CHAPTER 14 WHO’s CALLY?

1975 Words
DYLAN’s POV Mapayapa akong naglalakad papuntang locker para magpalit ng pang P.E na uniform dahil P.E namin ngayon. “Oo, tara panoorin natin.” Narinig kong nagmamadaling ani ng isang babae habang hinahatak ang kasama niya. Tinignan ko sila ng makalagpas sa’kin. “DYLAN! Tara may away daw!” Si Nicco na nag-aayos pa ng P.E shirt niya. “Huh? Away? Sino?” Ngunot-noong tanong ko at ngumiti naman siya. “’Yong lalaking lagi mong kinukwento, si Eve sinugod ata si Third.” Nang marinig ko ’yon ay kumaripas na ako ng takbo pero agad ding bumalik dahil hindi ko alam kung nasaan sila Eve. “Ano ba!? Bakit ba nang-iiwan ka!” Sigaw sa’kin ni Nicco kaya hinawakan ko siya sa magkabilang balikat. “Nasan sila!?” Tanong ko dito at agad naman siyang sumagot sa’kin na nasa field daw ang away. Wala na akong sinayang na oras at mabilis na tumakbo papunta don. ‘Ano bang gulo ang pinasok mo?’ Napapailing nalang ako sa inis. Nang makarating ako sa field ay nakita ko agad ang kumpulan sa ilalim ng malaking puno. Nagmadali akong pumunta doon at sumiksik sa mga kumpulan ng mga estudyante. Nang makadaan ako ay nadatnan ko si Eve na nakaupo habang sinusuntok si Third na nakabulagta sa lupa. Agad akong pumunta sa likod ni Eve at niyakap siya. “Eve! Enough!” Ani ko dito para kumalma. Nang maramdaman kong nagpupumiglas siya ay niyakap ko pa siyang lalo. “Ano ba! Tumigil ka na sabi!” Hinatak ko siya palayo kay Third. Pinukol ko naman ng masamang tingin si Third na ngingisi-ngisi pa habang bumabangon. “Ah, nampucha! May ibubuga ka din pala!” Mayabang na sabi nito habang pinupunasan ang labing pumutok dahil kay Eve. Inilayo ko pa ng bahagya si Eve dahil baka sumugod bigla si Third. “Libutin mo na ’tong campus dahil bukas bawal ka ng pumasok dito.” Mayabang, ‘Oo Dylan likas na mayabang ’yan.’ Napailing nalang ako at halos magtayuan ang mga balahibo ko ng biglang tumawa tong nasa harap ko. Lumuwag ang pagkakayakap ko dito dahil nakakatakot ang tawa niya, para siyang demonyo. “Kung hindi mo alam, Dean ang tatay ko dito kata isang sabi ko lang sa kaniya ay ikikick out ka na niya.” Mas lalong napatawa ang yakap ko kaya naman tuluyan ko nang niluwagan ang pagkakayakap sa kaniyan. “Baliw ka na ba?” Bulong ko dito at sumagot naman siya. “Bitawan mo ako.” Madiin na sabi nito kaya tuluyan ko na siyang binitawan. Tumingin siya kay Third at ngumisi. “Wala akong pakialam sa tatay mo, Dean man siya o ano, sa isang signal ko lang matatanggal ’yan sa pwesto nya.” Natahimik ang lahat sa sinabi ni Eve, ‘Sya ba may ari ng school na ’to at makapagsalita siya ay gano’n-gano’n lang?’ Napatingin naman ako kay Third ng marinig ko na naman ang mayabang niyang boses. “Bakit sino ka ba?” Ani nito na parang naghahamon. Lumapit si Eve at mayabang din na tumingin kay Third. “Wag mo na ako kilalanin dahil hindi mo magugustuhan pagnalaman mo kung sino ako.” Sabi niya bago lagpasan si Third. Tumingin sa’kin si Third at tinignan ko din siya bago sumunod kay Eve. “Ano bang problema mo at sinugod mo si Third!?” Tanong ko dito at hindi naman siya tumigil sa paglalakad. “’Wag mo ng alamin, dahil hindi ka naman kasali dito.” Sagot niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. “Tell me what happened?” Pangungulit ko dito dahil baka totohanin nga ni Third ang pagpapatalsik sa kaniya. “Hindi mo ba alam na malawak ang impluwensya ng pamilya nila Third dito sa eskwelahan na ’to!?” Inis na sabi ko at tinignan niya ako bago sumagot. “Mas malawak ang impluwensya ko.” Mayabang na sabi nito, ano bang pinaghahawakan niya!? “Ano ba talaga ang nangayari!?” Paulit-ulit nalang ako sa tanong ko na mukha namang hindi niya sasagutin. “Gusto mo talagang malaman?” Tanong niyang bigla sa’kin kaya nagdadalawang isip pa ako kung tatango o ano pero tumango nalang ako. Nagulat ako ng hawakan ni Eve ang kamay ko at hinatakin kung saan. “T-teka saan mo naman ako dadalhin!?” Tanong ko dito. “’Di ba sabi mo gusto mong malaman ang nangyari, edi sumama ka sa’kin sa Dean’s Office.” Sagot niya at nagpatuloy siya sa paglalakad. Hindi pa man kami nakakalakad ng malayo ay narinig ko na ang boses ni Icom na tinatawag kami. “Eve! Dy!” Sigaw niya bago kami lapitan, natawa ako sa hitsura niya dahil gulo-gulo ang buhok niya at nakapaling ng bahagya ang salamin niya. ‘Pfft mukhang siya pa ang mas nakipag-away.’ “Narinig ko ang nangyari, ok ka lang ba Eve?” Tanong nito na ikinatango lang ng isa. Nagulat naman ako ng dumausdos pababa ang paningin ni Icom papunta sa kamay ni Eve na nakahawak sa’kin. “Sumama muna kayo sa’kin, gagamutin ko muna ’yang kamay mo.” Pagkasabi no’n ni Icom ay sabay kaming napatingin ni Eve sa kamay niya at doon lang namin napansin na may sugat pala ito at madaming dugo. Narinig ko naman na may binubulong ’tong kasama ko pero hindi ko masyadong maintindihan. “Ako na, kaya ko na ’to.” Pagtanggi niya sa alok ni Icom. Hindi lang pala mayabang to may pagkatigas ng ulo. “Hindi, baka mainfection ’yan.” Pangungulit pa ni Icom pero hindi na ’yon natuloy ng isang boses ang umagaw sa atensyon naming tatlo. “Mr. Xhion!” Sigaw nito at nakita ko namang napangisi si Eve. “Oh, his here.” Bulong ni Eve bago lumapit kay Dean. “To my office now!” Ani pa nito bago maunang maglakad sa office niya. Nagkatinginan naman kami ni Icom bago sumunod kay Eve sa Dean’s Office. “Nakita mo ba si Marco?” Bulong sa’kin ni Icom. “Hindi pero sigurado akong alam na niya ang nangyari.” Sagot ko sa kaniya na ikinatango niya. “Eve!” Nagulat kami ng isang babaeng umiiyak ang sumalubong kay Eve at yumakap. “’Di ba siya ’yong girlfriend ni Eve?” Tanong na naman sa’kin ni Icom kaya tumango ako. “I’m scared! It will be happen again?” Takot na tanong nito kay Eve habang umiiyak. “No, It will be not happen again. I will not let that happen again.” Hinagod ni Eve ang likod nito bago itabi sa upuan niya. “What is this!? Third!? Mr. Xhion!?” Galit na tanong sa’min ni Dean. At masama namang tiningnan ni Third si Eve. Napansin ko na nandito pala si Marco at kasama niya ang isa pang babaeng madalas nilang kasabay kumain. Walang sumasagot parehas na nagtatagisan sa tinginan ang dalawa. “Dean, puwede pong ako nalang ang magsabi kung anong nangyari?” Basag ng babae sa katahimikan at lahat kami ay tumingin sa kaniya. “Go hija, spill it.” Ani ni Dean at umayos naman ng upo ang babae bago pukulin ng masamang tingin si Third. “Naglalakad po kasi kami kanina para po sana pumunta na sa cafeteria ng harangin po kami ng magaling niyong anak.” Panimula sa kwento nito. “Sino ang kasama mo no’n? Kasama mo na ba si Mr. Xhion no’ng mga oras na ’yon?” Tanong ni Dean at umiling naman ang babae.. “Hindi pa po Dean.” Sagot nito kay Dean. “Si Ms. Montello lang po ang kasama ko.” Tumingin naman kami sa babaeng nakayakap kay Eve na parang takot na takot. ”Ms—” Pinutol ni Eve ang pagsasalita ni Dean. “Hindi siya makakapagsalita, may trauma siya sa bagay na ginawa ng magaling mong anak.” Dere-deretsong sabi ni Eve. “Watch your word Mr. Xhion.” Banta ni Dean kay Eve. “Ano ba talaga ang nangyari!?” Inis nang sabi ni Dean. “Hinarang po kami ng anak mo, at pinagtripan akala ko po iyon lang pero nagulat po kami ng bigla niyang itaas ang palda ni Sandra at hawakan nito ang pang-upo nya!” Nangingiyak na sabi no’ng babae. “What the...” Naibulong ko bago tumingin kay Eve. Kaya ba galit na galit siya kanina? “Mr. Velasquez!? Ano bang pinaggagagawa mo sa buhay mo!?” Galit na tanong ni Dean. “Dad—” Hinampas ng malaks ni Dean ang lamesa na nagpapitlag sa’ming lahat. “WAG MO AKONG TAWAGING DADDY DAHIL WALA TAYO SA BAHAY!” Sigaw ng tuluyan ni Dean. “D-dean.” Bulong ni Third bago yumuko. “Adik ata ’yang anak mo.” Galit namang bumaling kay Eve si Dean. “I told you, Mr. Xhion watch your words! Hindi ko pinalaki ang anak ko ng gano’n!” Singhal ni Dean kay Eve. “Pinalaki niyo lang siya pero mas pinili niya atang maging gano’n.” Sabi pa ni Eve bago sipatin si Third. “Eve.” Tawag sa kanya ni Icom pero hindi niya ito pinansin. “Ang lakas ng loob mong sabihan ako ng adik, bakit may ebedensya ka ba?” Sabat ni Third. “Ah, kailangan pala no’n?” Hindi ko alam kung nagbibiro ba tong si Eve o nang-aasar. “Enough, walang mangyayari sa bangayan niyo. Bring your guardian tomorrow.” Inilibot ni Dean ang paningin niya at huminto iyon sa aming apat. “Mr. Enrique, Mr. Ferrer and Mr. Vergara? Nand’yan pala kayo? Kasangkot din ba kayo sa gulong ’to?” Napataas ang kilay ko, ngayon lang pala kami napansin ni Dean? “Nope Dean, umawat lang po ako.” Paliwanag ko at bumaling naman siya kila Icom. “He's our friend.” Nakangiting sabi ni Icom na tinuturo pa si Eve. “Ok, Mr. Xhion and Mr. Velasquez bring your guardians tomorrow and also you Ms. Montello.” Sabi ni Dean bago tumalikod pero humarap din siya agad. “You can now go back to your class.” Sabi nito bago pumasok sa office niya. Unang lumabas si Third na tinignan pa si Eve. “Come on, Sandra.” Hinawakan ni Eve ang tinawag niyang Sandra upang alalayang tumayo. “I-i want to go home.” Bulong nito kay Eve na nagpabuntong hininga kay Eve. “Ok, I’ll call Bar—” Humawak ito sa braso ni Eve na parang may sinasabi. “Fine, I'll send you to your house.” Sabi ni Eve bago kunin ang bag nito. “Eve, here, you can use my car.” Inabot ni Marco ang susi ng kotse niya at tinggap naman ’yon ni Eve. “Hindi ako makakasama may test kasi kami ngayon.” Ani pa ni Marco na napapakamot sa ulo. “It's ok, thank you.” Sabi ni Eve. “I come with you.” Tumayo ang isa pang babae at kumapit din sa braso ni Sandra. “Mauuna na din ako, nagpaalam lang ako na saglit lang ako.” Si Icom na inaayos ang coat niya. “Cally, don’t leave me...” Nagkatinginan kaming lahat ng may pangalan na binulong si Sandra at mahigpit na yumakap kay Eve. ‘Who’s Cally?’ “Come on, Sandra.” Inalalayan ni Eve si Sandra palabas ng Dean’s Office kaya sumunod na kami. Paglabas namin ay nakita namin na humitong muli si Eve at tumingin sa’kin. “Dylan, may gagawin ka ba?” Tanong nito sa’kin, nagtaka naman ako kaya sumagot ako. “Wala naman.” Wala na talaga dahil sigurado akong tapos na ang P.E namin. “Can you come with us? Hindi na kasi hihiwalay sa’kin ’tong si Sandra. Hindi ako makakapagdrive ng maayos.” Sabi nito at hindi na ako tumanggi. Humiwalay na samin sila Marco at Icom at kami naman ay nandito na sa parking, binalik na din namin kay Marco ang susi niya dahil kotse ko nalang ang gagamitin namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD