EVE’s POV “Kumain ka.” Iniwas ko ang aking ulo nang ilapit sa akin ni Kuya Van ang kutsarang may lamang lugaw. Wala akong ganang kumain. “Kumain ka na, lalabas naman na mamaya,” aniya pero hindi ko siya tinapunan nang tingin at mas piniling tumitig sa labas ng bintana. Naalala ko na naman ang hitsura ni Dylan nang makita ko siya ro’n. Walang ekspresyon ang kaniyang mukha ultimong pati ang kaniyang mata ay blangko. Ano kaya ang iniisp niya nang mga oras na ’yon? Galit kaya siya sa akin? Pinagsiklop ko ang aking mga palad at tiningnan ito. Gusto ko siyang makita, kahit na isa pang beses. Gustong-gusto ko siyang makausap at makita kahit na huling beses na. “Cally,” tawag sa akin ni Kuya Van kaya naman tiningnan ko siya. “Anong iniisip mo? May masakit ba sa’yo?” tanong niya sa akin a

