Tahimik lang akong nag aayos ng pinggan sa mesa habang nakatingin kay Liam na nagluluto, he insisted so i let him, hindi naman siya magpapapigil. “Stop moving around,” nagulat ako ng magsalita siya kaya napatitig ako sakaniya. “Nakaka-distract ka.” dagdag pa niya. Napangiwi ako. “Excuse me? Eh ikaw kaya ‘tong bigla bigla nalang nasa labas ng condo tapos mag aayang pumasok dito at magluto.” inis kong sabi. Narinig ko siyang mahina tumawa, ‘yung tipong parang nagpipigil ng inis at tuwa . “I only say two words, pero ikaw grabe agad buwelta mo. Do you want me to leave?” kalmado lang niya na sabi. Hindi ako sumagot. Kasi to be honest, hindi ko alam kung gusto ko nga ba siyang umalis. Lumapit siya pagkatapos magluto, dala ang plato ng pasta. Simple lang, pero amoy pa lang, nakakagutom na. “

