Maaga ako nag out sa trabaho para narin puntahan si Parsha sa bahay ni Tristan. Nag text kasi sakin si Tristan kanina na msy sakit raw si Parsha, kaya agad akong nagpaalam kay Ms. Heidy na maaga akong mag a-out. Ilang minuto lang ang byahe from company to Tristan’s house, nang nasa gate na ako ay agad na akong nag doorbell. “Hey, Dev…” bungad ni Tristan ng makalabas ito mula sa main door ng bahay niya at palapit sa gate. “Ano bang nangyare?” tanong ko pa sakaniya, salubong ang kilay at sinamaan siya ng tingin. Mabilis niyang binuksan ang gate at ng makapasok ako ay derestyo na ako sa kuwarto kung nasaan si Parsha. Napakunot noo ako ng makita ko siyang nakahiga sa kama, sobang putla niya at ang tamlay niyang tignan. “Ano nangyare sayo?!” bulalas ko ng tuluyan akong makalapit sakaniya.

