CHAPTER 15 INJURED

1479 Words
EVE’s POV Tahimik lang kami buong byahe, si Sandra na hindi humihiwalay sa’kin at panay ang tawag sa pangalan kong “Cally.” alam kong nagtatakha na si Dylan kung sino ang tinatawag ni Sandra. “Lumiko ka d’yan sa kaliwang kanto.” Turo kay Dylan. Lumiko naman siya doon at natanaw ko na agad ang bahay nila Sandra. “D’yan sa mansion na ’yan.” Hininto ni Dylan ang sasakyan at binuksan ko naman ang pinto upang bumaba. Nakayakap pa rin sa’kin si Sandra. ‘Walangya ka talaga Third.’ Nagdoor bell ako at nagmamadali namang lumabas ang batler nila. “Young lady.” Agad na binuksan ng batler nila ang pinto at pinapasok kami. Hindi pa man kami nakakarating sa mismong pinto ng bahay nila Sandra ay nakita ko na si Tita Sandara na tumatakbo habang nag-aalalang tumingin sa anak niyang nakayakap sakin. “Oh my sweetheart!” Hinapit ni Tita Sandara si Sandra papalapit sa kaniya. “What happened to you?” Nag-aalalang tanong nito. Bumaling ito ng tingin sa’kin at kila Dylan. “Anong nangyari sa anak ko!?” Tanong nito sa’kin at yumuko naman ako. “Good afternoon po, Mrs. Montello.” Si Ruby na naglakas-loob na kausapin si Tita Sandara. “Kaibigan po kami ni Sandra.” Tumingin sa’kin si Ruby na parang nanghihingi ng permiso upang magsalita. Tumango naman ako bago gumilid. “Siya na po ang magpapaliwanag sa inyo.” Sabi ko bago tumalikod. “Dylan tara na.” Aya ko dito. Iiwan na namin si Ruby para magpaliwanag kay Tita Sandara. Hindi ko kayang magtagal dito baka may biglang dumating na nakakakilala sakin, pagtapat namin sa kotse ni Dylan ay bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse ni Dylan pero agad ko ding nabawi ’yon dahil sa sakit ng kamao ko. ‘’Yong injured ko...’ Kaliwang kamay nalang ang pinangbukas ko. Nakita ko naman na pumasok na si Dylan sa driver seat at nagsimula ng magdrive. Tahimik lang kami ni Dylan, walang nagsasalita sa’min ang katunayan nga njyan ay kaya ko sinama si Dylan dahil hindi ko na kayang humawak ng manibela hindi dahil sa tagal ko ng hindi nakakahawak nito kung hindi dahil sa kamay ko. Namamanhid na ang buong kamay ko, natatakot ako na baka kung anong mangyari sa’min nila Sandra pag ako pa ang nagdrive. Sinubukan kong igalaw ang mga daliri ko sa kanang kamay ko at sakit lang ang naramdaman ko do’n. Malalalim na ang paghinga ko. Sobrang sakit na ng kamay ko. ‘Kumalma ka Eve.’ Pagpipilit kong pagpapakalma sa sarili ko pero nabigo ako dahil mas lalo lang akong kinabahan. “D-dy, bilisan mo ang pagdadrive..” Bulong ko na mukha namang narinig nya. “Teka! Ayos ka lang ba Eve?” Tanong niya sa’kin, tumango lang ako para hindi mawala ang atensyon niya sa daanan. Inhaler. Inhaler. Inhaler. ’Yan ang paulit-ulit na pumapasok sa isip ko. ‘Y-yung inhaler ko k-kailangan ko, aatakihin a-ako ng hika.’ Naramdaman ko ng huminto ang sasakyan namin pero wala na akong lakas, nahihirapan na akong huminga. Nakita ko naman na bumukas ang pinto sa tabi ko. “Here, here. Take it just relax and inhale and exhale.” Naramdaman ko na may sinubo sa’kin si Dylan at pilit niya akong pinapakalma. Huminga ako ng malalim ng ilang ulit at lumuluwag na din ang paghinga ko. “Just relax, ok?” Maamong sabi nito habang hinahagod ang buhok ko. Umayos na ang paghinga ko pero nanlalata pa din ako, nararamdaman ko na ang kamay ko. Sobra ng sakit nito. Alam kong hindi pa magaling ang injured ko sa kanang kamay pero napwersa na naman ’to. “Are you ok?” Tanong sa’kin ni Dylan, lumagpas ang tingin ko sa kaniya. Ang akala ko ay nasa campus na kami pero nasa tabi pala kami ng kalsada, sa may botika. Sa palagay ko ay bumili siya ng inhaler pero paano niya nalaman na kailangan ko ng inhale? “Pumunta na kaya tayong hospital? Tingin ko kasi ay hindi maganda ang lagay mo.” Suhensyon niya pero agad din akong umiling. “Ayaw ko sa hospital.” Sabi ko bago umayos ng upo, nasa labas pa din siya sa tapat ng pinto ko. Nagulat ako ng bigla niyang kunin ang kanang kamay ko kaya hindi ko napigilan na mapasigaw. “E-eve ano bang nangyari sa kamay mo?” Parehas naming tinignan ang kamay ko at nakita ko na kulay violet na ito at punong-puno na naman ng dugo. “Ayaw ko sa hospital.” Pag-uulit ko dahil sa mukha palang ni Dylan ay alam kong gusto na niya akong dalhin sa hospital. “Pero kailangang magamot ’yang kamay mo! Stupid!” Mahinang sigaw nito sa’kin. “Si Icom? Kay Icom nalang.” Sabi ko, alam kong med-student si Icom at alam kong kaya niya ’tong gamutin. Tumingin sa relo niya si Dylan bago sumakay muli sa driver’s seat. “Ang tigas kasi ng ulo mo! Kung pinagamot mo muna sana ’yan kay Icom kanina siguro ay hindi ’yan magkakaganiyan!” Sermon niya sa’kin at napapailing nalang ako. “Ang yabang-yabang mo pa, may pasabi-sabi ka pang ‘kaya ko ’to.’ ano ka ngayon? Mamamatay ka pa!” Inis na bumaling ako sa kaniya. “Manahimik ka nga ang ingay mo,matutulog ako.” Sabi ko bago ipikit ang mga mata, narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya bago matahimik. “Everielle, I’ll miss you.” Napadilat ang mata ko ng marinig ko ang boses ni Mama. “Gumis— salamat naman at gumising ka na. Akala ko ay patay ka na.” Mukha ni Dylan ang bumungad sa’kin. Tumingin ako sa labas at nakita kong nasa garahe na kami ng bahay. Lumabas ako sa kotse at napansin ko na nandito na din ang motor ko. “Pinauwi ko kay Nics, nand’yan na din lahat ng gamit mo.” Si Dylan na mapansing napahinto ako at nakatingin sa motor ko. “Salamat.” Sabi ko bago pumasok sa loob ng bahay. Pagpasok ko ay agad na bumungad si Icom na nag-aalalang tumingin sa’kin, tinignan niya ang kamay ko at sinenyasan akong sumunod sa kaniya. Pumunta siya sa salas kaya sumunod ako sa kaniya, nakita ko sa lamesa ay may mga gamit na pati mga gamot ay nakahanda na. “Dapat talaga ginamot na natin kanina ’yan.” Dahan-dahang inabot ni Icom ang kamay ko. Tinignan niya yon bago umiling. “Hi Eve, kamu—” Napatigil si Marco sa pagsasalita bago lumapit sa sofa na iniupuan namin. “Anong nangyari d’yan? Sprain?” Tanong ni Marco na dudotdutin sana ang kamay ko pero pinalo yon ni Icom. “Maybe, pero palagay ko may injured na ’to before?” Tanong sa’kin ni Icom, tumango ako dahil hindi ako makakapagsinungaling sa doctor. “1-2 weeks bago gumaling ’to.” Sabi ni Icom bago may iturok sa kamay ko, wala akong maramdaman. Naramdaman ko na parang may inilagay na mga stick si Icom sa bawat daliri ko bago niya balutan ng benda. “Supporter lang ’to para hindi na mainjured pang lalo ’yan.” Nang maayos na ang benda ay tinignan ko ang kamay ko. “Wag mo munang gagamitin ’yan, kahit anong mangyari wag mo munang gagalawin ’yan. Ako nalang ang magpapalit niyan araw-araw.” Sabi njya at inayos ang salamin sa mata. Magaling na doctor si Icom. “Salamat.” Sabi ko bago tumayo.“ Sa kwarto nalang ako magpapahinga.” Tumango naman sila kaya tumalikod na ako. “Parang katulad siya ni Ches— Aray ko Dylan! Bakit ba ayaw mong naririnig ang pangalan ni Che—” Rinig kong sigaw ni Marco pero hindi ko nalang pinansin dahil alam kong nag-aasaran lang sila ni Dylan. Pagpasok ko sa kwarto ay agad akong humiga, para bang pagod na pagod ang katawan ko buti nalang at hindi na sumasabay ang kamay ko. Naalala ko na naman ang nangyari kanina. “Guardian?” Tanong ko sa sarili ko bago kunin ang cellphone. ‘Sinong tatawagan ko?’ Tanong ko bago ibato ang cellphone sa may paanan ko. Tiningnan ko ang kamay ko at mukha ni Third ang pumasok isip ko. “Damn you, Third.” Tinaas ko ang kamay ko at inikot iyon para suriin. Tumunog ang cellphone ko hudyat na may nagmessege sa akin. :Jade —Someone’s Stalking to you, Interesting. :Replied —Stop it, who? Initay ko ang reply niyang agad din naman dumating :Jade —I know, kilala mo siya. Bahala ka mamatay kakaisip d’yan. Napairap nalang ako sa kaaningan ni Jade. Binato ko ulit ang cellphone ko at humarap sa laptop, binuksan ko ito at tinignan ang picture. “Look, Nainjured po ulit ’yong kamay ko pero hindi na ikaw yung naggamot.” Ngumiti ako at tinaas ang kamay ko na may benda. “Pangatlong beses na ’to, Mommy.” Ngumiti ako at kasabay noon ang pagtulo na naman ng luha ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD