iyon.” Nakangusong sabi niya at natagpuan ko nalang ang sarili kong nakahelera sa pila ng mga iba pang estudyante. “Eto ang open field, dito laging ginaganap ang flag ceremony.” Paliwag niya at tumingala naman ako upang tingnan ang bagay na nagbibigay lilim sa pwesto namin. Namangha ako ng makita ang isang malaking puno na nagiging lilim ng mga estudyanteng nakapila. Agad akong napatras ng may mainit na likido ang dumapo sa braso ko. “Ouch! It’s hot!” Reklamo ni Sandra ng matalsikanng kaunti ang binti nito. “Ouch...” Mahinang sabi ko ng maramdamang parang namamanhid na ang braso ko, agad ko namang tiningnan kung sino ang may gawa noon at isang lalaki na may katangkaran ang nakangising nakatingin sa akin. “Are you blind!? Huh, Third!?” Galit na ani ni Sandra habang nakatingin sa lalaking tinawag niyang Third. “Ows, sorry pare.” Nakangising sabi niya saka binitawan ang cup ng kape na may laman pa kaya tumalsik pa iton sa aking pants. Tumango ako sa kaniya at malamig siyang tinignan. “Sige, mag-iingat ka sa susunod.” Sa abot ng makakaya ko ay hindi ko hinayaang magtunog pagbabanta ang boses ko. Nakangisi naman siyang umalis na parang tuwang-tuwa sa ginawa niya, may dalawa namang lalaki na mukhang buntot niya na dinunggol pa ako. Tinutulungan ko ang aking sarili na pigilan na hindi makagawa ng gulo. Hinawakan ko ang manggas ng uniform ko at sobrang lagkit! ‘Tss, hindi pa nagsisimula ang klase namin pero malagkit na ako.’ Napapailing na lang ako at naramdaman ko din na dumidikit din sa binti ko ang pants ko. “Nako! Nako! Nako! Mag-iingat ka doon kay Third, siya ay kilalang bully dito sa campus. Madali lang naman tandaan ang mukha niya na malademonyo!” Sabi ni Sandra at humarap na sa harapan dahil may nagsasalita na dun. “Psst, kuya.”Napalingon ako sa likod ko ng may kumalabit sa’kin. “May nagpapaabot daw po.” Ani ng babae at inabot sa akin ang isang paper bago. “Huh? Kanino?” Takhang tanong ko sa kaniya at sinabi nya na inabot lang din daw sa kanya ’yon ng nasa likod niya. Tinignan ko si Sandra at abala pa rin siya sa pakikinig sa harapan. Sinilip ko ang pila sa likod ko at isa lang ang masasabi ko... ang haba. Nagpaalam ako kay Sandra na mauna na siya dahil may dadaanan pa ako pero nagmakulit siya at sinabing sasama daw siya at ihahatid ako sa department namin, kung hindi lang siya nadaanan ng isa sa mga professor nila ay hindi pa siya pupunta sa department nila. Ng mawala siya sa paningin ko ay agad akong nagtungo sa Men’s Room at dumeretso sa isang cubicle upang magbihis, nagmamadali ako dahil baka malate ako sa klase namin. Paghatak ko sa uniform ay may isang papel ang nalaglag. Mag-iingat ka, hindi kita mababantayan palagi. —Jade Napahinga ako ng malalim ng malaman si Jade ang nagbigay sakin ng uniform, maasahan talaga siya. Sinuot ko ang uniform at saktong-sakto sa’kin. Ng makapagbihis na ako ay agad na akong lumabas at dumertso sa department namin. Para akong artista habang naglalakad dahil sa dami ng tumitingin sakin. Napailing nalang ako at dumeretso na sa room na sinabi sa akin ng Dean ng campus na’to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD