Pagkatapos ng prof namin ay lunch break na, sinabi ko kay Ruby na daanan muna niya si Sandra dahil pupunta ako sa locker upang ilagay doon ang iba kong gamit.
Naglakad ako sa may hallway papuntang locker, naging normal na din sa’kin ang mga estudyantemg kinakawayan ako o pinagtitinginan.
Lumiko ako sa isa pang hallway at bumulaga don sa’kin ang maingay na basketball team nila Dylan.
Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.
“Diba ikaw si Eve?” Nakangiting tanong sa’kin ng mukhang chinito.
”Yes?” Humarap ako sa kaniya upang maayos ko siyang makausap.
“Nicco nga pala!” Masiglang sabi niya t’saka inabot ang kamay.
Tiningnan ko lang ’yon at tumango bago siya talikuran, nagsasayang lang ako ng oras. Napansin ko din na wala doon si Dylan kaya mas lalong wala akong pakialam.
Narinig ko naman ang panunukso ng mga ibang ka-team niya ng makatalikod ako, hinanap ko ang locker ko at binuksan, inilagay ko ’n ang mga libro na hiniram ko kaninang break time sa library.
“Tsk, oo nga e. Bully talaga si Third.”
Hindi ko naman gustong makinig pero bigla akong kinabahan ng marinig ko ang usapan nila.
“Nako! Nakita niyo ba ’yong mukha nang babae, umiiyak na siya.” Sabi ng isa pang lalaki habang inaayos ang mga gamit niya.
“Paanong hindi iiyak? Ikaw ba naman pagtripan tapos hipuan.” Napapailing pang sabi ng lalaking nakaupo habang inaayos ang sapatos niya.
“Oo nga kilala ko ’yon, galing ’yon sa tourism department. Si Montello, Oo s—” Naisara ko ng malakas ang pinto ng locker, tumingin ako sa tatlong lalaki na nag-uusap.
Alam kong isa lang ang tinutukoy nilang Montello at ang Montello na nasa isip ko.
Lahat ng nasa locker room ay napatingin sa gawi ko, pati na din ang basketball team na nag-iingay ay natahimik.
“Sabihin mo, nasaan si Third.” Nanginginig na ang kalamnan ko, umakyat na lahat ng dugo ko sa ulo. “Saan ko siya mahahanap?” Tanong ko dito at nakita ko naman ang takot sa mga mata nila.
“Sa may field, pre. Sa may malaking puno doon.” Sagot ng isa sa kanila. Tumalikod ako at mabibigat ang paang naglakad ng mabilis patungo sa sinabi nila.
“Tara pre, sundan natin.” Rinig ko pang sabi ng isa sa mga tatlo bago ko marinig ang mga yabag nila.
Nang makarating ako sa field ay malayo palang ay natanaw ko na agad ang grupo nila Third na nagtatawanan sa ilalim ng puno.
Niluwagan ko ang neck tie ko at tinanggal ang tatlong bitones ng uniform ko.
Lumapit ako at saktong pagharap ni Third ay binira ko ang mukha niya.
‘Bagsak.’
“PUTAN—” Hindi ko na siya pinagsalita at sinuntok ko ulit siya.
Nanginginig ang mga kamao ko.
May mga lumapit din sa’king mga kasama ni Third pero pinaulanan ko sila ng tadyak at suntok.
“SUBUKAN NIYO PANG MANGIALAM! HINDI LANG ’YAN ANG MATATANGGAP NIYO!” Banta ko sa mga kasama ni Third na nagsiatrasan ng sigawan ko sila.
Nakita ko naman na tumayo si Third at sumuntok. Sinalo ko ng palad ko ang kamao niya at tinadyakan siya sa tiyan.
“Ano bang problema mo!?” Tanong nito sakin. Mas lalo ko pang niluwagan ang neck tie ko bago ko siya harapin.
“Siguro naman kilala mo ’yong binastos mo kanina.” Malamig na turan ko sa kaniya at nakita ko naman ang pagngisi niya.
“Ah, ’yon ba? Bakit girlfriend mo ba ’yon?” Ngumisi siya bago tumayo at punasan ang putok niyang labi. “Girlfriend mo pala ’yon, may taste ka din pala. Maganda siya ha? Tsaka malaman ’yong pang—” Hindi ko na pinatapos ang sinasabi niya at sinipa siyang muli sa balikat kasunod ng pagpapaulan ko ng suntok.
“How dare you to touch my friend!” Nanggigigil ako, dumudugo na ang ilong niya pero hindi ko pa din soya tinitigilan, hanggang sa maramdama ko nalang ang dalawang braso na yumakap sa’kin para awatin ako.
“Eve! Enough!” Singhal sa’kin ng lalaking nakayap sa’kin. Nagpupumiglas ako upang makawala. “Ano ba! Tumigil ka na sabi!” Sabi pa nito na mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa’kin.
“Ah, nampucha! May ibubuga ka din pala!” Mas lalong nag-init ang ulo ko ng tumayo si Third na nakangiti. “Libutin mo na ’tong campus dahil bukas bawal ka ng pumasok dito.” Mayabang na sabi niya at hindi ko maiwasan ang mapatawa.
Tumingin sa’kin si Third at halatang napikon sa pagtawa ko.
“Kung hindi mo alam, Dean ang tatay ko dito kaya isang sabi ko lang sa kaniya ay ikikick out ka na niya.” Sabi nito sa’kin na mas lalong nagpatawa sakin.
“Baliw ka na ba?” Bulong sa’kin ni Dylan.
“Bitawan mo ako.” Bulong ko dito at binitawan niya naman ako. Tumingin ako kay Third at ngumisi. “Wala akong pakialam sa tatay mo, Dean man siya o ano, sa isang signal ko lang matatanggal ’yan sa pwesto niya.” Natahimik lahat ng nagbubulungan sa paligid ko.
“Bakit sino ka ba?” Tanong ni Third.
Humakbang ako papalapit sa kaniya at tinignan siya sa mga mata.
“Wag mo na akong kilalanin dahil hindi mo magugustuhan pagnalaman mo kung sino ako.” Sabi ko bago siya lagpasan at maglakad.
Naramdaman ko naman na humabol sa’kin si Dylan.
“Ano bang problema po at sinugod mo si Third!?” Inis na tanong sa’kin nito.
“Wag mo ng alamin, hindi ka naman kasali dito.” Sagot ko sa kaniya at nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagdilim na naman ng mukha niya.
“Tell me what happened?” Pangungulit niya. “Hindi mo ba alam na malawak ang impluwensya ng pamilya nila Third dito sa eskwelahan na ’to?” Inis na naman niyang sabi.
“Mas malawak ang impluwensya ko.” Sagot ko na hindi tumitingin sa kaniya, patuloy lang ako sa paglakad sa malawak na field at siya naman ay patuloy din sa pagsunod sa’kin.
“Ano ba talaga kasing nangyari!?” Sa pangatlong pagkakataon na tanong niya ay humarap ako sa kaniya.
“Gusto mo talagang malaman?” Tanong ko dito at nag-aalangan pa siya tumango. Hinawakan ko siya sa kamay at hinatak.
“T-teka saan mo naman ako dadalhin?” Tanong niya sa akin.
“’Di ba sabi mo gusto mong malaman ang nang yari, edi sumama ka sa’kin sa Dean’s Office.” Sabi ko at naglakad patungong Dean’s Office.
“Eve! Dy!” Si Icom na tumatakbong palapit sa’min, nakacoat pa itong pang doctor at gulo ang huhok. “Narinig ko ang nangyari, ok ka lang ba Eve?” Tanong niya sa’kin at tinanguan ko naman siya bilang sagot. Tinignan niya ang kamay ko na nakahawak sa kamay ni Dylan. Napailing siya bago tumingin sa’kin.
“Sumama muna kayo sa’kin, gagamutin ko ’yang kamay mo.” Ani ni Icom at tinignan naman naming parehas ni Dylan ang kamay ko. Puro dugo to at madaming gasgas.
“Akalain mo nga naman, matigas pala ang mukha no’n?” Tanong ko sa sarili ko bago tanggihan si Icom. “Ako na kaya ko na ’to.” Sabi ko at hinubad ang neck tie para itali dito.
“Hindi, baka mainfection ’yan.” Isa din tong makulit.
“Mr. Xhion!?” Isang malakas na boses ang tumawag sa apelyido ko.
“Oh, his here.” Sabi ko bago lapitan ang pinagyayabang na tatay ni Third.
“To my office now!” Sigaw pa nito sa’kin bago maunang pumunta sa office niya.
Hindi ko naman nilingon na ang dalawang kasama ko dahil makulit nga sila alam kong susunod silang dalawa.