Maingay.... Sobrang ingay ng paligid ko, anong bang nangyayari? Dinilat ko ang aking mga mata at ang mukha ni Yulo ang bumungad sa akin. “Can you hear me!?” tanong nito sa akin at hindi niya alam kung hahawakan niya ba ako o kung ano. “Magsilayo kayo!” sigaw naman nang kung sino kaya naman bumango na ako at napahawak sa aking mukha nang maramdaman ko na para bang may kung anong matigas na bagay ang tumama ro’n. Napapalibutan kami ng maraming tao at halatang nagkakagulo na rin sila. “Alis! Alis!” Bigla namang sumulpot ang Ate ni Axe na agad akong nilapitan at hinawakan sa balikat. Ano bang nangyayari at bakit lahat sila ay nakapalibot sa akin? “Anong masakit!? Nasaan tayo ngayon!?” tanong nito sa akin habang inaalog ako. Sasagot na sana ako sa kaniya pero may narinig na naman akong

