“Kale!” sigaw ni Sky dahil kay Kale papunta ang bola na pinalo ni Jeoh. Halos mapaupo si Kale dahil sa lakas ng pagkakapalo ni Jeoh sa bola. Napatingin ako kay Jeoh na walang ekspresyon ang mukha at nakatingin lang kay Kale na nasa baba ay hindi narecieve ang bola. Lumapit sa kaniya si Clarence upang tulungang tumayo. “Don’t mind it, Kale.” Pinagpagan ni Kale ang kamay niya. Pangalawang set na kami at 8-1 ang score, isipin niyo kung gaano kalaki ang agwat ng mga score namin. Tumingin ako kay Axe na normal pa rin naman ang paghinga. Spike lagi ni Jeoh ang nagiging dahilan kung bakit sa kanila napupunta ang punto, simple lang naman ang spike ni Jeoh pero sadyang sobrang lakas talaga no’n at hindi ko alam kung sinasadya niya bang papuntahin ito sa mga player namin na mahihina magreciev

