CHAPTER 7 HALF HALF

1229 Words
Komportable akong naka-upo dito sa may dulo. Laking pasasalamat ko nalang talaga at hindi ako nahuli. Pinaglaruan ko ang ballpen sa daliri ko habang nakatulala sa harap ng white board. Masyadong maingay ang mga classmate ko na sa tingin ko ay magkaka-close na fin dahil sa kung paano sila mag-usap. Aircon ang room namin kaya walang problema, nakatiles at maganda ang pagkakapintura. Maayos at matitibay ang arm-chair. “Hi!” May isang babae ang lumapit sa’kin na mukhang kararating lang, tumabi siya sa’kin sa may bakanteng upuan sa tabi ko. Tatlo lang ang upuan na sobra dito sa dulo at isa nalang ang bakante. “Bago ka?” Tanong ng katabi ko habang naglalagay siya ng Bb cream ata ’yon sa mukha. “Yeah.” Sabi ko na tatangotango “I'm Ruby, Ruby Tuazon” Sabi niya at inabot sa’kin ang kamay upang makipagshake-hands. Inabot ko iyon at nagpakilala. “Eve.” Maikiling sabi ko bago bitawan ang kamay niya. Ibinalik niya ang mga gamit niya sa small bag niya. Hindi naman na niya ako kinausap dahil dumating na din ang prof namin. Hindi na siya nagpakilala dahil, isang linggo na rin ang lumipas ng magsimula ang klase sa VRIS. May hawak siyang mga index card at tinatawag isa-isa ang mga estudyante. Ng matapos siya ay inikot niya ang paningin na para bang may hinahanap. “I heard na nandito daw ang transferee? Can you introduce your self?” Tanong niya kaya tumayo ako dahil mukhang ako lang ang transferee ngayong araw. “Oh, there hijo, what’s your name?” Tanong nito sa’kin kaya medyo umubo ako at nagsimulang magpakilala. “I'm Eve, Eve Xhion.” Nagbow ako ng bahagya at naramdaman ko naman na madaming mata ang nakatingin sa akin. “It's nice to see you Mr. Xhion, you can sit now.” Umupo ako tulad ng sinabi niya. “Ang ganda pala ng pangalan mo imported hihihi.” Bulong sa’kin ni Ruby. “Half ka ba?” Curious na tanong niya sa’kin. ‘Yes, half husky, half chow chow.’ Tumango ako at sumagot, “Yes.” Namilog naman bibig niya habang nanlalaki ang mga mata. “Ang galing, Half Filipino and half?” Pang-uusisa niya pa. “Japanese.” Napapalakpak siya kaya bahagyang napatingin samin ang ilan naming classmate dahil sa ginawa niya. “Hohohoho ang galing, edi marunong kang magjapanese?” Mahina niyang sabi habang niyuyogyog ang braso ko. ‘Feeling close, huh?’ “Ofcourse.” Sagot ko nalang dahil mukhang gusto niyang makipagkaibigan sa’kin “Ang galing! Turuan mo ako!” Sabi niya habang nagpuppy eyes. “At the back, Ms. Tuazon.” Warning ng prof namin kaya naman umayos ng upo si Ruby. Nagdiscuss lang ng nagdiscuss ang prof namin at hindi ko na namalayan na breaktime na pala. “Saan ka? Sabay na tayo.” Nakangiting ani ni Ruby, hindi naman na ako tumanggi dahil iisang canteen lang naman ang pupuntahan namin. Pagpasok namin sa canteen ay agad syang pumunta sa isang lamesa na bakante. “Ako nalang ang oorder dito ka nalang.” Tatanggi pa sana ako kaso nakatayo na siya. “Eve!” Napatingin ako sa lalaking tumawag sa’kin. ‘It's Marco.’ “Hey.” Bati ko sa kaniya ng makalapit siya sa lamesa namin. “Eve!” Someone’s call my name again and I know who is it. ‘Of course, it's Sandra.’ “Ano ka ba! Diba sabi ko sa’yo sabay tayong magbrebreak! Pinuntahan pa kita sa department niyo wala ka na doon!” Napapairap na sabi ni Sandra habang nagpapaypay gamit ang kamay. “Oo nga pala, nakalimutan ko.” Ani ko sa kaniya at inirapan niya lang ako. “He—” Bigla namang dumating si Ruby na madaming dalang pagkain. “Here, give it to me.” Sabi ni Marco at inalalayan ang tray na dala ni Ruby at inilapag iyon sa lamesa. “T-thank you.” Nakita ko naman na namula si Ruby ng sabihin niya iyon kay Marco. “Huy, sino iyan?” Bulong sa’kin ni Sandra habang nakatingin kay Marco. “Isa siya sa kasama ko sa bahay na tinitirahan ko.” Bulong ko sa kaniya. “Nampucha, ang gwapo. Don't tell me na yung dalawa mo pang kasama ganiyan din?” Tanong niya at tumango naman ako. “Can I join here?” Tanong ni Marco at walang ano-ano ay pinaghitak siya ng upuan ni Ruby. “Thank you.” Ani ni Marco bago umupo. “Eve, hindi mo naman sinabi na may kaibigan ka palang ganitong nilalang.” Halatang kinikilig si Ruby dahil hindi niya maiwasang ngumiti sa twing magsasalita siya. “Uhmm, Kuya dito nalang po palagay yung mga pagkain.” Sabi ni Marco at halos malula ako sa dami ng pagkaing nasa harap ko. “Sino naman yung isa?” Sabi pa ni Sandra habang pinagmamasdan si Ruby na humaling na humaling kay Marco. “She’s my classmate.” Sagot ko na ikinatango naman niya. “Ipakilala mo naman ako Eve sa kasama na’tin.” Sabi ni Marco na nagsisimula ng kumain. Tumikhim muna ako bago magsalita. “Marco this is Sandra and Ruby, Sandra, Ruby this is Marco. Marco, Ruby this is Sandra, Sandra this is Marco and Ruby. Sandra, Marco this is Ruby, Ruby, this is Marco and Sandra.” Halos mabuwal ako sa kinauupuan ko ng bigla akong hampasin ni Sandra sa braso. Tumingin naman ako sa kaniya. “Pagpasensyahan niyo na tong kaibigan ko medyo may pagkaabno din kasi minsan ’to.” Paliwanag ni Sandra at natawa naman ang dalawa. “Palabiro ka din pala Eve kala ko nung una masungit ka!” Sabi ni Marco at tumawa. Inayos ko naman ang uniporme ko na nagusto dahil sa kagagawan ni Sandra. Nagsimula na silang kumain, si Sandra na nakishare na din sa pagkaing binili ni Marco dahil sabi din naman iyon ni Marco. “Nyaaaaaa, si Doc Ferrer nandito.” Napatingin kaming lahat sa entrance ng biglang umingay ang cafeteria. “Uyy si Icom!” Sabi ni Marco, tumayo si Marco at kumaway kay Icom. Napansin agad sya ni Icom kaya ngumiti siya bago pumunta sa lamesa namin. Nakasuot sya ng coat na pang doctor at may suot na salamin. “Hi.” Nakangiting bati nito sa’min kaya tumango ako tsaka tumingin sa dalawang babaeng kasama ko at hindi ako nagkamali sa magiging reaksyon nila. Bahagya kong tinaas ang baba ni Sandra dahil malapit ng tumulo ang laway niya. “Anghel~” Nahihibang na sabi ni Ruby kaya natawa si Icom sa kaniya. “Ano palang ginagawa mo dito Icom?” Tanong ni Marco. “Hinahanap ko kasi si Dy pero mukhang wala siya dito.” Sabi ni Icom bago umupo sa tabi ni Sandra “Prend don't tell me siya din kasama mo?” Tumango nalang ako at naramdaman kong pinanggigigilan ni Sandra ang braso ko. “Sige, hindi na din ako magtatagal talagang dumaan lang ako dito para hanapin si Dy, mauna na ako sa inyo.” Ani ni Icom kumaway sa’min at umalis. “Juskooo! Eve kala ko ay ikaw lang ang gwapo dito pero whaaa ang dami mo palang kaibigan na gwapo.” Sabi ni Ruby. Tumingin ako kay Marco at nahuli kong nakatingin siya sa’kin, ngumiti naman siya bago kumain. “Double date?” Sabay-sabay kaming napatingin sa salita at madilim ang mukha niya habang nakatingin sa’kin. ‘Problema nito?’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD