CHAPTER 17 DEAN

2454 Words
Maaga akong nagising at nakaligo. Inaayos ko ang neck tie ko sa harap ng whole body mirror ko. Nang makita ko na ayos na ang hitsura ko ay lumabas na ako, sakto namang paglabas ko ay paglabas ni Dylan sa k’warto niya. “Hey, Morning,” bati niya sa’kin bago isara ang pinto ng k’warto niya. “Morning,” balik na sabi ko sa kaniya bago maunang maglakad pababa. Pagbaba ko ay naabutan ko si Icom na nagbabasa sa salas at nakabihis na ng uniform niya. “Goodmorning,” bati ni Icom na hindi tumitingin sa’kin at nakatutok lang sa librong binabasa niya. Binati ko siya bago dumeretso sa kusina. Naabutan ko si Marco na kumakain na sa kusina habang nanonood sa cellphone niya. “Hello Eve,” bati niya sa’kin bago ngumiti, umupo naman ako sa lamesa at tiningnan ang almusal. Longganisa, sinangag, itlog, at bacon. Wala ako ngayon sa mood kumain nang heavy meal kaya tumayo ako at binuksan ang cabinet sa taas ng lababo para kumuha ng ramen, medyo may kataasan ’yon kaya tumingkayad ako sa pag-aakalang maabot ko ’yon pero nagkamali ako. Pinilit kong abutin ’yon hanggang sa may isang kamay na ang kumuha non. “Uso magpatangkad,” bulong nito at narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Tumingin ako dito. “Salamat, ha?” sarcastic na sabi ko bago siya lagpasan para kumuha ng mainit na tubig, nang malagyan ko ng tubig ang cup ng ramen ay umupo na ako sa lamesa upang hintayin nalang maluto ’yon. “Kakashi Sensei!” Nagulat kami sa biglang pagsigaw ni Marco. “Ang ingay mo Marco!” rekla mo ni Dylan na nakabusangot pa ang mukha. “Mauna na ako sa inyo,” biglang paalam ni Icom na kakatapos lang ata magbasa. “Mag-7 palang, ha?” si Dylan na kumakain na. “Nagbago na ang schedule namin, 7-5 na ang pasok namin,” sagot ni Icom. “Ahh sige, ingat,” sabi ni Dylan bago magpatuloy sa pagkain. Si Marco naman ay parang walang pakialam sa paligid niya at tutok na tutok sa panonood niya. Tiningnan ko ang ramen ko at nang makita kong ok na ’yon ay tumayo ako at pumunta sa lagayan ng mga kutsara. Sumilip-silip ako do’n ng makita ko ang disposable chopstick bago bumalik sa upuan. Hinipan ko ’yon bago sumubo, maingay ang bawat pagsubo ko dahil masarap. Mabuti nalang dahil marunong akong kaliwa ang gamitin sa pagchochopstick kaya hindi ako nahirapan. Sumubo ulit ako at napapikit. Susubo na sana ulit ako nang mapatingin ako kay Dylan na nakatingin sa kinakain ko at bahagya pang nakanganga. Napalunok ako bago siya alukin ng ramen, napailing naman siya para mabalik sa wisyo bago tumingin sa’kin. “Masarap ba ’yan?” tanong nyan bago mapalunok. “Tikman mo.” Inabot ko sa kaniya ang mangkok, medyo madami pa ’yon kaya nagdadalawang isip ako kung bibigyan ko ba siya o hindi pero nakakaawa naman siya dahil parang gustong-gusto niya ang kinakain ko kaya binigay ko na sa kaniya ’yon. Inabot naman niya ’yon at sumubo gamit ang sarili niyang tinidor. Wala na akong balak kunin ’yon dahil kinain na niya, pinapanood ko nalang siyang ubusin ang ramen ko. “Eve, baka naman matunaw na si Dylan.” Napatingin ako kay Marco na nanunukso ang tingin habang nakangiti. “Hindi ako bakla,” sabi ko bago tumayo at dumeretso sa labas pero bago ako makalabas ng bahay ay narinig ko pang sumigaw si Marco. “SAKIN KA SUMABAY HA!” sigaw niya bago ako makalabas. Lumapit ako sa kotse ni Marco at binuksan ’yon