CHAPTER 18 DESPERADO

1184 Words
“Loko talaga ’yong Third na ’yon!” nanggagalaiting sabi ni Ruby habang tinitignan ang kamay kong may injured. “Shimabi myo pa!” si Emerald naman na hindi namin maintindihan ang sinasabi dahil punong-puno nang pagkain ang bibig niya. Nasa cafeteria na kami at naglulunch, nandito na rin si Marco at ang pinagtataka ko ay bakit nandito rin si Dylan at Icom na hindi naman sumasabay samin dati. Tuloy mukhang may fiestahan na naman sa lamesa namin dahil sa dami ng pagkain. “Nako! Dapat kick-out na ’yon!” sabi ni Ruby bago sumubo sa pagkain niya. Kanina pa sila ganiyang no’ng nalaman nilang may injured ang kamay ko, si Emerald nga ay gusto pang balikan si Third buti nalang pinigilan siya ni Marco. Susubo na sana ako nang mapatigil ako—kami dahil sa isang babae. “Oh my god! Are you ok, Eve!?” tanong ng babae habang sinusuri ang katawan ko. Tiningnan ko siya ng nakakunot ang noo. “Excuse me?” sabi ko at ngumiti naman siya sa’kin bago iayos ang bag sa braso niya. “Nabalitaan ko ang nangyari sa inyo ni Third at nabalitaan ko rin na nagkainjured ka, Ayos ka na ba?” malambing na sabi nito kaya halos lahat ng balahibo ko ay nagtayuan. ‘Nakakakilabot.’ Tumingin ako sa mga kasama ko na halatang nagtatakha rin kung bakit nandito ang babaeng ’to. Bahagya ko siyang itinulak palayo dahil nakakailang ang p’westo namin. “Sino ka?” tanong ni Emerald na nakatingin sa babaeng nasa harap ko. “Ah, kaibigan ako ni Eve,” nakangiting sabi nito at ng mapatingin ito sa tatlong lalaking kasama ko ay bahagya siyang napahinto. Tumikhim ako para maagaw ang atensyon niyang hindi maalis sa tatlong lalaking kasama ko lalo na kay Dylan na walang pakialam sa paligid at lamon lang nang lamon. “Sorry miss, Hindi kasi kita kilala,” sabi ko at tumaas naman ang kilay niya na makakatusok ata dahil sa sobrang tulis. “Hindi mo na ba ako naaalala?” tanong nito kaya mas lalong napakunot ang noo ko. “Hi! It’s me Chellsy.” Pakilala niya pa pero wala talaga. Sabi ko nga ay hindi ako palatandaing tao lalo na kung hindi naman importante. Umiling ako at pumadyak siya na parang naaasar na. “It’s me Chellsy the girl in the hallway,” naaasar na rin ako sa kaniya dahil naaantala niya ang pagkain ko. “Miss hindi ka nga raw kilala ni Eve,” si Ruby na nakikipagtagisan sa patarayan. Kung nandito lang si Sandra ay baka wala ng palag ’tong babaeng ’to. “I don’t talk to, so you better shut your mouth,” maarteng sabi pa nito bago irapan si Ruby. “Anak ng-” Tatayo sana si Emerald pero naunahan na siya ni Dylan. “Chellsy, ano ba? ’Wag kang makulit, naiistorbo mo ang pagkain namin,” mahinahong sabi ni Dylan kaya agad na namula ’tong Chellsy. ‘Tss.’ Tumingin sa ’king muli si Chellsy bago umalis habang pumapadyak. “Pinaglihi ata sa kulit ang isang ’yon,” sabi ni Emerald bago magpatuloy sa pagakain niya. “Ehem, iba rin pala kamadag mo Eve pagdating sa mga chix.” Natatawang sabi ni Marco at narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Icom. “Palagay ko nga ay madami ka ng naging girlfriend!” sii Ruby na hinampas ako sa braso. Umiling ako bago sumagot. “Wala pa, wala pa akong nagiging girlfriend.” Sabay-sabay silang naubo p’wera lang kay Icom na tumatawa. “’Di nga!? Sa gandang lalaki mo na ’yan wala ka pang nagiging girlfriend!?” Hindi makapaniwalang tanong ni Emerald. “Seryoso ka Eve!?” malakas na tumawa si Ruby habang hinahampas ako. “Torpe ka siguro?” si Icom kaya mas lalo silang nagtawanan. “Hindi ako torpe, sad’yang ayaw kong maggirlfriend.” ‘Kasi boyfriend ang kailangan.’ “Huh?” si Dylan habang kumakain na ng ice cream.“Ano gusto mo boyfriend?” tanong nito at tumawa. Tinaasan ko siya ng kilay bago ibaling sa iba ang paningin, hindi na sila natapos sa kakatanong. ‘Bakit ba na sa’kin ang usapan?’ “Baka! I’m not gay!” Nahinto sila sa pagtawa at nagtatakang tumingin sa’kin. (Stupid) “Ano ’yong sinabi mo? Baka?” Si Emerald na nagtataka. “Si Dylan? Baka?” tumawa ito at pagtingin ko kay Dylan ay madilim na naman ang mukha nyang nakatingin sa’kin. “Stupid.” Bulong ko at nagpatuloy nalang sa pagkain, hindi ko nalang sila pinansin na iba na ang pinag-uusapan. Napatingin ako kay Emerald na nakatingin kay Marco habang namumula. Mukhang may magkakadevelopan na dito. Nang matapos kaming kumain ay nagkaniya-kaniya na kami kaya heto kami ngayon ni Ruby at naglalakad na pabalik sa classroom namin. “Grabe, ang dami ko atang nakain,” sabi niya habang hawak ang tiyan. “Madami ka talagang nakain,” sabi ko at syempre hinampas niya na naman ako. Hobby nila na gawing punching bag ang braso ko Panay ang hampas ni Ruby sa’kin dahil sa pang-aasar ko sa kaniya. Malapit na kami sa room namin nang bigla kaming harangin ni Jade. “Jade,” tawag ko dito at tinanguan niya naman ako bago humarap kay Ruby. “Sino siya? Chix mo?” mapang-asar ang mukha ni Ruby kaya bahagya ko siyang hinampas sa likod. “Mauna ka na Ruby, sunod na lang ako.” Tinulak ko siya ng mahina papasok sa room bago sumunod kay Jade na naglakad na papunta kung saan. “May problema ba Jade?” tanong ko nang makarating kami sa likod ng campus. Humarap siya sa’kin bago tanggalin ang salamin niya. “Kung nagbabalak kang lumabas ng bansa ay ’wag mo ng subukan,” seryosong sabi nito na ipinagtakha ko naman. “Ha?” tanong ko dito at may inabot siya sa’king isang papel. Binasa ko ’yon at ramdam ko ang pagkawala nang reaksyon sa mukha ko. “1.5 Million pesos, Desperado na ang papa mo Cally,” sabi nito. Nilukot ko ang papel bago ibulsa. “Nakaban na rin ang mukha at pangalan mo sa mga paliparan dito sa buong pilipinas, wala ka na talagang kawala,” dugtong niya pa. ‘Ganiyan ka na ba kadesperado para makuha ang mana ko?’ Tumingin ako kay Jade. “Salamat, ako ng bahala dito,” sabi ko dahil masyado ng alanganin ang sitwasyon ko at ayaw kong madamay si Jade dito. “Isa pa...” Napahinto ako sa pagtalikod nang magsalitang muli si Jade. “Si Ezekiel, lumayas din sa mansion.” Mas lalo akong natigilan ng marinig ko ’yon. “Bullsh*t...” Mahinang sabi ko bago maramdamang maglakad si Jade. “Mag-ingat ka na, Cally, pati ang lolo mo ay naghahanap na rin sa’yo.” Huling sabi niya bago ako iwan dito. Napasipa ako sa lupa bago sunod-sunod na mapamura. “Wala ka talagang kwentang ama,” galit na sabi ko bago ikalma ang sarili ko. Pumikit ako at ilang beses na huminga ng malalim para mapakalma ang sarili ko. Hindi ko hahayaang makuha mo ang mana ko... hinding-hindi, kahit na magkamatayan tayo wala kang makukuha sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD