Sumunod ako sa kaniya at nakita kong sa likod bahay siya papunta. “Sabihin mo nga, may relasyon ba kayo ni Dylan?” tanong niya agad sa akin kaya naman agad akong umiling sa kaniya bilang sagot. “Wala, magkaibigan lang nga kami,” sagot ko sa kaniya. Totoo naman, magkaibigan lang kami ni Dylan pero hindi ko alam kung bakit hinahal— “Nakita ko kayo na naghahalikan sa dilim nang nasa Arena tayo.” Para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang sabihin niya ang mga salitang ’yon. Uumpisan ko na ba magdasal? Nakita niya kami!? Nando’n siya nang gabing ’yon!? ‘Ano nang gagawin ko!?’ “Ngayon mo sabihin sa akin na magkaibigan lang kayo,” sabi niya sa akin kaya naman nag-iwas ako nang tingin sa kaniya. Wala na akong kawala. Yari na ako. “A-ano... M-magkaibigan lang kami p-pero... M-m-may ka

