Binalot ko ang sarili ko sa kumot na pinabaon sa akin ni Icom, makapal ito at malambot kaya naman ang sarap ibalot nito sa katawan. Napapangiti na lang ako sa tuwing pumapasok sa isip ang mga kaibigan ko. Sana pala ay hindi na lang ako sumali sa volleyball para lagi ko silang kasama. Dinilat ko ang mata ko at ang madilim na k’warto ang nakita ko, wala akong kasama rito dahil ibang k’warto ang tinulugan ko. Sa k’warto ng mga babae ako natulkg pero wala naman akong kasama. Hindi rin ako kumain dahil wala akong ganang kumain, hindi ko sila iniiwasan sadyang wala lang talaga akong ganang kumain. Wala rin akong cellphone na p’wedeng paglibangan dahil kinuha ’yon ni Ma’am Sha para raw makapagfocus kami sa paglalaro. Wala tuloy ako makausap, kahit si Dylan... hindi ko rin nakaka— “Ano nama

