CHAPTER 16 CHES

2104 Words
Wala akong ibang ginawa kung hindi ang tumingin sa labas ng bintana. Pinagmamasdan ko ulit ang paglubog ng araw, napakagandang tanawin nito. “Eve, kain na daw.” Narinig ko ang boses ni Marco sa labas ng pinto ko kaya tumingin ako doon. “Sige, sunod ako.” Sagot ko bago ulit tumingin sa labas ng bintana. Huminga ako ng malalim bago tumayo upang lumabas. Pagbaba ko ay naabutan kong nag-aayos pa ng pinggan sila Icom at Marco samantalang si Dylan ay nagsasandok ng kanin at ulam. ‘Ako lang pala ang hindi tumutulong dito.’ Nahihiyang umupo ako sa p’westo ko, nakita ko ang ulam namin ay beef teriyaki. Inamoy ko ’yon at agad akong natakam dahil sa bango nito. “Si Dylan ang nagluto n’yan.” Sabi ni Marco bago umupo sa upuan niya. Kukuha sana ako ng kanin pero nilagyan na ni Marco ang plato ko. “Tulungan na kita baka mapaso ka.” Sinandukan niya ang plato ko ng sakto lang. Ipinagsandok niya na rin ako ng ulam. Ginamit ko ang tinidor upang tikman ito at ang sarap. Kinuha ko naman ang kutsara ko upang sumubo ng kanin. “Masarap?” Tanong ng kung sino. “Yeah, it’s taste so good.” Sagot ko at sumubo ulit, napatingin naman ako kay Icom at Marco ng marinig ko na mahina silang natatawa. “Why?” Tanong ko dito at pinunasan ang labi ko dahil akala ko ay may dumi ’yon pero napansin ko na nakatingin sila kay Dylan kaya tumingin din ako sa kaniya. Nakita ko na sobrang pula ng mukha niya na bahagya pang nakayuko. Anong nangyayari sa kaniya? May sakit kaya siya? Hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy sa pagkain. “Eve sa’kin ka na sumabay pagpapasok ka, hanggang sa gumaling ka.” Si Marco, nilunok ko naman ang nginunguya ko. “Ok lang, baka magtaxi nalang ako.” Tanggi ko dito dahil nakakahiya naman. “Sumabay ka na nga, mahirap ang taxi dito tsaka iisang eskwelahan lang naman tayo pumapasok.” Pagpupumilit niya kaya wala rin akong nagawa kung hindi ang pumayag. “Ang lakas ng loob mo, ha? Hanga ako sayo Eve!” Sabi ni Icom na tumatawa. “Wala pa kasing naglalakas ng loob ang lumaban kay Third bukod kay Dy at kay— sa isa pa naming kaibigan.” Kwento ni Icom at napangiti naman ako ng tipid. “Oo nga naalala ko pa no’n nang sinugod nila Dy si Third para siyang takot na bata!” Tawa ni Marco at ang mukha naman ni Dylan ay hindi na maipinta. “Bakit niyo naman sinugod?” Tanong ko at nagtawanan naman si Icom at Marco. “Hindi naman talaga kasali si Dy no’n, si Ches lang talaga ang kaaway ni Third pero sabi ni Dy kaibigan niya daw ang inaway kaya dapat kasama na siya.” K’wento ni Icom at hindi ko mapigilan ang mahinang pagtawa. ‘Pakialamero din pala tong bakulaw na ’to. Pero sino ba talaga si Ches?’ “Manahimik ka Icom! Parang hindi ka din nakipagbasag-ulo no’n!” Asar naman ni Dy na nakapagpatahimik kay Icom. Tumingin ako kay Icom, sa lagay niya na ’yan? Nakikipag-away din siya? Para ngang hindi siya makabasag-pinggan. “Oo! ’yon ba ’yong inupakan niya ’yong isang estudyante kasi...” Nawala ang mga ngiti ni Marco sa labi at nahinto sa pagkukwento. Napansin ko na natahimik silang lahat. “Wala na akong ganang kumain.” Sabi ni Dylan bago tumayo ang akala ko ay pupunta siya sa taas pero lumiko siya papuntang labas. “Pasensya ka na, Eve.” Pinilit ngumiti si Icom. Natapos ang pagkain namin na wala ng nagsalita, si Dylan naman ay hindi pa rin pumapasok. Dapat ako ang maghuhugas ng mga plato pero sabi ni Marco siya muna daw, magpagaling muna daw ako bago ako maghugas ng pinggan, nagpasalamat naman ako bago magpapasyahang lumabas sa labas. Dumeretso ako sa garahe upang tingnan ang motor ko pero ng hawakan ko ang cover no’n ay napatingin ako sa maliit na parang falls sa gilid ng bakod. Nando’n si Dylan nakaupo sa damuhan habang nakatingin sa buwan. Para bang may sariling isip ang mga paa ko at naglakad papalapit sa p’westo ni Dylan, hindi ako palakaibigan na tao kaya naman nagtataka ako sa sarili ko ng kusa itong lumapit kay Dylan. “Gabi na, bakit nandito ka pa?” Tanong niya kaya medyo napahinto ako sa paglalakad. Tumingin ako sa paligid dahil baka may kausap siya pero wala naman akong nakita. “Magpahinga ka nalang sa loob.” Dugtong pa nito bago lumingon sa’kin. “Hey...” Bati ko dito bago tuluyang lumapit. “Bakit ka nandito?” Tanong niya sa’kin kaya sumagot ako. “Hindi ko din alam, pakiramdam ko kasi kailangan mo ng makakausap na makikinig sa’yo.” Sabi ko at napangiti naman siya. “May pagkakatulad nga kayo.” Napapailing na sabi nito. Umupo ako sa likod niya, malapit sa kaniya. Tumingin din ako sa kalangitan na napupuno ng mga bituwin. “Ang ganda ng langit, ’no?” Tanong niya. Dineretso ko naman ang paa ko at humiga ng tuluyan sa damo. “Yeah.” Mahinang sagot ko, alam ko na may gusto siyang sabihin at handa naman akong makinig kung ano man ’yon. “Ches...” Rinig kong sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya. “He’s Ches, my friend—opps mas tama atang sabihin kong dating kaibigan.” Huminto siya bago tumingin sa’kin habang nakangiti, ’yong mga ngiti niya na ’yon ay hindi tulad ng mga ngiti sa twing aasarin niya ako. “Kaya nakipagbasag-ulo si Icom dahil sa lalaking ’yon.” Pagpapatuloy niya sa kwento. “May pumalo sa ulo ni Ches, galit na galit si Icom no’n, no’n lang namin nakita magalit si Icom.” Napapailing siya habang nakangiti. “Alam mo ba kung ano ang nangyari do’n sa binugbog ni Icom?” Tumingala siya bago tumawa. “Nag 50/50 ’yon, walang ibang ginamit si Icom kung hindi kamao niya lang.” Tinaas nya ang kamao niya habang pinapakita niya sa’kin. “Isipin mo kung gaano katigas ang kamao ni Icom!” Humalakhak si Dylan bago humiga rin sa damo. “Nasaan na si Ches?” Tanong ko na hindi siya tinitingnan. Narinig ko naman na nagpakawala siya ng malalim na hininga. “Wala na siya...” Mahinang sabi nito sapat na upang marinig ko. “Condolence...” Sabi ko at tumawa naman siya ng malakas. “Stupid! He’s not already dead! Masamang damo ’yon!” Sabi niya at hindi ko mapagilan ang mapangiti dahil sa tawa niya. Huminto siya sa pagtawa bago ulit magkwento. “Umalis siya, iniwan nya kami ng walang paalam.” Pagpapatuloy niya. “Kaya ba ayaw mong naririnig ang pangalan niya?” Tanong ko dito at hindi naman siya sumagot. “Dahil galit ka sa kaniya...” Hindi ako nagtatanong o ano, sigurado ako sa sinabi ko. “Oo, galit ako sa kaniya dahil sa pag-alis niya at dahil....” Huminto siya at tumingin sa’kin. “Dahil din sa babae.” Napatingin ako sa kaniya ng sabihin niya ’yon. ‘Babae?’ “Ok lang kahit ’wag mo ng ikwento.” Sabi ko dahil baka sabihin niya ay nanghihimasok na akong masyado sa buhay nila. “Ok lang, past nalang din naman ’yon kaya wala na akong pakialam do’n.” Saad niya at muling ibinalik ang paningin sa kalangitan. “Nagmamahal ako habang si Ches ang minamahal.” Lumungkot ang boses niya. “Nagmahal lang naman ako pero nasaktan pa ako.” May isang butil ng luha ang tumulo sa mata na hindi naman na nasundan. “Gano’n talaga Dylan.” Panimula ko at alam ko namang nakikinig siya. “Minsan talaga kailangan natin masaktan para matuto.” Sabi ko at narinig ko naman ang hikbi niya kaya napatingin ako sa kaniya. Yah? “M-mahal ko silang pareho kaya nasaktan ako nang m-makita ko silang n-naghahalikan. Hindi ko alam kung sino ang mas pipiliin ko, ang kaibigan ko ba o ang babaeng mahal ko.” Umiyak siya ng tahimik. ‘Pfft— kalma Eve, umiiyak ’yong tao ’wag mong tawanan.’ Hindi ko alam na ang hitsura palang tigasin at malakas ay naiiyak din tulad ng mga babae. “P-parehas nila akong sinaktan kaya... nagalit ako parehas sa kanila” Ani ni Dylan at pinunasan ang mukha niya. “Anong ginawa mo no’ng nakita mo sila?” Tanong ko at mas lalo lang siyang naiyak. Kalma Eve, ’wag kang tumawa, masama ’yon. “Binugbog ko si Ches pero hindi siya lumaban.” Natawa ako dahil hindi sa sagot niya kung hindi dahil para syang bata umiyak. “Alam ko na para akong bata umiyak! ’Wag mo na akong pagtawanan!” Sigaw niya sa’kin kaya mas lalo akong natawa. “Bakit ka umiiyak sa’kin?” Natatawang tanong ko dahil hindi pa kami matagal at masyadong magkakilala pero heto siya at umiiyak sa harap ko. Umupo siya at humarap sa’kin. “Hindi ko alam, basta ’yong pakiramdam na kapag kasama ko si Ches ay gano’n din ang nararamdaman ko sa’yo.” Nakangiting sabi niya kaya ngumiti rin ako sa kaniya. “Madalas din ba kayong mag-away?” Tanong ko dito at tumango naman siya bago tumawa. “Para nga kayong kambal, ’yong ugali niya kuhang-kuha mo.” Natatawang sabi niya. “Para ka nga niyang version 2.” Tinitigan niya ako kaya medyo nailang ako kaya naman tumayo na ako. “Tumayo ka na d’yan, pumasok na tayo.” Sabi ko bago tumalikod at magsimulang maglakad, nagulat naman ako ng maramdaman ko ang pag-akbay sa’kin ni Dylan. Naramdaman ko na uminit bigla at para bang may nakakarerahan na kabayo sa dibdib ko. Hanggang sa makapasok kami ay nakaakbay siya sa’kin, buti nalang at nakita niya sila Marco sa sala kaya humiwalay siya sa’kin para puntahan ang mga ito, ako naman ay dumeretso na sa taas at nagkulong sa kwarto. Dumeretso ako sa CR at tiningnan ko ang aking sarili sa salamin. Hinawakan ko ang mukha kong pulang-pula. “Yah! What happening to me!?” Sabi ko bago maghilamos ng mukha. Pumunta ako sa kama ko bago kunin ang cellphone ko, binuksan ko ito at nagpunta sa social media agad na bumungad sa’kin ang journal ng VRIS. ‘Nice punch, Eve! HAHAHAHA!’ ‘Woah! Hindi nakapalag si Third!’ ‘Boxer of the year!' ‘May nakatapat ka din!’ ‘Nako! May bago na namang i-bubully si Third.’ ‘Halatang hind seryoso si Third.’ ‘Hay, goodluck Eve.’ Mga comment sa video namin ni Third habang nagbababag kami ni Third. Pero may isang comment ang mas nakaagaw ng pansin ko... ‘Crazy Eve.’ Napataas ang kilay ko sa comment ni Dylan na umabot ng 8.9k reacts at karamihan don ay haha. Hindi ko nalang ’yon pinansin at nagscroll nalang ulit, napadaan naman sa newsfeed ko ang post ng page ng VRIS tungkol sa nalalapit na Interhigh dahil wala akong interest sa mga sports ay nilagpasan ko nalang din ’yon. Nang mawalan ako ng gana sa kakascroll ay binalibag ko nalang ang cellphone ko kung saan bago buksan ang laptop ko para manood. ~CRINGGGGG~CRINGGGGG~ Wala pa sa kalahati ang pinapanood ko ng tumunog ang cellphone ko. Hinanap ko kung saan nanggagaling ang tunog na ’yon at nakita ko ang cellphone ko sa lagayang marumihan kong damit. Tiningnan ko ’yon at nakita ang pangalan ni Jade. Bumalik ako sa swivel chair ko bago sagutin ’yon. “Yes?” Sagot ko dito. “Nasa bahay mo ang kuya mo.” Sabi niya sa’kin at napahinto naman ako sa panonood, pinindot ko ang pause at tumayo upang maintindihan ko ang mga sinasabi ni Jade. “Anong ginagawa niya d’yan?” Tanong ko dahil matagal na simula ng huling pumunta doon si Kuya. At tsaka, paano naman nakapasok ’yon do’n? Pinalitan ko lahat ng lock ang mga p’wedeng pasukan do’n. “Hindi ko alam pero mukhang may tama.” Napangiwi nalang ako bago mapailing. “Tss, ikaw na ang bahala d’yan.” Sabi ko at narinig ko pang aalma si Jade pero pinatay ko na agad ang tawag. Alam ko na may crush si Jade kay kuya Van pero ang alam ko ay hindi naman mahilig sa bata si Kuya dahil ang hilig no’n ay mga mahinhin, hindi tulad ni Jade na barumbado kumilos, tsaka crush lang naman paghanga lang naman ang nararamdaman ni Jade para kay Kuya. Ibabato ko na sana ang cellphone ko pero bigla itong tumunog. THIRD HACE VELASQUEZ, MENTION YOU IN A COMMENT. Pinindot ko ’yon at dinala ako no’n sa video sa journal. ‘Welcome to hell, Mr. Xhion.’ Napasmirk ako bago tuluyang ibato ang cellphone ko kung saan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD