MAG ISA akong bumyahe ngayon dahil hindi umuwi si Parsha kagabi, kaya naman puro panenermon sa chats ang ginawa ko. Pagpasok ko sa office, hinanap ko ka agad si Parshs “Bes!” bungad nito sakin. Sinalubungan ko lang siya ng kilay at tinignan ng magpaliwanag ka sakin look. “Sorry na, hindi ako pinauwi ni Tristan e” saad nito. “Sana man lang nagchat ka, napuyat ako kakahintay sayo” nakanguso kong sabi. “Ihh sorry na kasi.. Ay siya nga pala, team huddle daw mamaya, sabi ni Ms. Heidy. PR and Marketing collab project daw” pang iiba nito sa usapan. “PR?” kunot noo kong tanong. “As in… Public Relations?” paniniguro ko pa. “Oo! ‘Yung team daw nila mag handle ng external image campaign for the new client. Tayong Marketing ang magpo-provide ng creative materials.” paliwanag ni Parsha at humawak

