Pagod. ’Yan ang nararamdaman ko ngayon. Sobra na akong mapapagod at pakiramdam ko nga ay nanlalata pa ako. Pang-apat na set na kami at nakakadalawamg panalo na ang kupunan nila Yulo kaya naman nagdedelikado na kami sa set na ito. Kung hindi namin makukuha ang set na ito ay wala ng pang-limang set. Hindi ko inakala na sa pangatalong set ay aabot sa 45 ang scoring namin. Napakahaba ng naging laro namin sa pangatlong set at kung tutuusin ay p’wede ng hatiin sa dalawang set ang pangatlong set. Nabigla kami pero humanga ako dahil sa lahat ng laban ko ay no’n palang ako nakakita ng score na umabot sa 45. Kaya naman ngayon ay hindi lang ako ang pagod, sila Kale ay hinihingal na, si Hobi man ay gano’n din. Tumingin ako kay Axe nakita ko na latang-lata na siya at baka pumalya na ang mga to

