CHAPTER 20 ISSUE

2237 Words
EVE’s POV Nagising ako dahil sa walang humpay na pagtunong nang cellphone ko. May tumatawag pero antok na antok pa ako at hindi ko magawang idilat ang mga mata ko. Nang hindi pa rin ito tumigil ay kinapa ko na ito sa side table ko at sinagot. “Ano!?” inis na tanong ko dahil istorbo siya sa tulog ko kung sino man siya. “Ayy galit ’yan?” tanong ng nasa kabilang linya kaya tinignan ko ang caller name pero unknown nuber ang nakita ko doon. “Sino ba ’to?” tanong ko bago pumikit ulit dahil pakiramdam ko ay alam ko na kung sino ’to. “Si Ruby ’to! Ano ba ’yan ang aga-aga inestress mo ako,” sabi niya sa kabilang linya. Tatanungin ko sana kung kanino niya nakuha ang number ko pero nasagot na niya iyon. “Kay Sandra ko nakuha ang number mo kung hindi mo naitatanong,” sabi nya at napatango naman ako na para bang nakikita nya ako. “Ano bang kailangan mo?” tanong ko dahil parang hindi na niya yata ako mahihintay sa eskwelahan at tinawagan na niya ako. “Ano ba hindi mo pa rin ba alam!?” tanong niya sa’kin kaya napakunot ang noo ko. “Ang alin?” tanong ko at narinig ko ang pagbuntong hininga niya. “Sikat ka ngayon sa journal natin! May issue na kumakalat tungkol sa’yo!” sigaw nya kaya nilayo ko ang cellphone sa tainga ko. “Huh?” Ani ko at bahagyang napabangon dahil baka may nakakakilala na sa’kin. “Sige na patayin mo na ’tong tawag at tingnan mo na ang issue, hindi ko alam kung maniniwala ba ako o ano!” rinig ko pang sabi niya bago marinig ang pagputol nya sa linya. Agad naman akong pumunta sa journal at nakita ko nga ang issue na sinasabi ni Ruby. Natawa ako dahil sa baliw na nagpost nito, ipagkalat daw na may nangyari sa amin no’ng isang gabi! Nagbasa ako ng comments. “OH EM GYYY! Crush ko pa naman siya pero mukhang may nanalo na!” “Bakit hindi ako naniniwala?” “Naks, sana all.” “Parang hindi naman totoo.” 5.9k HAHA 3.3k WOW 3.2k SAD 2.9k ANGRY 1.0k LOVE 600 LIKES Dami ah? Walang k’wenta. Binato ko ang cellphone ko at tumayo upang pumasok sa banyo, wala na hindi na ako makakabalik sa pagtulog. Paglabas ko ay tinanaw ko ang wall clock at nagulat ako ng makitang alas singko palang nang umaga, tumingin din ako sa bintana at nakita na medyo madilim pa nga. Napahilamos naman ako sa mukha bago mapagpasyahang lumabas. Paglabas ko ay nakita kong medyo nakaawang ang pinto nang k’warto ni Dylan kaya bahagya akong sumilip doon, itim ang pintura ng mga pader niya at puro gamit ang nakikita ko na karamihan ay trophy at... at amoy rin pabangong panlalaki. Nagulat naman ako ng makarinig ako ng hilik, dahil gumana ang pagkakuryusidad ko ay bahagya ko pang binuksan ang pinto niya at sinilip ang kama niya kung saan. Nakita ko si Dylan na nakahiga habang nakaboxer lang at wala ng suot na iba, malamig din ang kwarto niya dahil sa lakas ng aircon., nataranta ako ng bigla siyang gumalaw kaya dali-dali akong umalis doon at bumaba. Pumunta ako sa salas at wala akong naabutang tao doon. ‘Oo nga pala, mamayang hapon pa ang uwi nila Icom.’ Napailing na lang ako bago pumunta sa kusina upang magluto. Kahit ngayon lang ay ako naman ang gagawa ng almusal namin. Kinuha ko ang pancake box, ito ang balak kong lutuin. Kumuha ako ng isang malaking bowl at binuhos doon lahat ng pancake. Sinunod ko lang ang nasa instruction kung pano ito titimplahin. Nag makita kong ok na ang hitsura niya ay tumapat naman ako sa stove, napalunok ako dahil wala akong alam sa pagluluto. Naturuan naman ako ni Mommy noon pero wala talaga akong interest dito. Nilagay ko ang non-sticky na kawali doon at saka binuksan ang stove. Hinintay ko ’yon na uminit dahil naalala ko ang sinabi ni Mom na hintayin muna na uminit ang kawali bago ilagay ang lulutuin. Binalikan ko naman ang bowl ng pancake mixed ko at hinalo ulit ’yon para malibang muna ako pero nakalimutan ko na may nakasalang pala ako sa apoy, nagulat na lang ako nang may makapal na usok sa harap ko kaya nataranta na ako. Lalapit sana ako sa stove para abutin ang bukasan nito pero bigo ako dahil maitim ang usok sa harap ko, grabe na ang kaba sa dibdib ko. Nagulat ako ng may humapit sa akin bago ko marinig ang pagtunog ng patayan ng stove na may nagpihit. “What the f*ck!” sigaw ni Dylan habang hinihila ako papuntang sala. “Ano bang pinaggagagawa mo sa kusina!” sigaw niya sa’kin. Ramdam ko pa rin ang panginginig ng kamay ko dahil sa kaba. “M-magluluto lang sana ako...” Mahinang sabi ko at nakita ko naman ang galit niyang mukha. “Magluluto!? Pero muntik ng bahay ang maluto mo!” galit na sigaw nito. Napansin ko na nakaboxer lang siya, siguro ay naamoy niya ang usok kaya naman nagmadali siyang bumama. Yumuko ako at huminga ng ilang beses dahil nararamdaman ko na naninikip na naman ang dibdib ko dahil sa kaba at sa usok na nasinghot ko kanina. “Dapat kasi ay hindi ka na lang nangialam!” sigaw niya pa bago pumunta sa kusina upang buksan ang mga bintana doon. Nang humupa ang usok ay doon lang namin nakita ang nasunog, ’yong stove ay halatang hindi na mapapakinabangan pati na rin ’yong kawali dahil nabutas. Napapitlag naman ako ng marinig ko ang malakas na pagsara ni Dylan sa pinto ng backdoor sa may kusina, paglabas niya nang kusina ay sinalubong ko siya. “S-sor—” Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng lagpasan niya lang ako ng parang hangin at nagdere-deretso sa taas. Tumingin ako sa hagdan na likod na lang ni Dylan ang natatanaw ko. May kung anong parang tumusok sa puso ko nang lagpasan lang ako ng gano’n-gano’n ni Dylan. Nanghihina akong binalikan ang bowl ng pancake at tinignan ’yon, sayang naman. Kahit na nanghiginayang ako ay mas minabuti ko nalang na itapon ’yon dahil hindi na rin mapapakinabangan dahil umitim na rin ’yon sa hindi ko malamang dahilan. Umakyat nalang ako sa kwarto ko at naglock. Tiningnan ko ang kamay ko na sa tingin ko ay magaling na. Tinanggal ko ang benda noon dahil kailangan ko ng gamitin ’yon. Magmomotor na ako ulit. SANDRA’s POV Saktong pagdating namin sa parking lot ay nakita ko na si Eve na bumababa sa motor niya kaya agad akong lumapit sa kaniya at niyakap siya. “Namiss kita! Sobra!” mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko at narinig ko ang pambasa niyang word ang ‘Tss.’ Pinalo ko siya sa braso bago ngumuso. “Bakit hind mo ba ako namiss!?” tanong ko dito at umiling naman siya, tumaas ang kilay ko bago siya hampasin ulit. “Hindi ka nakakatuwa, Eve,” sabi ko dito at hindi pa rin siya kumikibo. Pakiramdam ko ay wala siya sa mood o may nangayari kaya siya nagkakagan’yan. “Tara na,” aya niya sa’kin bago ako iwan na nakatayo sa tabi ng motor niya. “Eve, may problema ba?” tanong ko rito dahil ang tahimik niya, Oo alam ko na literal na tahimik siya pero kabisado ko siya kaya alam ko na may problema. “Kailan ba ako nawalan ng problema?” oh ’di ba! Sabi sa inyo may mali talaga sa kaibigan kong abno. “Sabi ko nga,” sabi ko na lang at nanahimik na lang. Mas mabuting ganito kaysa sa mapainit ko pang lalo ang ulo niya. Habang naglalakad kami ay kapansin-pasin ang tinginan kay Eve, pagtitinginan siya at pagkatapos at pagbubulungan. Oo, alam kong g’wapo ang kaibigan kong tibo pero may kakaiba talaga ngayon. Napahinto si Eve kaya nauntog ako sa likod niya. “Aish,” reklamo ko at sisitahin na sana si Eve nang makakita ako ng langaw sa dadaanan namin. “I enjoyed last night,” malawak ang ngiti nito habang nakatingin kay Eve. “Crazy... can you delete it?” tanong ng kaibigan kong abno dito sa langaw na ’to na hindi ko naman alam kung ano ang tinutukoy. “Ano ba ’yon?” tanong ko nang hindi ako makatiis. Napalingon naman sa akin ’yong babae at ngumiti sa akin pero tinaasan ko lang siya ng kilay. “Opps mukhang walang alam ang girlfriend mo,” sabi niya bago tumawa kasabay ng mga bangaw niya. Tumingin naman ako kay Eve na walang reaksyon habang nakatingin sa babaeng langaw na ’to. “Masaya palang kabonding ang boyfriend mo,” mapang-asar na sabi nito kaya binigyan ko siya ng nandidiring mukha. “May nangyari sa amin,” mahina niyang sabi at napamura naman si Eve na madalang kong marinig. Tumingin muna ako sa babaeng kaharap ko na mukhang inaasar pa rin ako. Lumakad ako papalapit dito bago tumawa ng malakas. “Ikaw? Ito? May nangyari? kabaliwan,” sabi ko habang tumatawa at nakita ko naman na naasar agad siya sa pagtawa ko palang. “T-totoo nga!” pagpipilit nito kaya mas napatawa ako. “Alam mo? Baliw ka na, hindi papatol ang kaibigan ko sa mga tulad mo,” pamamarangka ko sa kaniya. “May taste ’to, ang gusto niyan ay may nga abs at hindi mga tabs,” sabi ko dito bago siya lagpasan, hinila ko naman si Eve paalis doon na parang walang nangyari. ‘Hay nako! Ang aga-aga, naistress ako.’ “SANDRA!” napalingon ako sa likuran namin at nakita ko doon si Ruby na tumatakbo papalapit sa amin. Sinalubong ko siya at yumakap. “Namiss kita!” sabi nya sa’kin bago ako yakapin ulit, tumingin naman siya kay Eve na wala pa ring reaksyon ang mukha. “Ayy, may sumpong?” bulong sa’kin ni Ruby kaya bahagya akong tumango, lunes ngayon kaya heto kami at nakapila sa field. “Oo nga na shookt ako nang makita ’yon sa journal.” Natatawa kami ni Ruby habang pinag-uusapan namin ang issue na pinagkalat daw ng Chellsy na hindi naman mukhang kapani-paniwala. “Hinarang pa nga kami kanina at kung ano-ano ang pinagsasasabi!” sabi ko na hinampas-hampas ang pa ang braso niya. “Grabe talaga ang charisma ng kaibigan natin,” sabi niya at ngumiti, mukhang wala naman gusto si Ruby kay Eve at hanggang kaibigan lang talaga ang tingin niya dito. “Goodmorning!” napatingin kami kay Marco na nakangiti at nakapila sa likod ko. “Oh? Nand’yan ka pala?” tanong ko at natawa naman siya. “Hello Marco! Goodmorning!” nagulat naman kami sa biglang pagdating ni Emerald. “Hi Emerald, goodmorning,” bati ni Marco dito at agad na namula ang pisnge ni Emerald. ‘Ahh...’ Napatango ako at nangiti ng patago. “Si Eve– nand’yan na pala. Eve!” tawag ni Marco kay Eve at tumingin naman ito sa Amin at tumango bago ibalik ang paningin sa harap. “Luh? Anong nangyari doon?” nagtatakang tanong ni Emerald at kakalabitin na sana niya si Eve pero pinigilan ko na. “May topak, hayaan muna natin,” sabi ko sa kanila at nagtanguan naman sila. Nagsimula na ang flag ceremony at wala ng gumawa pa ng ano man ingay samin. “GOOD DAY, STUDENTS!” bati samin ni Dean na nasa stage. “Ngayon ay buwan na ng July at ibig sabin noon ay malapit na ulit ang interhigh!” nag-ingay ang buong crowd kasama na kami dahil syempre yeah kasama ako sa manlalaro ng VRIS. “VRIS! VRIS! VRIS! VRIS! VRIS!” sigaw ng mga estudyante na agad naman pinahinto ni Dean. “Itabi niyo ’yan at sa araw ng interhigh niyo ilabas lahat ng pagchecheer nyo.” Tumayo si Dean at humarap sa aming lahat. “Badminton, Table Tennis, Volleyball, Football, billiards, and of course our basketball team!” sabi ni Dean at nag-ingay ang isang kumpulan ng kalalakihan na sa palagay ko ang baketball team. “ENRIQUE! ENRIQUE! ENRIQUE!” Sigaw ng mga ’to na sa alam ko ay si Dylan ’yon. “Kaya napagdesisyonan namin na sa susunod na linggo ay magsisimula na ang practice ng mga bawat Athlete!” nakita kong nag-apir si Ruby at Emerald. “Oh, badminton is waving,” sabi ni Ruby na umakto pa na parang humahampas ng raketa. “Ang pangit nang sa’yo, mas maganda pa rin pagtakbuhan,” si Emerald naman na parang nagwawarm-up na. “Athlete rin pala kayo?” tanong ko sa kambal at parehas naman silang tumango. “’Di ba ikaw rin? Ang alam ko sa table tennis ka?” tanong sa’kin ni Ruby at tumango naman ako, tuwang-tuwa ang kambal dahil makakabawi na raw sila dahil last year daw ay parehas lang silang nasa 2nd place. “Ikaw marco?” baling ni Emerald kay Marco na nakatingin sa malayo. “H-ha? Ano ’yon?” tanong nito. “Athlete ka ba?” tanong ni Emerald dito at napakamot naman si Marco sa tainga niya bago umiling at ngumiti. “Si Eve?” tanong nila kay Eve na nakatalikod sa amin. “Walang interest ’yan sa mga ganiyan,” sagot ko sa kanila dahil alam kong ganoon din ang isasagot sa kanila ni Eve. ‘Abno ’yan kaya tumigil sa pag-aathlete.’ Napailing na lang ako bago makipagk’wentuhan ulit kila Ruby.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD