Mabilis niyang binuksan ang pinto ng kotse at tinulak ako papasok sa loob tsaka pabagsak naisinara ito ulit.
Nakita ko pa si Mama at Lilian na nasa pintuan ng bahay at nakatingin sakin, hindi kay Liam.
Agad niyang pinaandar ang kotse, salubong ang kilay at tahimik.
Nilaro laro ko ang kuko ko dahil sa hiya, nakayuko lang ako at di ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko.
Napasinghot ako, kasabay non ay ang kamay niya na may hawak na panyo. “Labhan mo bago mo ibalik” tipid na sabi nito.
Agad kong pinunasan ang luha ko, at maya maya pa ay isininga ko sa panyo ang sipon ko.
“Tss… ‘wag mo na palang ibalik, sayo na yan.” saad nito, napatingin ako sakaniya, seryoso parin ang mukha at salubong ang kilay.
“Don’t you ever come back there. Ipapakuha ko lahat ng gamit mo bukas na bukas.”
“Ano? teka sandali..”
“What? don’t tell me babalik ka pa sainyo?” inis na sabi nito at sinamaan ako ng tingin
“Tignan mo nalang daanan baka mabangga pa tayo e” saad ko at dumukmo nalang, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.
Natahimik kami sa loob ng kotse niya, as in tahimik na nakakabingi.
“Kumain ka na ba?” basag nito sa katahimikan. Tinignan ko siya, tinitignan kumg seryoso ba siya sa tanong niyang ‘yon.
“Silent means yes” biglang sambit niya at pinaharurot ang kotse.
Di ko alam kung saan niya ako dadalhin, kung saan ba kami pupunta, wala rin naman akong magagawa dahil nasa loob ako ng kotse nya at siya ang nagmamaneho.
Ilang minuto ang binyahe namin ng marating namin ang isang building, condo building… Napalunok ako bigla, hindi ko alam pero bigla ako nakaramdam ng kaba.
“A-anong gagawin natin dito?” taka kong tanong. “Kung iniisip mong may gagawin ako sayo, you're wrong.” masungit na sagot nito.
Nang maipark na niya ang kotse ay dumeretsyo kami sa elevator, priness niya ng 10th floor, kaya paniguradong babalutin nanamn kami ng katahimikan lalo na at kaming dalawa lang ang nandito.
“About… about earlier, is that really your mother and sister?” tanong nito ng hindi humaharap sakin.
“O..oo” tipid kong sagot.
“Tapos ganon sila makapagsalita sayo?” bigla may inis sa boses niya. “Ikaw ang nagtatrabaho for them? to support them?” tanong pa ulit nito at humarap sakin.
Nakayuko lang akong tumango at di nagsalita. “Tapos tatawagin ka nilang walang kwenta?!” biglang tumaas ang boses ni Liam kaya napapitlag ako bigla.
“I..i’m sorry” biglang bulong nito.
“I brought the unit a month ago, hindi ko alam kung bakit, and i think… dahil dito.” saad pa niya, hindi ko alam kung anong sasabihin or isasagot ko, ganito ba talaga sya? paladisisyon?
Nang magbukas ang pinto ng elevator ay hinawakan niya ang kamay ko at hinila, nilakad namin ang hallway at huminto kami sa bandang dulo.
Pagbukas niyang pinto ay hinila niya agad ako papasok, namangha ako sa ganda ng unit niya fully furnished, sobrang simple lang ng pagka black and white paint niya sa loob pero dama mo yung pagka elegante.
“Maupo ka na muna sa sofa” utos nito sakin, agad naman akong sumunod at naupo sa sofa.
Grabe ang lambot.
Napatingin ako sa paligid. Makinis ang mga dingding, puti lahat. May dalawang abstract painting sa itaas ng couch, at sa gilid ay isang glass shelf na may iilang libro, puro English titles. Alam na alam mong siya talaga ang nakatira rito.
Maya-maya ay narinig ko ang mahinang kaluskos mula sa kusina. Lumingon ako, pagka kita ko sakaniya nakatayo siya sa harap ng mesa nakataas ang sleeves hanggang siko, at may hawak na kutsilyo.
Napatitig ako sakaniya, inaaral ang mga kilos niya, sure ba siyang magluluto talaga siya?
“S-sir?.” mahinang tawag ko.
“Bakit?” hindi siya lumingon, tuloy lang siya sa pag hihiwa ng kung ano.
“Ako na ho ang magluluto..” saad ko.
“No, i can manage.” tipid nitong sagot at sinindihan iyong high-tech na stove, basta nasa gitna siya ng mesa tapos may dudutdutin don.
“Marunong po pala kayo magluto” saad ko.
“I’m not, alam kong hindi kapa kumain so i just need to cook” sagot nito. Bigla tuloy nag init ang pisngi ko at pinigilan kong mapangiti, nakakahiya.
“P-pwede namang ako na magluto” saad ko. Pero di na siya ulit nagsalita pa.
Hindi narin ako nagsalita pa ulit, umupo nalang ako ulit sa sofa at naghintay.
“Halika na,” biglag tawag niya sakin kaya napatingin ako sakaniya.
Agad na akong tumayo at lumapit sakaniya inaayos sa paglapag ang dalawang plato namay tig isang toast, tapos sunny side up na may butter sa ibabaw na binudburan niya ng tinadtad na onion leaves. Tapos may dalawang tasa rin ng kape.
“dig in” ani ‘to at umupo na, at umupo narin ako.
Medyo nahihiya pa ako, kasi first time lang may nagluto para sakin tapos boss ko pa? haba ng hair ko no? pero… pano kung.. pano kung may kapalit?
“Wag ka na muna pumasok now.” biglang sabi niya habang humihigop ng kape.
“B-bakit po?” tanong ko.
“It's your birthday right? Heidy will understand.” saad nito.
Bigla akong natigilan, oo nga pala… Birthday ko nga pala ngayon..
“T-thankyou sir.” saad ko habang nakayuko.
“I don’t take thank yous in words, Devorah. I take them in action.” biglag sabi nito, may kung ano sa tono ng boses niya kaya napa angat ako bigla ng tingin, at kinilabutan ako dahil nakatitig rin siya sakin.
Yung titig niya gaya nung gabing pinapunta niya ako sa kumpanya.