Una naming pinuntahan ang bilihan ng damit, namili silang dalawa habang ako ay nakaupo lang. Nagpalit na din ng damit si Ruby dahil ayaw niya raw magsuot ng jacket dahil mainit.
“Ikaw na.”
“Bahala ka, sa’kin lang ’yon.”
Tiningnan ko sa gilid ng mata ko ang dalawamg sales lady na nagtutulakan sa gilid.
“H-hi sir!” Lumapit sa’kin ang isang sales lady na nakangiti. “Sir puwede po bang magpapicture?” Namumula ito habang nakayuko. Hindi ito makatingin sa’kin ng deretso.
Napailing nalang ako bago umayos ng upo.
“Sure, come here.” Pinalo ko ng mahina ang tabi ko upang maupo siya don.
“Hala girl! Picturan mo kami!” Agad na umupo ito sa tabi ko at lumapit sa’kin habang ngiting-ngiti.
Seryoso naman akong tumingin sa camera. Pagkatapos ng isang babae ay ’yong isa naman ang nagpapicture sa’kin.
“Uhmm, sir? Puwede po ba mahingin ang number mo?” Tanong pa nito sasagot na sana ako kaso may nauna na sa’kin.
“No.” Mataray na sagot ni Sandra ay umupo sa tabi ko. “Pakibalot to, pati na din to at iyon, isama niyo na din pati ’yon at ito at syempre ito.” Halos matabunan ang dalawang sales lady dahil sa mga damit na pinamili ni Sandra. “Ikaw namn feel na feel mo ang pagiging tibo mo, daig mo pa ang artista.” Sinamaan ko siya ng tingin at inambahan ng batok, agad naman siyang umilag at umatras.
“Hindi ako tomboy, disguise lang to.” Ani ko at bumaling kay Ruby na madami ding bitbit na paper bag. Buti nalang at hindi niya narinig ang bangayan namin ni Sandra.
“Hey, ito ang jacket mo.” Inabot sa’kin ni Ruby ang jacket ko at agad ko naman itong sinuot.
Inintay lang namin makabalik si Sandra bago lumabas sa store.
Syempre dahil ang tingin nila sa’kin ay lalaki ako ginawa nilang taga bitbit. Dapat pala sinama ko si Marco para man lang may katulong ako.
Sunod naman nilang pinuntahan ay ang Watsons, umupo ulit ako sa may upuan at pinanood silang maglakad-lakad sa kung saan-saan.
“Hi sir, puwede po magpapicture?” Kinikilig na sabi ng isang babae na sa palagay ko ay costumer.
Wala din akong nagawa kung hindi ang pumayag.
Nakashades naman ako kaya hindi agad akong makikilala ng mga nakakakilala sa’kin.
“Tara na.” Sabi ni Sandra at panibagong bitbitin na naman ang binigay nila sa’kin. Hindi naman ako nahihirapan dahil hindi naman mabigat ang bitbit ko.
“Tara sa ice cream parlor namin.” Sabi ni Ruby.
“Oh? May Ice cream parlor kayo?” Excited na sabi ni Sadra na bahagya pang tumalon.
“Oo, ayon oh!” Tinuro ni Ruby ang isang store hinatak niya si Sandra papunta doon.
“Stone Ice cream parlor.” Basa ko sa taas ng store nila Ruby bago pumasok. Umupo ako sa tabi ni Sandra at binaba lahat ng pinamili nila sa sahig.
“Emerald!” Sigaw ni Ruby at isang... What the hell!? Tumingin ako kay Ruby at sunod sa babaeng lumabas galing sa loob ng pinakacounter nila.
“Wag kang sumigaw! Hindi ako bingi!” Singhal nito kay Ruby.
“Mga kaibigan ko pala, sila Eve at Sandra. Sandra, Eve kambal ko pala si Emerald.“ Pakilala ni Ruby sa kakambal niya, tumingin naman sa’min ito at ngumiti.
“Mga kaibigan pala kayo ng kambal kong demonyita. Sige, sandali lang ha kukuha ko lang kayo ng ice cream.” Ani nito bago kami talikuran, nakita ko naman na napairap si Ruby dahil sa sinabi ng kambal niya.
“May kambal ka pala?” Tanong ni Sandra at tumango naman si Ruby. “Sana all nalang talaga may kapatid!” Dugtong nya pa at ngumuso.
“Ayy wala ka palang kapatid?” Kunot noong tanong ni Ruby at umiling ng sunod-sunod si Sandra. “Kawawa ka naman.” Pang-aasar pang lalo ni Ruby at tumawa ng malakas napahinto siya sa pagtawa at napatingin sa may entrance ng shop nila.
“Hindi ba't si Dylan ’yon?” Sabay kami ni Sandra na napatingin sa nginunguso ni Ruby, nakita namin si Dylan na nasa entrance ng shop nila Ruby, tatayo na sana si Sandra upang tawagin ito ngunit napatigil ng makitang may kasama si Dylan, may kasamang babae.
"Umupo ka na muna d’yan, ako nalang ang oorder.” Rinig kong boses ni Dylan dahil halos kami lang ang tao sa shop na’to.
“May girlfriend pala si Dylan?” Usal ni Ruby habang tinitingnan si Dylan na papuntamg counter.
Laking pasasalamat ko nalang dahil hindi kami kita dito sa pwesto namin.
“Ang ganda naman no’ng girl.” Sabi ni Sandra. Tiningnan ko ang babae at nakita ko ang mala-anghel na mukha nito.
Napansin naman namin na pabalik na si Dylan kaya medyo umayos kami ng upo.
“Bakit hindi nalang natin sila puntahan at makitable?” Tanong ni Sandra at napataas naman ang kilay ko.
“Tss, mukhang nagdadate sila. Ano sasama ka?” Tanong ko sa kaniya at napangiti naman siya at nagkakakamot sa ulo niya.
Nagulat ako ng mapalingon ako sa kaliwa ko ay mukha ng kambal ni Ruby ang bumungad sa‘kin, sobrang lapit ng mukha niya sa’kin.
“Sino ba ang pinag-uusapan niyo?” Tanong niya na nakatingin din sa tinitingnan namin. Tinaas ko ang isang daliri ko upang ilayo ng bahagya ang mukha nito at laking pasasalamat ko naman ng kusa itong umayos ng tayo. “Magpakabusog kayo, sabihin niyo lang kay Ruby kung gusto niyo pa at ikukuha ulit kayo niyan, ha!” Sabi ng kambal ni Ruby bago kami talikuran at pumunta sa gawi nila Dylan kaya hindi ko na din napigilan na tumingin doon.
“Here, ahh.” Sinusubuan ng babae si Dylan ng ice cream. Natawa nalang ako sa reaksyon ni Dylan dahil hindi maipinta ang mukha nito.
“Huy! Yung ice cream mo matutunaw na.” Hinampas ako ni Sandra kaya nabalik ako sa ulirat.
Hinintay muna namin makaalis sila Dylan bago kami umalis.
Napagdesisyonan na namin na maghiwa-hiwalay dahil pagabi na. Hinatid lang kami ni Ruby sa kotse ni Sandra at bumalik din sa shop nila. Sila daw muna ang nagtatao doon dahil wala daw ang mga empleyado nila dahil nagbakasyon ito.
Tahimik lang ako habang bumabyahe, ito namang si Sandra ay nakatulog na sa balikat ko.
Bahagya ko siyang niyugyog ng makabalik kami kung nasaan ang kotor ko. Pupungay-pungay naman ang mga mata niya at tumingin sa’kin.
“Una na ako.” Bumaba na ako sa kotse niya.
“Ingat sa pag-uwi ha, dahan-dahan lang at gabi na.” Paalala niya sa’kin at kumaway bago umalis.
Pinuntahan ko naman motor ko at napagdesisyonan na umuwi na din.
Pagtapat ko sa gate ng bahay ay nakabukas na ito at narinig ko pa ang pagpatay ng makina ng sasakyan ni Dylan.
Pinasok ko na ang motor ko at inilagay ang cover nito.
Dumeretso ako sa loob dahil hindi pa bumababa si Dylan sa kotse niya, pagpihit ko sa door knob ay nakalock ito.
Wala bang tao dito? Tiningnan ko ulit ang garahe at do’n ko lang napansin na wala pa ang kotse ni Marco.
“Here's the key, wala sila Icom.” Napatingin ako kay Dylan na nagsalita sa likod ko. Napansin ko din ang damit niya na suot niya kanina hanggang ngayon.
“Umuwi sila kila Marco, kaya tayong dalawa lang ang tao dito. Baka bukas or sa Monday na ang balik nila.” Paliwanag niya habang binubuksan ang pinto.
Ng makapasok kami ay agad niyang pinindot ang mga switch ng ilaw upang magkaron ng liwanag ang kapaligiran namin.
“Kain na tayo, nagtake-out nalang ako ng pagakin natin dahil tinatamad akong magluto.” Hindi na ako tumanggi sa alok niya dahil ngayon ko lang naramdaman ang tiyan ko na nagwawala na dahil sa gutom.
Puwesto ako sa lamesa at tinulungan siyang mag-ayos ng pagkain namin bago kami magsimulang kumain.