EVE’s POV Paglapag ng paa ko sa sahig ay tiningnan ko ang mga kalaban namin, nanlalaki ang mga mata nila habang nakatingin sa akin, ngingiti sana ako kaso tinamad ako kaya naman tumalikod na lang ako at tumingin kay Axe na papalapit sa akin. “Sakto lang ba ang toss ko?” tanong sa akin ni Axe dahil sinubukan naming gawin ang quik attack, nasabi sa akin ni Axe na nakapagtoss na siya ng ganong attack kaya naman sinubukan namin at hindi naman kami nabigo. Walang nakahawak ng bola na pinalo at parang lahat sila ay nagulat. “Ayos naman ang kaso ay medyo late ang bola,” sabi ko. “Kailangan pa natin mg practice.” Naglakad ako palayo sa kaniya dahil ako naman ang magiging reciever at si Clarence na halatang kinakabahan dahil napansin ko na panay ang lunok niya. Tiningnan ko si Kale dahil nakat

