DYLAN’s POV Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko mula sa bibig ni Third. Hindi ko magawang gumalaw sa kinatatayuan ko at lapitan si Eve na halatang nahihirapan na. Muli siyang sinipa ni Third at talaga namang nakita ko na ang dugo sa kaniyang labi. Napalunok ako nang makita ko na siyang nakatingin sa akin. ‘Bakit Eve?’ Gusto ko siyang tulungan pero ayaw gumalaw ng mga paa ko. Bakit pakiramdam ko ay galit ako? Galit ako pero hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng galit. May parang kung anong bumara sa lalamunan ko at hindi ko magawamg sigawan si Third. ’Yong dibdib ko rin ay ang bigat-bigat. Ilang ulit akong napapikit nang makita kong bumagsak si Third sa mismong harapan ko kaya naman tiningnan ko kung sino ang may gawa no’n. Napakasama nang tingin nito sa akin kaya nama

