“Where are you?” Pinilit ko paring ngumiti sa harap ni Calen kahit na may kung anong kaba bigla ang bumalot sakin. “Everything okay?” tanong niya, kaswal lang pero bakas ang pag aalala. “Kanina kapa tahimik, since may nag message sayo… baka urgent, you can go naman e.” dagdag pa niya. “Hindi, ayos lang. May naisip lang ako bigla hehe, pasensya na.” palusot ko. “Sure?” tanong pa niya kaya tumango nalang ako ulit. Ngumiti na lang ako ng ngitian ako ni Calen. Puro narin siya kwento about sa mga naging past project raw niya with marketing department. Pero kahit anong pilit kong mag-focus sa kwento ni Calen, wala na ako sa mood. Pagkatapos ng dinner, inalok ako ni Calen na ihatid ulit, pumayag narin ako dahil oras na rin.. Tahimik lang kami sa biyahe. Hindi awkward, pero may tension na

