CHAPTER 11 MAMA

1432 Words
EVE’s POV Nailayo ko sa tenga ko ang cellphone ng marinig ko ang malakas na tunog na hindi ko alam kung saan namg galing. “San—” Tatawagin ko na sana siya ng may ibang boses akong narinig. “Sorry.” Bumilis ang t***k ng puso ko, hindi dahil sa kilig kundi dahil sa kaba. “K-kuya Ezekiel, a-anong ginagawa mo dito?” Rinig kong tanong ni Sandra. “Magpapaalam lang sana ako, uuwi na kasi kami.” May narinig muli akong ingay. “Devil?” Rinig kong tanong ni Kuya Ezekiel. “C-classmate ko ’yan.” Kabadong sagot ni Sandra. Tumikhim ako bago mas palalimin ang boses ko. “Sandra, hello? Tuloy ba tayo bukas?” Kunwari'y tanong ko para hindi manghinala si Kuya Ezekiel, malakas pa naman makiramdam ang isang ’to. “H-hello Marco, Oo. Bukas sige.” Tumaas ang kilay ko, Si Marco pa talaga? “Sige una na kami, just in case na tumawag or makita mo si Cally, Just tell her na kausapin niya ako at pasabi na din na hinahanap na din siya ni lolo Callisto.” Rinig kong bilin pa ni Kuya bago marinig ang mga yabag niya. “Mag-usap tayo mamaya.” Si Sandra bago patayin ang tawag. Dumapa ako at sinubsob ang mukha ko sa unan. Umayos ako ng pagkakahiga at tumingin sa kisame, narinig kong may kumakatok. “Kakain na daw.” Bakit hindi si Marco ang narinig ko? Hindi ko nalang ’yon pinansin at hindi sumagot, mas gusto kong tumitig sa kisame. *CRINGGGG~ CRINGGGG~* Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko at inakalang kong si Sandra ’yon pero nagkamali ako. Si Mama. Agad-agad ko itong sinagot, “Mama.” Tawag ko dito. “Everielle.” Malambing na tawag nito sa’kin. “How are you?” Tanong niya sa’kin. Gumagaan ang pakiramdam ko sa tuwing maririnig ko ang boses ni Mama. “Watashi wa daijōbu.” (I'm ok.) Sagot ko dito, hindi nakakaintindi si Mama ng tagalog pero may mga alam syang salitang tagalog tulad ng Mahal kita. “Anata no gakkō wa dōdesu ka? (How’s your school?)” Tanong niya. Once a week lang din siya makatawag kaya sa tuwing tatawag siya ay para bang sabik na sabik ako. “Daijōbudesu, I have a new friends Mama.” (It's ok.) Narinig ko naman ang pagatawa niya. “Mama, Itsu koko ni kaette kimasu ka?” (When you will be here?) Tanong ko. “I don't know but I promise to you, watashitachi mo aimasu.” (We will meet again.) Tumulo ang luha ko. “Anata ga koishī, Mama.” (I miss you so much.) Pinigilan ko ang mga hikbing gustong kumawala sa bibig ko. “I miss you too, Everielle. I need to hang up this. Sayonara, Aishitemasu.” (Sayonara, I love you.) Hindi na ako nakasagot ng patayin na niya ang tawag. Busy si Mama sa trabaho niya sa Japan kaya madalang niya din akong matawagan. Dumapa ako at umiyak ng tahimik, ayaw kong nagkakaganito ako. Nangungulila ako, nasasabik ako sa pagmamahal ni Mama. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa kakaiyak. Pumunta ako sa CR upang magcr, tumingin ako sa salamin at nakita ko na namamaga ang mata ko. Napaismid ako bago lumabas ng banyo. Pagkaupo ko ay kinuha ko ang cellphone ko. May messege galing kay Sandra. :Sandra —Let’s meet. Sinend niya sa’kin ang location at oras, 1pm niya ako pinapapunta kaya tinignan ko ang oras 11:30 na kaya naisipan ko ng maligo. Walang gana akong naligo at nagbihis pakiramdam ko ay latang-lata ako. ‘Ikaw kaya hindi mag-almusal at tanghalian tapos ang layo-layo pa ng nilakad mo.’ Napailing nalang ako bago magsuot ng leather jacket at kunin ang susi ng motor ko. Bumaba ako at nagkagulatam pa kami ni Dylan dahil paakyat siya at pababa naman ako. “Gising ka na pala, kumain ka na doon.” Sabi niya bago ako lagpasan. Naramdaman kong huminto siya sa paglalakad, maglalakad na sana ako ng magsalita siya. “Are you ok? You look... hayst nevermind.” Aniya at tuluyan ng naglakad. Ako naman ay nagpatuloy na din sa paglalakad at dumeretso sa garahe. Napansin kong wala doon ang kotse ni Marco kaya naisip ko na baka umalis siya. Nagdrive ako hanggang sa location na sinend sa’kin ni Sandra. Japanese Restaurant ang nadatnan ko sa location na sinabi ni Sandra. Dumeretso ako sa parking lot upang magparking. Pumasok ako at agad ko naman nakita si Sandra na kumakaway sa’kin. “Late ka.” Salubong niya sa’kin bago ako umupo sa kaharap niyang upuan. “Tatlong minuto lang, Sandra.” Ani ko at inirapan siya. Hihingiin ko sana ang menu sa waiter kaso pinigilan ako ni Sandra dahil umorder na daw siya. “Nagpunta ang buong family mo kanina sa’min.” Panimula niya kaya napangisi ako at tumingin sa kaniya. “Buo? Tss.” Sabi ko t’saka uminom ng tubig dahil nagsisimula ng humilab ang tiyan ko dahil sa gutom. “Eve, Ano ba? Puwede ba kitang makausap ng maayos?” Seryosong sabi niya kaya naman umayos ako ng upo. “Go.” Sabi ko sa kaniya at huminga naman siya ng malalim bago magsalita. “Galing doon ang papa mo at hinahanap ka nila sa’kin. Eve, wala ka na ba talagang balak bumalik sa inyo?” Tanong niya. Tumingin ako sa labas ng glass wall. “Kung may balak akong bumalik don, hindi ako tatagal ng isang linggo na maglayas.” Sagot ko at napailing nalang siya. “Kilala mo ako Sandra.” Ani ko. “Alam ko na may reason ka naman at kahit ako ay ayaw kong ituro ang kinaroroonan mo dahil alam ko ang mangyayari.” Sincere na sabi niya sa’kin. Hindi ko siya magiging bestfriemd dahil sa wala lang. Dumating na ang order namin at kinalimutan ang nangyari kanina. Sinimulan kong kumain, nawala bigla ang gutom ko dahil sa kakaisip. “Alam mo? Ang swerte mo ang dami mong kapatid!” Natawa ako dahil nagtutunog na nagseselos siya. Nag-iisang anak lang siya kaya naman lahat ng gusto niya nakukuha niya minsan kahit hindi niya hinihingi ay kusang binbigay ng parents niya. “Gusto mo iuwi mo na ang isa doon.” Natatawang sabi ko at hinampas naman niya ako sa braso. “Kung pwede nga lang ay matagal ko ng inagaw ang mga kuya mo!” Sabi niya at ngumuso. Nagkwentuhan lang kami hanggang sa matapos kaming kumain. Hindi ako nakakain ng maayos dahil para bang wala akong ganang kumain. “Samahan mo ako magshoshopping tayo.” Sabi niya bago ako hitakin, pupunta sana ako sa motor ko pero sabi niya balika nalang daw namin mamaya pagkatapos namin. “Saan po tayo miss Sandra?” Tanong ni Baron ng makasakay kami. “Sa mall lang Baron.” Ani ni Sandra at nagsimula na ng magmaneho. “Wait tawagan natin si Ruby.” Sabi ni Sandra bago idial ang number ni Ruby, ako naman ay tumingin sa labas ng kotse. Napatingin ako ng mabuti ng may makita akong parang familiar na tao, sinubukan ko pa ulit tingnan ’yon pero hindi ko na nakita. ‘Siguro ay namalik-mata lang ako.’ “On the way na daw si Ruby.” Sabi niya at sumabay sa kanta na tumutugtog. “Manahimik ka na lang, para kang kinakarag na yero.” Sabi ko at hinampas na naman niya ako sa braso. “Napakasama mo porque maganda ang boses mo makapanglait ka na d’yan!” Parang batang sabi ni Sandra kaya natawa ako. “Miss, nandito na po tayo.” Si Baron at nagpark. Bumaba kami ni Sandra, yumakap siya sa braso ko bago magsimulang maglakad. Pumasok kami sa loob at pinagtinginan agad kami ng mga taong malapit sa’min. “Grabe pinagtitinginan ako.” Sabi ni Sandra at ngumiti ng malaki. “Kung hindi mo ako kasama baka hindi ka nila nakikita.” Kinurot naman niya ang tagiliran ko kaya napailag ako at sa hindi sinasadyang pangyayari ay may nabangga akong isang babae at tumapon ang zagu na iniinom niya. “Yah! Ano ba ’yan Eve!” Binaba ko ang shades ko at tiningnan ang nasa harap ko. “‘Di ba si Ruby ka?” Tanong ko at inakmaan niya ako ng hampas kaya umilag na ako. Hinubad ko ang jacket ko at inabot sa kaniya ’yon dahil natapunan ng bahagya ang damit niya. “Hala Ruby nandito ka na pala!?” Gulat na tanong ni Sandra bago lumapit kay Ruby. Nagbeso-beso sila at nagtawanan. Ano ’to? Ghost na ako sa kanila ngayon? “Tara na Eve!” Aya sa’kin ni Sandra at nauna na silang maglakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD