CHAPTER 19 STREET FOOD

2170 Words
One week passed and nothing changed, patuloy pa rin sa paghahanap sa akin ang desperado kong ama at patuloy din ako sa paghahanap ng patago sa kapatid kong naglayas. Sinubukan ko siyang puntahan sa eskwelahan nila pero sabi ng mga estudyanteng nakakakilala sa kaniya ay isang linggo na raw hindi pumapasok si kuya Ezekiel. Bumangon ako sa kama at sumilip sa bintana, araw ng sabado ngayon at umalis sila Icom at Marco upang umuwi sa bahay nila. Ayaw kong lumabas ngayon dahil mukha lang ni Dylan ang makikita ko at alam ko namang wala siyang ibang gagawin sa akin kung hindi ang bwisitin ako. Tiningnan ko ang kamay kong malapit ng gumaling, tinanggal na rin ni Icom ang mga supporter stick sa daliri ko at tanging benda nalang ang nandito. Sinabi niya pa na baka 2 o 3 araw ay gumaling na ito. Nagtext din kanina sa akin si Sandra na papasok na raw siya sa lunes dahil namimiss niya na raw ako. Napapikit ako nang umihip ng malakas ang hangin, ang sarap sa pakiramdam nito. “Eve! Tara na kain na tayo!” sigaw ni Dylan sa labas kaya lumabas na rin ako. “Dalian mo nagugutom na ako,” sabi pa nito nang makita na akong nasa labas. “Hindi ka ba makakakain ng wala ako?” tanong ko at masama naman niya akong tiningnan. “Magsabay na tayong kumain para isang hugasan nalang ang pinggan,” sabi niya tsaka pumasok sa kusina. Sumunod na rin ako sa kaniya at nakita ko na may pagkain na sa mesa. Pritong manok, pritong hotdog, pritong itlog at pritong baboy. Hindi naman halata na mahilig siya sa prito. “Buti hindi ka nahihighblood?” tanong ko rito at inirapan nya naman ako. ‘Konti na lang talaga iisipin kong bakla talaga ’tong si Dylan.’ “Kung ayaw mo ng ulam, magluto ka ng sa’yo,” tingnan mo ’to ang sama ng ugali parang nagtatanong lang ’yong tao. Umupo ako sa upuan na p’westo ko at kumuha ng plato. Nagsandok ako ng kanin at kumuha ng hotdog. “Sa lunes na ang uwi nila Icom kaya sa’kin ka muna sasabay,” wala namang problema kahit kanino ako sumabay. Tumango ako at nagpatuloy sa pagkain. “Aalis tayo mamaya.” Do’n na ako napatingin sa kaniya at napatigil sa pagkain. “Huh? Saan tayo pupunta?” tanong ko at uminom sya ng tubig bago sumagot sa’kin. “Basta! Sumama ka nalang,” sabi niya kaya nagsalita ulit ako. “Ayaw ko, tinatamad ako,” pagtanggi ko dahil totoo namang tinatamad ako, gusto ko lang ay mahiga at magkulong sa k’warto buong maghapon. “Sasama ka, hindi kita p’wedeng iwan dito,” pagmamakulit niya. Binitawan ko ang kutsara at tumingin sa kaniya. “Ayaw ko nga!” singhal ko sa kaniya. Ayaw ko! Ayaw ko! Ayaw ko! ’Yan ang paulit na ulit na sagot ko kay Dylan pero heto ako ngayon at nakasakay na sa kotse niya at papunta na kung saan. Tumingin ako sa nagdadrive na parang baliw at malaki ang ngiti. ‘Bakulaw,’ sabi ko sa isip ko bago mapairap. DYLAN’s POV “Ayaw ko!” Ang kulit talaga ng isang ’to. Bawal ko siyang iwan dito. Masama ko na siyang tinitingnan pero naalala ko na wala nga palang epekto sa kaniya ang mga gano’ng technique. Umirap ako at lumingon pero sa paglingon ko na ’yon ay may nakita ako. Napangiti ako bago mapatawa ng malakas sa isip ko. ‘Siguradong papayag ka na!’ Hinawakan ko ang kamay niyang may injured at napatingin naman siya sa’kin. Pinisil ko ’yon at halos mapatayo siya dahil sa sakit. “Sasama ka, ha?” nakangiting sabi ko at umiling naman siya. “Ayaw k—” Pinisil ko ulit ’yon at napakagat naman siya sa labi. “O-oo na! Sasama na ako! Peste ka!” “The best ka talaga, Sige na tapusin mo na ang pagkain mo at magbihis ka na,” nakangiting sabi ko bago magpatuloy sa pagkain, hindi mawala sa labi ko ang ngiti. Nang matapos siyang kumain ay umakyat agad siya at narinig ko ang pagbagsak ng pinto nang k’wato niya napapailing nalang ako bago maglinis ng pinagkainan namin dito, mabilis kong tinapos ang paghuhugas sa mga plato at agad ding umakyat. Tumapat ako sa pinto ni Eve at dinikit doon ang tainga ko, wala akong narinig kaya mas pinakinggan ko pa at narinig ko ang lagasgas ng tubig sa banyo niya kaya napangiti ulit ako bago pumasok sa k’warto ko at maligo. Nasa garahe na ako at hinihintay ang paglabas ni Eve, papasukin ko na sana siya dahil ang akala ko ay hindi siya lalabas pero nakita ko siya na naglalakad na palabas at nakabusangot ang mukha. “Tara?” nakangiting tanong ko dito at inirapan niya lang ako bago lumapit sa kotse ko. Sa likod sana siya sasakay pero pinigilan ko skya at sa harap ko siya pinasakay, pinanlakihan niya naman ako ng mata bago sumakay sa kotse ko. Nakangiti ako habang nagdadrive. Kaya sinama ko siya dahil bawal ko siyang iwan mag-isa sa bahay dahil bilin din ni Icom na ’wag ko raw iiwan mag-isa si Eve. Baka mayari ako kay Icom pag-iniwan ko ’tong mag-isa doon. Nakikita ko sa peripheral vision ko na tumitingin itong katabi ko na magkasalubong ang mga kilay at masamang nakatingin sa’kin kaya mas lumalawak ang ngiti ko dahil sa mukha niya. hinihinto ko ang kotse ko sa isang bakery. Takang tumingin naman doon ang kasama ko pero bumaba rin kinalaunan. Lumabas din ako bago maunang pumasok sa loob, agad na sumalubong sa’kin si Ate at yumakap sa’kin. Nakita ko naman na nag-iwas ng tingin si Eve at kunwaring nagtitingin-tingin sa paligid. “Bakit ba late ka na naman!” sabi sa’kin ni Ate. Napakamot na lang ako sa batok ko bago sulyapan ng tingin ang kasama ko. “Pasensya na, ang kulit kasi ng kasama ko,” mahinang sabi ko kay Ate at nangunot naman ang noo niya bago tumingin kay Eve na nakatalikod sa amin. “Sino ’yan?” tanong ni Ate kaya tinawag ko si Eve na agad namang lumingon. “Si Eve kaibigan ko,” pakilala ko kay Eve na nakatingin lang kay Ate, ngumiti naman ng matamis si Ate bago ilahad ang kamay. Bahagya ko namang dinunggol si Eve para kamayan niya rin si Ate. Inabot niya naman ito at tumango. “Eve,” tipid na sabi ni Eve at binawi ang kamay. “Eve, ate ko nga pala,” pakilala ko at nakita ko ang bahagyang pagkagulat niya na agad naman niyang nabawi. “Abraham, mukhang mahiyain ’tong kaibigan mo.” Pang-aasar ni Ate kay Eve na hindi naman ikinatuwa ni Eve. ‘Pambihirang tao ’to, hindi mabiro.’ “’Wag mo na lang ’yan pansinin Ate, may pagkaabno ’yan,” bulong ko at natawa naman si Ate. “Oh, siya tama na, ito na ’yong order mo,” sabi ni Ate at inabot sa akin ang maliit na box na naglalaman ng mga cupcakes na inorder ko sa kaniya. “Salamat,” nakangiting sabi ko bago magpaalam, hinatak ko naman si Eve na wala pa atang balak umalis doon. “’Wag mo nga akong hatakin, tatadyakan kita d’yan,” banta nito sa akin kaya binitawan ko siya at ngumiti. “’Yan lang ba ang kukunin mo? Dapat hindi mo na ako sinama,” magkasalubong ang mga kilay nito kaya inakbayan ko siya. “Ang init ng ulo mo, gusto mo pisilin natin ulit ‘’yan?” tanong ko at agad akong napayuko dahil siniko niya ang sikmura ko. “Iuwi mo na ako, puro ka kabaliwan,” sabi nito bago maunang lumasok sa kotse. Natatawa akong pumunta sa driver seat at nagsimulang magdrive, tahimik lang kami. Walang kibo ang kasama ko na halatang badtrip pa rin sa akin, dapat ay uuwi na kami pero may naalala akong lugar na madalas naming puntahan nila Icom. Nakakita ko ang street food na madalas naming tambayan nila Icom noon. Tumingi ako kay Eve bago ito tanungin. “Eve, kumakain ka ba ng street foods?” tanong ko bago igilid ang kotse. Pinatay ko ang makina ko at tumingin dito. “Street foods?” tanong nito na sumisilip pa sa labas upang tingnan kung ano ang mga nasa labas. “Tsk! Baba! Dalian mo!” utos ko dito at bumaba na ako, nakita ko naman siya na bumaba at lilinga-linga. Iniwan ko muna sa loob ng kotse ang cupcakes na kinuha ko kay Ate. Hinawakan ko siya at hinila. “’Wag kang lalayo sa akin, madaming mandurukot dito,” sabi ko sa kaniya. Pumunta kami sa bilihan ng tusok-tusok na walang masyadong tao dahil maaga pa, mamayang gabi ang dagsa ng mga tao rito. “Kumuha ka ng gusto mo,” sabi ko kay Eve at nagsimula na akong kumain, tumuhog ako ng fishball bago ito isawsaw sa suka. Patuloy lang ako sa pagkain ng makita kong tumusok din ng fishball si Eve at tinitigan ito. “Masarap ’yan, subukan mo,” sabi ko at pinakita sa kaniya kung pano ito kainin, ginaya niya ang ginawa ko at nagulat naman ako nang hawakan niya ang damit ko at pulang-pula ang mukha. Tumaas ang kilay ko at agad naman siyang sumenyas na mainit. Natawa ako dahil sobra na ang pula ng mukha nya. “Kuya samalamig po.” Pagkaabot sa’kin ng cup ng samalamig ay pinainom ko ’yon kay Eve. “Uso, maghiip bago isubo!” Nagpatuloy kami sa pagkain at napatingin na naman ako sa kanjya ng tumuhog siya ng kikiam at pakita sa’kin ’yon. “Ano ’to?” tanong niya at napangiti naman ako dahil ang cute niya at napakainosente. “Kikiam, this is fishball and this is squidball.” Pagtuturo ko sa kaniya at nakita ko naman na bahagyang natawa si kuyang nagtitinda. Tumango naman si Eve at nagpatuloy sa pagkain na halatang nasasarapan. “This is egg waffle?” tumingin ako sa tinuturo ni Eve dahil tusok-tusok ’tong kinakainan namin pa’nong magkakaron ng egg waffle rito? Hindi ko mapigilang matawa pati si kuyang nagtitinda nang makita namin ang tinuturo ni Eve. “Stupid! That’s kwek-kwek!” Natatawang sabi ko at napapakamot naman siya sa batok bago kumuha ng kwek-kwek at tikman ito. “’Di ba masarap?” Tanong ko at tumango naman siya. Nang matapos kami sa tusok-tusok ay naglakad kami para bumaba ang kinain namin, halos maubos kasi namin ’yong paninda ni Kuyang tindero. “Nabusog ka ba?” tanong ko kay Eve at sumagot naman siya. “Hmm, may ganong pagkain pala rito sa pilipinas?” tanong niya kaya napailing ako at natawa. “Saan ka ba nanggaling?” tanong ko dahil halata namang hindi siya pure Filipino pero ang tatas niya magsalita ng tagalog. “Japan.” Maikling sagot niya at napatango ako, kaya pala. Napadaan kami sa hepa lane at hinila ko siya ulit. “Saan naman tayo?” tanong niya habang sumusunod sa akin. Huminto kami sa isang ihawan at nagpaihaw ako ng kung ano-ano. “Ano ’yan?” Bulong niya sa’kin. “Betamax, isaw nang manok, isaw nang baboy, ulo nang manok, paa nang manok at barberque.” Inisa-isa ko sa kaniya ang lahat ng nasa harap at napatango naman siya. Nang maluto na ang pinihaw ko ay agad na akong kumuha at kumain noon, inabutan ko siya ng isaw nang manok at halatang nandidiri siya do’n. “Kainin mo, masarap ’yan,” sabi ko sa kaniya at inilapit ito sa bibig kumagat naman siya at ninamnam ito. Umayos naman ang mukha niya na mukhang nagustuhan niya ang kinakain niya. Kumuha siya ng iba pa at nagugustuhan niya hanggang sa.... “Yaaaaaa!” sigaw niya at yumuko bago iluwa ang nasa bibig niya. Tiningnan ko naman kung ano ’yon, betamax. Bumili ako ng tubig bago siya hatakin sa bench sa ilalim ng puno. “Here, drink it.” Inabot naman niya ’yon at ininom, nauulaw pa siya nang malasahan pa ang betamax sa bibig niya. “Arggh! That’s suicide!” sigaw niya bago magmumog ng tubig. Hindi ko mapigilan ang tumawa ng malakas dahil pinagtatawanan na siya ng ibang tao na makakakita sa amin. “Hindi na kita dadalhin ulit dito!” Natawa ako at naramdaman ko ang palad niya sa likod ko... napahinto ako at napasigaw dahil sa sobrang sakit, pakiramdam ko ay naiwan doon ang palad niya. “Hindi na ulit ako sasama sa’yo,” rinig kong sabi niya kaya tiningnan ko siya ng masama. “Ang panget mong ka-bonding.” Inabot ko ang parte ng likod ko na hinampas niya, bakal ata ang kamay niya dahil sa sobrang bigat no’n. Nilingon ko siya at nakita kong nakangiti siya habang nakatingin sa langit na nag-aagawan na ang dilim at liwanag. Pinagmasdan ko ang mukha niya habang nakangiti, ’yong ngiti na hindi ko pa nakikita. Para bang napakamahal ng ngiti nya na ’yon kaya sinusulit ko na ang pagtingin dito. Biglang tumibok ang puso ko kaya napalunok ako. ‘Kung siguro lang na naging babae ka... malaya sana kitang minamahal ngayon.’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD