CHAPTER 9 TEAM?

1320 Words
Bagot na bagot ako habang nakikinig sa prof namin, oo kakasimula ko lang pumasok kahapon pero tinatamad na agad akong pumasok. “Mr. Xhion, how will you contribute to the college coomunity?” Ilang beses pa akong napapikit bago tumayo. ‘Anong klaseng tanong ’yon?’ Nagbuga ako ng hangin bago sumagot. “I was very involved with my high school political science club. Since I will be majoring in political science, I hope to join the club here, too, so I can continue developing my skills in that subject.” Sagot ko bago umupo. “Bravo!” Pumalakpak pa ang prof namin bago maghanap muli ng matatanong. “Ang galing, hindi ka lang pala gwapo may ibubuga ka din.pala sa acads.” Siniko-siko pa ako ni Ruby. ‘Bakit ba napapalibutan ako ng mga sadista?’ Ng dumating ang breaktime namin ay pupunta na sana kami sa cafeteria ang kaso nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan kaya nagpaalam ako kay Ruby na mauna na sya sa cafeteria at dadaan lang ako sa C.R Pagpasok ko ay may iilang lalaki na nagCCR kaya naman medyo nailang ako, at bahagyang yumuko upang humarang buhok ko sa aking mukha. Dumeretso ako sa cubicle sa pinakadulo at umupo sa toilet. Narinig ko namang naglabasan na ang mga lalaki kanina kaya naman nakahinga na ako ng maluwag. ‘Ginusto mo ’yan panindigan mo!’ Bulong sakin ng diwa ko. Lumabas ako pagkatapos kong magflash, naghugas ako ng kamay bago lumabas. Pagkalabas ko ay agad kong tinahak ang hallway na papunta sa cafeteria pero hindi pa ako nangangalahati sa hallway ng may isang babae ang naout of balance at bahagyang napasandal sa’kin. Tinignan ko lang siya at walang balak saluhin dahil na sa loob ng bulsa ng pants ang kamay ko at tinatamad akong ilabas ’yon. “O-oh, I'm sorry I didn't mean that.” Maarteng sabi nito habang halatang nagpapabebe sa’kin. Narinig ko naman ang mga hagikhikan ng mga nasa likod ko kaya nagkaron na ako ng ideya. Tinignan ko siya mula ulo hangga paa bago siya tanguan at magpatuloy sa paglalakad. Hindi pa man ako nakakalayo ay humabol muli sa’kin ang babae. “By the way, I'm Chellsy.” Nakangiting sabi niya at doon ko lang napagmasdan ang mukha niya, ang mukha niyang may makapal na make up. “It's nice to see you but I don't have any time to play with you, so can you get out of my way?” Tanong ko dito at napapahiya naman siyang tumingin sa palagid namin kung may nakarinig ba at sa tingin ko ay medyo madami-dami din dahil breaktime ngayon at nasa labas ang mga estudyante. Hindi ko na inintay ang sagot niya at nagalakad ng muli pero pinaglihi ata ’to sa kakulitan at hinarang akong muli. “Wait, puwede ba tayong kumain sa cafeteria? Sabay?” Tanong niya na nagpuppy eyes, kung kay Ruby ay cute ang kinalabasan sa kaniya ay hindi para siyang hindi mataeng ewan. “Sorry but may kasabay na ako.” Pagtatapos ko sa usapan namin at binilisan nalang ang lakad upang hindi na siya makahabol, medyo may heels ang sapatos niya at kung hahabulin niya ako ay mahihirapan siya. “Akala ko ba magccr ka lang? Bakit ang tagal mo?” Bungad sa’kin ni Sandra na kumain na, nandito na fin si Marco na kumakain na din. “Tss.” Naiusal ko nalang at naupo sa tabi ni Sandra. “Badtrip, ano bang nangyari naman sa’yo?” Tanong ni Sandra bago sumubo ng fries. “Wala, may nakasalubong lang ako.” Sagot ko sa kaniya. “Order lang ako.” Paalam ko bago tumayo, wala sa lamesa ang pagkain kong gusto. Nagcacrave ako sa ramen, gusto ko ng ramen. Pumila ako sa may counter upang umorder ng ramen. “Anong sayo?” Tanong sa’kin ng ale na nasa counter. “Do you have tonkotsu ramen?” Tanong ko at naramdaman ko ang bahagyang pagkulo ng tiyan ko kaya't napalunok ako. “Ha? Tong- ano?” Kunot-noong tanong ng ale sa’kin. “Tonkotsu ramen.” Sabi ko. “Wala kaming ganiyan dito hijo.” Sabi niya bago ako palakarin dahil humahaba na ang pila sa likuran ko, no choice ako kung hindi ang bumalik sa lamesa namin. “Oh, kala ko ba oorder ka?” Si Ruby bago humigop sa juice niya. “Ah, wala daw sila.” Sagot ko nalang at hindi na siya nagtanong pa ng makitang wala ako sa mood makipag-usap, nagpatuloy sila sa pagdadaldalan at nakikinig nalang ako habang nakatitig sa pagkain na nasa harap ko na malapit ng maubos. Uminom nalang ako ng tubig upang maibsan ang craving ko. “Sinabi mo pa pare!” Nangingibabaw ang ingay sa may entrance, bahagya akong tumingon do’n at isang grupo ng puro lalaki ang pumasok sa cafeteria. Una kong nakita ang isang lalaki na may pagkachinito pero mas mukha atang chix boy ang mukha nito. Maingay ito habang nakikipagkwentuhan sa isa pang lalaki na mukha ding magaso. “Sila Dy.” Bulong ni Marco at ngumiti. Kumunot naman ang noo ko kaya binalik ko ang tingin dito at oo nga nandito din ang bakulaw na madilim na naman ang mukha habang nakatingin sa’kin. “Problema nito?” Bulong ko at umayos nalang ng upo at inintay nalang matapos sa pagkain itong sila Sandra. Naramdaman ko naman na may nakatayo sa likod ko kaya napairap ako, sa amoy palang ng pabango niya ay nakilala ko na siya. Kahit na bago palang kaming magkakilala ay nakabisa ko na agad ang amoy ng pabango niya. Tss. “Zup, Dy. Sabay ka na sa’min.” Alok ni Marco. “Oi Dy! Dito tayo!” Sigaw nung chinito habang kinakawayan si Dylan. “Salamat pero do’n nalang siguro ako.” Sabi ni Dylan at nakangiti namang tumango si Marco. “Sayang naman gusto ko din kasing makasabay sa pagkain si Dylan.” Sabi ni Sandra habang nakapout. “Hehehe pasensya na kayo, gusto ko din sana kayo ipakilala kay Dy pero madalang ko din s’yang makasabay kumain dahil mas madalas s’yang sumasabay sa mga ka-team niya.” Tinignan ko ang grupo nila Dylan at tansya ko ay hindi sila tataas ng sampo. Kung madalas sumama si Dylan sa ka-team nya ibig sabihin, madalang magkasama-sama ang tatlong to dito sa campus? Ibig sabihin ay sa bahay nalang talaga sila nagkaka-usap-usap? “Team?" Si Ruby na tapos ng kumain. “Oo basketball player ’yang si Dy kaya madalang ko s’yang hindi makasabay kumain dahil utos na din ng coach nila.” Tumingin naman si Marco sa lamesa nila Dylan na nahkakasaya. “Bakit hindi nalang ikaw ang sumama sa kanila?” Si Sandra na tapos na din sa pagkain dahil napupunas na ito ng labi gamit ang tissue. Umiling si Marco. “Hindi siguro mangyayari ’yon” Ako lang ba? Yung nakapansin na hindi saya ’yong tawa ni Marco, kung hindi sakit? “Tsaka ok na ako dito, masaya din naman kayong kasama e.” Kumamot siya sa batok habang nakangiti. Napagdesisyunan na naming bumalik sa kaniya-kaniya naming room, ngayon ko lang din nalaman na 1st year college palang si Marco samantalang si Icom ay 3rd year college na. “Hi Ruby, puwede ka daw bang makadate mamaya?” Ka-block namin ’yan, hindi ko na matandaan ang pangalan dahil hindi naman importante sa’kin at tsaka tinatamad din akong tandaan. “Daw? Ibig sabihin hindi ikaw?” Kunot-noong tanong ni Ruby at tumingin sa likod ng may ituro sa harap yung ka-block namin. “Si Jake daw.” Sabi nito at umiling naman ng sunod-sunod si Ruby. “Ayaw ko, hindi ako mahilig makipagdate.” Mataray na sabi ni Ruby bago irapan ’tong nasa harapan ko. “Olats pare.” Rinig ko pang sabi no’ng lalaking lumapit kanina kay Ruby doon sa Jake. “Duh, ayaw ko sa mga gangster.” Mahinang bulong ni Ruby bago tumahik at tumingin sa harap dahil dumating na ang prof namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD