CHAPTER 8 FRIEND REQUEST

1353 Words
Hinubad ko ang coat ko at bahagyang niluwagan ang neck tie. Nandito na ako sa parking lot dahil uwian na namin, nag-aagawan na ang dilim at liwanag sa kalangitan. Sumakay na ako sa Motor ko at inistart na ang makina. Wala na sila Ruby at Sandra naunan na silang umuwi dahil maagang dumating ang service nila. “Psst! Chix boy!” Napailing nalang ako ng tawagin ako ng bakulaw. “Uwi ka na?” Tanong niya sa’kin. “Hindi ba obvious?” Balik na tanong ko sa kaniya at nakita ko naman siyang umirap habang may binubulong. “Tss, abno.” Bulong ko din bago ko iatras ang motor ko. “Padaan.” Sabi ko dahil medyo nakaharang siya sa dadaanan ko. “Tsk! Ano ba ’yan!” Reklamo niya bago umalis, “Nga pala Chix bo—” Tinignan ko siya ng masama bago magsalita. “Isa pang tawagin mo akong Chix boy sasagasaan kita d’yan.” Pagbabanta ko sa kaniya dahil simula ng makita niya kami sa cafeteria ay wala na siyang ibang tinawag sa’kin kung hindi chix boy. “Alis!” Singhal ko sa kaniya bago magsimulang patakbuhin ang motor. Wala atang magawang matino ang lalaking ’yon at ako lagi ang pinag-iinitan. 'Tss.' Naging maayos ang byahe ko pag-uwi, pagkarating ko sa bahay ay bukas na ito dahil mas maaga ang uwian nila Icom kaysa sa’min. Dumeretso ako sa kwarto ko ng makita kong wala namang tao sa baba. Nagpalit ako ng damit at inilagay ang ang hinubad ko sa marumihan. Humiga ako at kinuha ang cellphone ko. Binuksan ko ang social media ko na Eve, this is my second account and at the same time private account. Nagulat naman ako ng sabog ang notification ko at ang friend request ko. Ruby Tuazon and 3,487 sent you a friend request. 1,498 request messege. 987 new notification. Nagtatakha ako dahil nakaprivate ang account ko pero bakit pa nila natunton ang account ko na’to? May nagnotif ulit sa akin at isang friend request na naman ang dumating. Marco Vergara sent you a friend request. Pinindot ko ang profile picture ni Marco na nakatopless siya at ngiting-ngiti. Hindi na din ako nagulat ng makita kong madami siyang likers, famous. Inaccept ko si Ruby at Marco tsaka pinatay ang cellphone ko upang harapin naman ang laptop ko. Tinignan kong muli ang litratong paborito ko at hindi ko maiwasang mapangiti. Hinawakan ko ito at ngumiti. “I'm ok, don't worry about me. I can take care of myself, I eat three times a day, I have a lot—no I have a new friends in school. I'm happy here, you? How are you there?” May isang butil ng luha ang tumulo galing sa mata ko. Agad kong pinahid iyon at ngumiting muli. “I miss you... Anata ga... koishī.” “Eve? Kakain na daw.” Pinahid ko ang mukha ko bago sumagot kay Marco. “Sige.” Sagot ko, tumingin muna ako sa salamin upang tingnan ang aking mata kung ok lang. Ng masigurado kong ok na ako ay lumabas na ako at bumaba sa kusina. Nando’n na si Icom at Marco napausad ako sa gilid ng dumaan sa gilid ko si Dylan. Tahimik lang akong kumakain samantalang ang tatlo ay nag-uusap-usap tungkol sa kanilang lesson. “Ikaw Eve? Kumusta ang first day mo?” Baling sa’kin ni Icom. “Ok lang.” Maikling sagot ko. “Buti naman, sinisigurado ko na mag-eenjoy ka sa campus dahil maganda dito at madaming pwedeng tambayan.” Malambing na sabi ni Icom. “Bukas sabay ulit ako sa inyo kumain ha? Sama mo ulit sila Ruby.” Masayang ani ni Marco kaya ngumiti ako ng bahagya at tumango. Kukuha ako ng tubig ng mapatingin ako kay Dylan na nakatigtig sa’kin ng mapansin niya akong nakatingin sa kanya ay inirapan ako. ‘Konti nalang talaga pagkakamalan ko ng bakla ’tong si Dylan.’ “Eve tikman mo ’to, luto yan ni Dy. Beef steak.” Nilagyan ni Marco ng beef steak ang plato ko kahit hindi pa ako pumapayag. Nakatingin silang lahat sa’kin na para bang hinihintay na tikman ko ang pagkain sa plato ko kaya wala na akong nagawa kung hindi tikman ito. Pagsubo ko ay medyo napahinto pa ako pero hindi ko pinahalata. “Diba? Masarap?” Ani ni Marco bago sumubo din. Tumango ako bilang pagsang-ayon. Hindi ko naiitatanggi na masarap nga ang pagkakaluto at ang baka nito ay sobrang lambot at malinamnam. Pagkatapos namin magkainan ay nagligpit na kami, si Dylan at Icom naman ay nasa sala at nanonood ng basketball kaya naman naisipan ko nalang na umakayat na sa taas, papasok na sana ako ng kwato ng mapalingon ako sa balcony, umihip ang malakas at malamig na hangin kaya naman pumunta ako doon at naisipang do’n muna magpalipas ng oras. Wala naman akong gagawin kaya naupo ako sa rattan swing chair na nandito rin sa Balcony. Tumingala ako upang tignan ang mga nagkikinangan na mga bituwin. Napansin ko ang pinakamakinang na bituwin na para bang sumasayaw dahil pakurap-kurap ito, napangiti ako. Matagal-tagal na din pala simula nung huling pagmasdan ko ang kalangitan sa gan’tong oras. Itinaas ko ang paa ko at nag-indian sit. “Ang ganda ng mga bituwin.” Napatingin ako kay Icom na nakahawak sa rails ng balcony. Tumingin siya sa’kin at ngumiti. “Eve, Eve Xhion. Ang ganda pala ng pangalan mo.” Sabi niya na ikinataas ng kilay ko. “Maganda ba?” Takhang tanong ko dahil madami ngang nagsasabi na maganda daw ang pangalan ko. “Yes, Eve means life or living. How's beautiful, right?” Tumingin siya sa buwan kaya ginaya ko siya. “Who give it to you?” Tanong niya. “My m-mom.” Mahinang sabi ko sapat na upang marinig niya. Namayapa ang katahimikan sa’min parehas lang kaming nakatingin sa kalangitan Naririnig ko ang malalalim niyang paghinga. “Alam mo Eve, hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakapansin.” Tumingin siya sa’kin, kalamado ang mukha niya at maaliwalas. “Huh? Ng alin?” Tanong ko at napabuntong hinanga naman siya, sumandal siya rails at pinatong ang magkabila niyang siko dito. “Sa tuwing nakikita kita may naaalala akong isang tao.” Mahina siyang natawa. “Parehas kayo, parehas kayong mahirap basahin. Sa attitude, sa aura, at ang mata mo ay parehong-pareho ng sa kaniya.” Huminto siya sandali upang tingnan ako at pagmasdan ang aking mukha. Hindi ko alam ang sasabihin kaya mas minabuti ko nalang na tumahimik at makinig sa mga sinasabi niya. “Pero kahit na mahirap siyang basahin at mailap sa amin, naging kaibigan namin siya, matalik na kaibigan. Mabait siya, sobrang bait niya.” Nakita ko ang saya sa mukha niya habang linalarawan nyia ang taong ’yon. “Hindi ka niya hihindian, hindi siya nagdadalawang isip na tulungan kami lalo na't kailangan namin ng tulong.” Napayuko siya bago bahagyang tumawa. “Sino ba ’yong tao na ’yon?” Tanong ko dahil pakiramdam ko ay kilala ko ito. “He's Ches—” “Icom.” Isang baritonong boses ang nanggaling sa pinto ng balcony kaya parehas kaming napatingin dito. “Dy...” Tawag sa kanya ni Icom, nagtitigan sila na para bang nag-uusap sila gamit ang mga mata. “Sige Eve, pasok na ako. Goodnight.” Ani ni Icom bago ako kawayan at pumasok sa loob. Napagpasyahan ko na din pumasok pagtalikod ko ay madilim na mukha ni Dylan ang nakita ko. “Padaan.” Sabi ko sa kanya pero parang wala siyang narinig dahil nakatitig lang siya sa’kin. Bumuntong hininga siya bago tumalikod at pumasok sa kwarto na katapat ng akin. Pagpasok ko sa loob ay siyang pagtunog ng cellphone ko. Dylan Abraham Enrique sent you a friend request. Pinindot ko ang profile pic niya. Seryoso ang mukha niya dito at masasabi ko na maganda ang pagkakakuha dito. Gusto ko sanang istalk ko pa siya ang kaso lang tinamad na ako, pinindot ko nalang ang accept bottom at pinatay na ang cellphone. Ipinikit ko ang mata ko upang matulog na at hindi din naman nagtagal ay unti-unti na akong kinain ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD