Nagbuga ako ng isang malalim na hininga at tumingin sa kabila ng net. Umabot na kami sa pangatlong set, deuce ang tawag ngayon sa amin ng ref dahil nag-tie sa 25 ang score namin kaya naman kailangan ay may lumamang sa amin ng dalawamg puntos upang may matawag na panalo. “Aray ko.” Inalalayan kong tumayo si Axe nang hindi niya kinayang tumayo dahil nakaupo siya sa sahig. “Sabi ko sa’yo ay ’wag kang mauupo na mas mababa sa tuhod mo.” Hinila ko siya patayo, si Axe ay halatang wala sa kondisyon maglaro kanina pa dahil ang sabi ni Coach ay naparami rin ang kain ni Axe. Sigurado akong mabigat ang kaniyang tiyan, kaya naman nang malaman ko ’yon ay agad ko siyang sinermonan. “Ang sarap kasi ng pagkain kaya naman hindi ko napigilan na kumain ng marami,” aniya at hinawakan ang kaniyang tiyan ka

