Devorah’s POV Naging tahimik lang kami ng magsimula kaming kumin hanggang sa matapos. Ako na ang nagligpit ng kinainan namin at naghugas. Si Liam naman, nakasandal sa upuan, nakatingin lang sa baso niya na parang may iniisip. “Gusto mo ng wine?” Napalingon ako sakaniya sa tanong niyang iyon, nililinis ko nalang kasi ngayon ang lababo. “Ang aga pa..” saad ko, at nagpunas ng kamay sa towel “So what? you don't want to celebrate your birthday?” tanong nito. Napakagat ako sa ibabang labi ko. Bukod kas kay Parsha at Tristan, wala ng ibang nakakaalala ng birthday ko. “So, Wine or whisky?” tanong niya ulit. “Wi..whisky.” sagot ko. “Hmm, you're into hard ha” may tono sa boses nito sabay tayo at nagtungo sa bar counter. Hindi ko na siya pinigilan. Ilang sandali pa, bumalik siya dala ang i

