CHAPTER 10 MISSING

1471 Words
Dumaan ang isang linggo, at wala namang masyadong nangyari. Naging routine na namin nila Marco ang sabay-sabay na pagkain ng break-time at lunch. Naalala ko pa ’yong shellsy na babaeng minsang ng nangulit sa’kin ay kinulit ulit ako at pinipilit akong magdate daw kami natigil lang s’ya ng minsan ay natsambahan s’ya ni Sandra. “Eve, what are you doing here?” Tanong ni Sandra at tumingin kay shellsy. “Who are you girl?” Mataray na tanong nito kay shellsy. “Huh? I'm Chellsy.” Mataray ding ani ni Chellsy pala. “Ahh, ok. Can you stay away from my boy FRIEND, panget kasi tingnan ang isang masarap na pagkain tapos may langaw na aalialigid dito.” Sinapat siya ni Sandra, tsaka inirapan bago ako higitin paalis doon. Napapailing nalang ako ng maalala ang eksenang ’yon. Pag talaga si Sandra ang nakaharap mangangawawa ka. Weekends ngayon, tiningnan ko ang oras sa cellphone ko. 4:50 Sumilip ako sa labas at nakitang madilim pa at tahimik pa din ang buong bahay. Binuksan ko ng bahagya ang bintana ko at sumilip doon, malamig sa labas at sobrang tahimik. Napakasarap sa pakiramdam nito. Napagdesisyonan ko na maglalakad-lakad dahil hindi na ako makakabalik sa pagtulog. Nagsuot ako ng jogger pant at long sleve. Bumaba ako at lumabas, pindot ko ulit ang door knob ng pinto upang malock ulit ito. Ng makalabas ako ay nagstretch ako at nagsimula ng malakad, wala akong balak na tumakbo kaya nagtsinelas lang ako. Gusto kong puntahan ang dulo nitong subdivision, bakit? Wala lang trip ko lang. Habang tumagal ay padami ng padmi ang nakakasabay kong maglakad ang iba naman ay nagjojogging, tahimik lang akong naglakad hanggang sa marating ko ang dulo ng subdivision. Namangha ako sa nakita ko, dahil may pasyalan dito na puro puno at may ilog din, may mga bench din dito na puwede mong upuan. ’Yong lugar na ’to nabibigay sa’kin ng pakiramdam na parang nasa Japan ako. Pumunta ako sa tabi mg ilog at dinama ang simoy ng hangin. Nakatingin lang ako sa ilog habang pinapanood ang unti-unting pagsikat ng araw. Napansin ko din na parami na ng parami ang mga tao, may gan’tong pasyalan pala dito. Umupo ako sa isa sa mga bench at inilabas ang cellphone upang mamasya sa social media ko. Patuloy pa din sa pagtaas ang friend request ko at ang request messege ay mas lalo ding dumadami. Pumunta ako sa page ng VRIS puro student lang ang nandito, journal nila ito kung tawagin. Dito sila nagpopost ng kung-ano-ano, nagshi-ship ng kung sino-sino at kung ano-ano pa. Nagpop in ang number ni Jade sa screen ko, may messege na galing sa kaniya. :Jade — Pinaghahanap ka na. Napapikit ako ng namariin. Ito na, mayayari na naman ako. :Replied —Thanks for info's, don’t worry I can hadle this. Napagdesisyunan ko ng bumalik sa bahay dahil sikat na ang araw at sigurado akong gising na ang mga kasama ko sa bahay. Habang naglalakad ako ay may mga babaeng kumakaway sa’kin na hindi ko naman pinapansin, may mga nagtatangka din na magpapicture sa’kin pero tinatanggihan ko nalang at sinasabing “Sorry, nagmamadali kasi ako.” Ng makarating ako sa bahay ay nakita ko si Dylan na nasa garahe at naglilinis ng sasakyan niya, lalagpasan ko na sana siya ang kaso lang ay nakita niya ako. “San ka galing?” Tanong nito. ‘May pagkachismoso din pala ’to, Tss.’ Humarap ako sa kanoya at sinenyas ang labas ng gate. “D’yan lang, naglakad-lakad.” Sagot ko dito. “Kanina pala may babaeng naghahanap sa’yo.” Sabi niya kaya tumingin ako sa kaniya. “Hindi ko kilala ’yon pero namumukhaan ko siya, siya yung babaeng girlfriend mo.” Pagpapatuloy niya sa sinabi niya. “Asan na?” Tanong ko dito dahil wala na akong Sandrang naabutan. “Ewan, no’ng sinabi ko na wala ka dito ay umalis siya at sinabing pasabi nalang na dumaan siya.” Tumango ako sa kaniya bago pumasok sa loob. Naabutan ko si Marco na nanonood ng anime sa sala samatalang may nagluluto naman sa kusina na sa tingin ko ay si Icom. Dumiretso ako sa kwarto ko at muling kinuha ang cellphone. Ngayon ko lang napansin ang mga missed call ni Sandra pati na din ang mga text niya. :Sandra —Come on, Eve! Hinahanap ka sa’kin nila Kuya Van. —Eve, Missing ka na. —Anong gagawin natin? —Huy! Nandito rin si Tito Hernan! —Pati si Tita Jasmine nandito din. Napasabunot ako sa buhok ko at mabibigat ang paghinga. Tinawagan ko si Sandra. Ilang ring lang ay sinagot na niya. “Hello?” Bulong niya. SANDRA’s POV Pauwi na ako galing sa bahay nila Eve, pero si Dylan lang ang naabutan ko at sinabing wala siya do’n. Hindi naman ako makulit t’saka alam ko naman na kung nando’n si Eve ay lalabasin noya ako agad. Sumakay ulit ako at nagpadrive kay Baron na driver ko. Aayain ko sana si Eve na mamasyal ngayon. Nag-open nalang ako ng social media at laking gulat ko ng mukha agad ni Eve ang nakita ko. CALLISTA EVERIELLE VALENCIA —MISSING— 1 MILLION PESOS REWARD. Agad kong tinawagan si Eve pero hindi niya sinasagot. “Come on, Eve.” Bulong ko dahil ayaw talagang sagutin ni Eve, nagriring lang ito. Malayo palang kami sa bahay namin pero natanaw ko na agad ang tatlong magagarang sasakyan. Napalunok ako bago ibaba ang cellphone. Pumasok ako sa bahay at agad na dinaga ang dibdib ko ng makita ko ang parents ni Eve dito pati na din ang mga kuya niya. “Sandra, hija nand’yan ka na pala.” Si Mommy na nakangiti sa akin kaya pinilit kong ngumiti. Tumingin ako sa mga kuya ni Eve na nakatingin din sa’kin, si Kuya Van ay nginitian ako pati na din si Kuya Chase samantalang si Kuya Ezekiel ay nakatingin lang sa kawalan at seryoso ang mukha. “San ka ba ng galing hija?” Tanong ni Daddy kaya umupo ako sa tabi niya. “Sa bahay po ng classmate ko.” Pagsisinungaling ko t’saka na palunok. ‘Babatukan talaga kita Eve pag nagkita tayo.’ “Goodmorning po tito, tita.” Ani ko sa parents ni Eve at nginitian naman nila ako. “Sandra may gusto silang itanong sa’yo.” Kumabog na naman ng malakas ang dibdib ko at pakiramdam ko ay nanlalapot ang pawis ko daig ko pa ang gumawa ng krimen at ililitis ako. “Ano po ’yon?” Kabadong tanong ko. “Hija, Sandra si Callista nawawala isang linggo na at hanggang ngayon wala pa din kaming balita sa kaniya.” Malungkot na sabi ni Tita Jasmine. “H-ha? Si Callista po?” Kanda utal na tanong ko. “Yes, no’ng isa linggo pa namin siya hinahanap dahil naglayas siya. Akala namin ay babalik siya pagkalipas lang ng ilang araw pero hindi, kaya naman nagsimula na kaming maghanap.” Ani ni Kuya Van. Yumuko naman ako at naramdaman ko ang paghagod ni Mommy sa likuran. “Gusto sana nilang itanong sa’yo kung nakakausap mo pa daw ba si Callista dahil bestfriend mo siya diba?” Malambing na tanong ni Mommy sa’kin. Nanginginig ako, natatakot ako kay tito Hernan pati na din sa mga kapatid ni Eve. Alam kong pag nakita nila si Eve ay ilalayo siya ni tito Hernan at itutuloy ang arrange marriage. “Sweet heart?” Tawag sa’kin ni Daddy kaya napatingin ako sa kanoya. “H-hindi ko po sya nakakausap, dalawang linggo na po.” Nanginginig ako. “Are you ok Sandra?” Si Kuya Chase ng mapansin siguro niya ang panginginig ko. “I think wala fin siyang alam pa, at mukhang ngayon lang din niya nalaman ang nangyari kay Callista.” Bigla namang nagring ang cellphone ko kaya lahat sila ay napatingin sa’kin. Si Kuya Ezekiel na kaninang walang pakialam sa paligid ay napatingin din sa’kin. “Excuse me po.” Tumayo ako at dumeretso ako sa likod ng bahay namin, sinagot ko ’yon at tumingin sa paligid. “Hello?” Bulong kong sagot para walang makarinig sa’kin. “Huh? Bakit ka bumubulong?” Si Eve. “B-baka may makarinig sa’kin, nandito ang pamilya mo.” Palakad-lakad ako habang kinakagat ang daliri. “Nand’yan pa din ba sila?” Tanong nito at tumango naman ako na parang nakikita niya ako. “Oo.” Panay din ang sulyap ko sa back door dahil baka may lumabas doon. “Paalisin mo sila.” Napahinto ako sa paglalakad at para bang umurong lahat ng kaba ko dahil sa sinabi noya. “Baliw ka ba!? Hindi ganon-ganon ’yon!” Sighal ko sa kaniya at narinig ko naman ang pambansa noyang ‘Tss’ “Anong gagawin ko!?” Tanong ko pa dito. Humarap ako sa likod ko at nabitawan ko ang cellphone ko at bahagyang napatalon dahil sa gulat. ‘Patay na.’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD