Hinubad ko lahat ng aking damit at tumapat ako sa shower na nasa itaas ng ulo ko. Tinukod ko ang aking dalawang kamay sa kaharap kong pader at yumuko. ‘Ayos na, may pag-asa na silang maabot ang pangarap nila.’ Tanging lagaslas lang ng tubig ang naririnig ko, tahimik dito dahil umalis silang lahat upang pumunta sa bayan para magsaya. Dapat nga ay mamahinga muna sila pero mas pinili nilang magsaya kahit na unang araw palang ang naipapanalo nila. Ako? Bakit ako nandito? Bakit hindi ako kasama sa kanila? Tiningnan ko ang aking kanang braso, nanginginig ito dahil mukhang nap’wersa masyado ito sa paglalaro. “Bakit ngayon ka pa sumumpong?” tanong ko sa aking kamay. Agad kong tinapos ang aking pagligo at dali-daling nagbihis upang makipagkita sa taong alam kong sesermonan ako kapag nalaman