bago ilagay ang bag. Lumabas naman ako ng gate at do’n tumambay. Tumingin ako sa ulap at nasilaw naman ako sikat nang araw nang tumama ito sa mukha ko. Naalala ko si Sandra, sigurado ako na ilang araw o linggo siya hindi lilitaw sa campus. Baka nga mamaya lang ay hindi na siya magpakita sa’min. Napailing nalang ako bago sipain ang isang batong maliit sa paanan ko. “Eve! Tara na!” rinig kong tawag sa’kin ni Marco kaya lumapit na rin ako sa kaniya at sumakay sa kotse niya. ***** -SA MANSION NANG MGA VALENCIA- THIRD PERSON’s POV Tahimik na nag-uumagahan ang pamilya Valencia, tanging tunog lang ng mga kubyertos ang maririnig mo na tumatama sa plato. “Ano na ang balita sa paghahanap sa kapatid mo?” Tanong ni Mr. Valencia sa dalawang anak na lalaki nito. Wala rin ang panganay na lalaking anak ni Mr. Valencia na si Van dahil hindi ito umuwi kagabi. “Nothing’s new, wala pa rin pong nakakakita sa kaniya.” Sagot nang pangalawang anak niya na si Chase. Binitawan ni Mr. Valencia ang mga kubyertos na hawak niya at pinunansan ang labi. “Walang hiya talaga ’yang kapatid niyo na ’yon!” singhal ni Mr. Valencia habang magkasalubong ang mga kilay. “Hindi naman magkakaganon si Callista kung hindi niyo siya pinilit na magpakasal.” Sabat ng pangatlong anak ni Mr. Valencia na si Ezekiel. “Anong sabi mo, Ezekiel!?” mataas ang boses ng kaniyang ama habang tinatanong siya. Hindi naman kumibo si Ezekiel at nagpatuloy lang sa paglalaro sa pagkain na nasa plato niya. “Kinakalaban mo na rin ba ako Ezekiel, ha!?” pagalit na tanong ni Mr. Valencia at agad namang tumayo ang asawa nito para pakalmahin siya. “Ezekiel, calm down.” Bulong sa kaniya nang kuya Chase niya. “Ano lalayas—” Malakas na hinampas ni Ezekiel ang lamesa at masamang tiningnan ang ama. “Oo! Lalayas ako! Hahanapin ko si Callista at ilalayo ko siya sa inyo!” sigaw nito sa ama. “Masyadong ng nasasakal si Cally kaya siya lumayas kasi hindi na niya kaya!” sigaw pa nito bago umalis sa hapag at lumabas upang lumayas sa kanilang bahay. “Ezekiel!” tawag sa kaniya ng kaniyang kuya Chase pero hindi niya ito pinapansin. Dumiret’so siya sa labas ng kanilang bahay pero naabutan siya ng kuya niya at agad siyang dinakma. “Ano aalis ka na naman? Maglalayas ka na naman? Tapos ano? Sa Hospital ka na naman namin makikita!?” sunod-sunod na tanong ni Chase sa kapatid niya habang hawak ito sa k’welyo ng damit. “Bitawan mo ako,” seryosong sabi nito sa kuya niya. Pabato naman siyang binitawan ni Chase. “Bakit ba kayo nagkakaganyan, ha!?” tanong ni Chase na inis na inis na. “Hindi naman kayo ganiyan e, ’yong mga mukha niyong laging nakasimangot at malungkot hindi naman ganiyang dati ’yan e.” Tumulo ang luha sa mata ni Chase bago magpatuloy sa pagsasalita. “Masaya, laging nakangiti at laging nakatawa. Gano’n ’yong mga mukha niyo.... Sila ’yong mga kapatid ko.” Dugtong nito bago tumingin sa mata ng kapatid. “Miss ko na kayo, Ezekiel.” “Simula nang mawala si Mom, nawalan na rin ako ng ganang ngumiti.” Tanging sabi ni Ezekiel bago talikuran ang kapatid niya at sumakay sa kotse niya bago paharurutin ito. Naiwan naman si Chase na mas lalo pang naiyak nang may umalis na namang kakaptid niya. Hindi rin napigilan ni Ezekiel ang mga luha niya ng kusa itong tumulo habang nagdadrive siya. Masakit sa kaniya na makita ang kapatid niya naumiiyak dahil nahihirapan na ito. ***** EVE’s POV Nang makarating kami sa campus ay may sumalubong sa’min na dalawang estudyante at pinadiret’so ako sa Dean’s Office, dapat ay ako lang ang pupunta do’n pero sumama na rin si Marco dahil baka raw banatan ako ni Third sa daanan. “Dadating ba ang parents mo?” tanong ni Marco na nakapagpabagal sa pagalalakad ko. “Bakit?” tanong ni Marco nang maramdaman niya sigurong bumagal ang paglalakad ko. “Wala, tara,” aya ko dito at nagpatuloy na kami sa paglalakad, nang makarating kami sa Dean’s Office ay agad na kaming pumasok. Napansin ko nando’n na si Third at kasama ang isang babae na may hitsura, tumingin din ako kay Dean bago yumuko ng kaunti. Tumingin din ako kay Third na nakasmirk. Hindi ko na itatanggi na may hitsura siya dahil may mga hitsura rin ang mga magulang niya. Nandito na rin sila tita Sandara kasama si tito Eury, napansin ko na hindi kasama si Sandra na inaasahan ko naman na. “Please take a sit, Mr. Xhion,” sabi sa’kin ni Dean kaya umupo ako sa upuan sa harap ni Third. “Where’s your guardian?” tanong ni Dean at tumingin naman ako sa kaniya. “Hindi ho sila makakarating,” sabi ko at agad namang umalma ang mukha ni Dean. “Ha? I told you to bring your guardian ’di ba?” mahinahon na tanong ni Dean. Napabuntong hininga naman ako bago sumagot. “Hindi nga ho sila makakar—” Hindi na ako pinatapos ni Dean sa pagsasalita ko at nagsalita agad siya. “Paanong hindi sila—” Pinutol ko na rin ang sasabihin niya, ganti-ganti.lang. “Kasi wala ho akong guardian,” feretsahang sabi ko na nakapagpahinto sa kanilang lahat. “Wala ho akong guardia,” pag-uulit ko at napatikom naman ang bibig ni Dean, si Third naman ay nakangisi habang nakatingin sa’kin. “Sorry nalate po kami.” Napatingin naman ako sa bagong pasok na Icom, pumasok siya kasunod si Dylan, Ruby at Emerald. “Kami po ’yong guardian— guardian angel ni Eve.” Nakangiting sabi ni Emerald bago kumindat sa’kin, tipid naman akong ngumiti sa kaniya bago tumingin kay Dean. “P’wede na po siguro tayo magsimula Mr. Dean?” tanong ni tita Sandara kaya wala nang ibang nagawa si Dean kung hindi ang pumayag. “Asan si Ms. Montello?” tanong na naman ni Dean. “Wala ho ang anak ko dito, natatakot siya dahil sa kagagawan ng Third na ’yon!” mataas ang boses ni tita Sandara kaya hinawakan sjya ni tito. “Sino ba ang Third na ’yon!?” galit na tanong ni tito at lahat naman nang nasa side ko ay tinuro si Third. Galit na tiningnan ni tito si Third at susugurin sana niya si Third kaya agad na pumagitna si Icom at Dylan. “Ang kapal ng mukha mo!” sigaw ni Tito Eury habang dinuduro si Third. “’Wag mong maduro-duro ang anak ko!” sigaw naman nang nanay ni Third. “Sino naman ang malakas ang loob ang bumugbog sa anak ko ha!” hamon nang nanay ni Third at napataas naman ang kilay ko bago ko tingnan ito. “Ako...ho,” sagot ko at hindi ko na nakita ang nangyari at isang malakas na sampal ang natanggap ko. Naiwan ang mukha ko na nakayuko. “E-eve...” tawag sakin ni Marco. “How dare you to do that to my son!” sigaw nito at dinuro-duro pa ako sa ulo. Tinaas ko ang kamay ko at tinabig ang kamay niya na dumuduro sa ulo ko. “Don’t touch my mom!” sabat naman ng mayabang na Third na tumayo pa. ‘Protective, wow...’ Tumayo ako bago tumingin kay Third na parang naghahamon ng away pero mukha ni Dylan ang nakita ko sa harapan ko. Umiling siya bago ako hawakan sa magkabilang balikat at iupo ulit. Nilapit niya ang mukha niya sa tainga ko bago bumulong. “Kumalma ka lang, sagot kita.” Bulong nito bago tumayo ng deretso. Naramdaman ko na may humagod sa likod ko at pagtingin ko ay si Ruby yon. “ENOUGHHHHHHH!” sigaw ni Dean na nakapagpatahimik sa kanilang lahat. Umiiyak na si Tita Sandara habang galit na galit si Tito. “Hindi mo ba alam na may trauma ang anak ko sa mga gano’ng bagay!” sigaw ni tita habang umiiyak, inaalo naman sya ni Tito. “Bakit may mga estudyante kayong ganiyan dito Dean! Walang modo! Bastos!” sigaw pa ni Tita at nanggagalaiti namang susugod ang nanay ni Third. “’Wag niyong pagsasalitaan ng ganiyan ang anak ko sa harap ko!” apila ng nanay ni Third. “Enough! Enough! ENOUGH!” sigaw ni Dean habang pinapalo ang lamesa niya. “Manahimik muna kayo! Hindi tayo matatapos dito kung ganiyan kayo makipag-usap!” “Kumalma po tayo.” Mahinhin na sabi ni Icom. Nagsimulang magsalita si Dean, nasabi niya na masususpende nang tatlong linggo si Third. “At ikaw naman Mr. Xhion, walang kaso sa’yo.” Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ’yon, walang nagawa si Third nang sabihin ’yon ni Dean. Inuwi ng mommy niya si Third samantalang kami ay naiwan dito sa Dean’s Office kasama sila tita Sandara. “Hijo, ikaw ba si Eve?” tanong sa’kin ni Tita Sandara. Tumango ako at bahagyang nagbow. “Maraming salamat sa’yo, naikwento ka sa’kin nitong si Ruby na binalikan mo raw ang gumawa no’n kay Sandra.” Ngumiti si tita at inabot ang kamay ko. “Wala ho ’yon,” sabi ko at tipid na ngumiti. “Pero ikaw din ba ang boyfriend nang anak ko?” tanong ni Tito kaya napailing ako ng ilang beses. “Hindi ho, kaibigan ho ako ni Sandra.... matalik na kaibigan ho,” pagsasabi ko nang totoo at nagulat naman ako ng sunod-sunod na nareact ang mga nasa likod ko. “Ha? AKala ko boyfriend ka niya?” si Dylan agad ang unamg nagreact. “Oo nga! T’saka duh ang sweet niyo kaya pagmagkasama kayo,” si Ruby na napapairap pa. “Akala ko girlfriend mo siya,” si Marco habang nagkakamot pa ng batok. “Tss, kaibigan ko lang si Sandra.” Sabi ko bago ilipat ang paningin kay Tita at Tito na nakangiti sa’min. “Sige po, Dean. Mauna na po kami. Maraming salamat po.” Tumayo sila tita “Walang ano man ho.” Sabi ni Dean at hinatid pa sa parking lot sila tita. Hinatak ko naman ang kamay kong may injured palabas sa ilalim ng upuan. Ayokong ipakita ’to kila tita. “Tara na! Baka maabutan pa tayo ni Dean.” Aya ni Emerald bago sila mag-unahan sa paglabas sa office. Naiwan ako at pagtingin ko sa likod ko ay nando’n si Dylan, tumayo siya at lumapit sa’kin. Bahagya siyang yumuko malapit sa mukha ko at hinawakan ang pisnge ko. “Masakit ba?” mahinang tanong niya at naamoy ko pa amg mabango niyang hininga na amoy menthol. Naramdaman ko na unti-unti ng umiinit ang mukha ko. “D-dylan, what the hell are you doing?” Tanong ko bago siya itulak palayo sa’kin. “I'm checking you lang, baka namanhid na mukha mo dahil sa sampal pero mukhang ok ka naman,” sabi nito bago lumabas. Ako naman ay napahawak sa dibdib ko dahil sa bilis ng kabog nito. “Eve! Tara na!” sigaw pa ni Dylan kaya sumunod na ako. ‘Peste ka Dylan.’ ***** Hi my Unknownreaders! Thank you for supporting my story. See yah to my next update!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD