Mabilis na lumipas ang oras, marami rami na ang naprint ni Devorah mula sa inutos ng team leader nila. Tinutok ni Devorah ang sarili sa trabaho upang hindi isipin ang sinabi sakaniya ni Mr. Vezqua kanina, pero habang tumatakbo ang oras ay tila patuloy rin sa pag agos ang mga pawis sa batok ni Devorah.
“Alam mo bes kanina pa kita napapansin, ang putla mo.. may sakit ka ba?” nag-aalalang sabi ni Parsha sakaniya. Tumingin lang si Devorah kay Parsha at nginitian ito, magsasalita na sana siya ng bigla namang bumukas ang sliding glass door ng department nila. Pumasok ang isang lalaki kung tatansyahin ay nasa edad 27-29 ito, naka formal attire at may dalang ipad.
“Teka.. anong ginagawa ng secretary ni Mr. Vezqua rito?” takang sabi ni Parsha. Napatingin si Devorah sa kaibigan ng marinig ang sinabi nito. Ilang beses siyang nagpalunok-lunok at naghihintay sa sasabihin ng lalaki.
Lumapit ang Team Leader nila si Ms. Heidy, maya maya pa ay umalis na ang secretary ni Mr. Vezqua. Pagharap ni Ms. Heidy sakanila ay deretsyo itong tumingin kay Devorah na siya namang ikinatayo ng mga balahibo nito.
“Dev, pasok ka sa office ko we need to talk.” deretsyong sabi ni Ms. Heidy, agad na tumango si Devorah at sumunod sa rito.
Pagpasok sa office ay umupo si Ms. Heidy sa swivel chair nito at deretsyo ang tingin kay Devorah na tahimik lang nakatayosa gilid ng mesa.
“Anong nangyari sa Conference Room kanina?" tanong nito. “W-wala naman po, basta ko lang po inabot iyong files..” sagot ni Devorah, habang pasimpleng binabaon ang kuko niya sa isa pa n’yang kuko.
“Okay.. pero pinapatawag ka ni Mr. Vezqua, do you have in mind kung bakit? any reason?” tanong ni Ms. Heidy, lalong nanuyo ang lalamunan ni Devorah sa tanong na iyon ng kaharap niya. “H-hindi ko po alam...” sagot ni Devorah at napakagat sa ibabang labi niya.
“Okay.. go to his office now, sabihan mo ako kung anong napag usapan niyo okay? para malaman ko if may problema ba.” saad ni Ms. Heidy. Muli, ang panginginig sa katawan ni Devorah ay bumalik, seryoso talaga si Liam sa sinabi nito kanina na may importante silang pag uusapan. “Opo Ms. Heidy” sagot ni Devorah at lumabas na.
Nasa tapat ng pinto ng office ni Liam si Devorah, hindi alam kung papasok ba siya sa loob o tatakbo nalang palabas ng building at mag resign nalang, dahil sa sobrang kaba, takot at hiya.
“Hindi kusang bubukas yang pinto Dev, ngayon ka lang ba nakakita ng pinto?” pang aasar ni Tristan, kaibigan niya and kawork mate narin.
Inirapan nalang niya ito kasabay no’n ay ang pagpakawala niya ng malalim na buntong hininga. Pagpihit niya sa seradura ng pinto ay dahan dahan niya ‘yon tinulak at ng makapasok siya ay isinara niya ulit ang pinto.
“G-good m-morning Mr. Vezqua” utal-utal na sabi ni Devorah. “Can’t you speak properly?” mapaklang tumingi si Liam kay Devorah, tila naiinis ito sa inaasta ng dalaga.
“I-im sorry po..” halos pabulong na sabi nalang nito.
“Sorry for what?” may kung anong pang-uuyam sa boses nito.
Nag-angat ng tingin si Devorah at tila naghihintay sa kung ano pa ang sunod na sasabihin ni Liam.
“For.. leaving me? after what we did?” napakuyom ng kamay si Liam at bahagyang natawa.
“Is that you right?” Tanong ni Liam, bahagyang napailing at tinignan si Devorah ng matalim tsaka tumayo mula sa pagkaka-upo. “What a stupid question, so why do you leave?” tanong pa ulit nito.
Hindi makapaniwala si Devorah sa tinatanong ngayon ng boss niya, hindi niya alam kung dapat ba siyang kiligin or matakot na baka tanggalin siya nito sa trabaho.
“Don’t assume anything if i asked you this way, i just can't accept that you... a lowly woman can stepped to my pride like that... after mong magpakasarap sakin.. you just left without a word?! you’ll regret this woman” matalim na banta ni Liam kay Devorah.
Hindi kasi matanggap ni Liam na basta basta nalang siyang iniwan ni Devorah na dapat siya ang gagawa tulad ng nakasanayan niya. After having s*x with some stranger woman, he is the one who leave them behind. Kaya hindi siya makapaniwala at hindi siya papayag na basta basta nalang siya ganunin ng isang babae, at empleyado pa sa kumpanya niya.
“You’ll pay for what you did” bulong ni Liam at bahagyang hiningahan ang leeg ni Devorah, namilog ang mata nito nang maramdaman niya ang init na dumampi sa balat niya.
“W-what do you mean?” Tanong ni Dev at bahagyang nag angat ng tingin sa boss nito.
“No need to know, Leave!” malamig na utos nito, si Dev naman ay mabilis na kumilos at lumabas ng office.
Pigil na pigil ang pag hinga ni Dev kanina sa loob ng office ni Liam at ng makalabas siya at talaga namang naginhawaan siya. Hindi niya tuloy maiwasang isipin ang nangyari sakanila kagabi, that's one most happy and unforgettable moments in her life. Even though, She only gave it to a man she met last night, not just ordinary man... but it turns out to be her BOSS!
Napahilot nalang ng sintido si Devorah kakaisip sa bwisit na boss niya, hind niya alam kung ano ang binabalak nito lalo na ang sinabi nito kanina.
Hindi na niya alam ang gagawin niya, kung pwede ba na mag resign nalang ba siya without a reason o mawala nalang bigla. “San ka galing?” tanong ni Parsha sakaniya. “M-may inutos lang si Ms. Heidy” palusot naman ni Dev. Nagpatango tango nalang si Parsha at tinuon ang sarili sa trabaho.
Ganoon rin si Devorah, binuhos niya ang oras niya sa pag-ta-type para matapos na niya ang pinagawa sakaniya, walang tigil siya sa pag ta type kahit pa tila nagmamanhid na ang mga kamay niya. Maya maya pa ay natapos na niya ito at sinend kay Ms. Heidy via Email.
“Woah! natapos rin sa wakas!” bulalas ni Devorah, napatingin sakaniya ang lahat maging si Parsha at Tristan. “Natapos mo iyon?!” gulat na tanong ng dalawa. Napatingin naman si Devorah sa dalawa halata sa mukha niya ang pag ka bigla.
“O-oo? bakit?” walang ideya niyang sagot, bumalik nalang sa pag titipa ang dalawa at nagpa-iling iling dahil sa pagkabilib sa kaibigan. Kung hindi lang talaga nahinto sa pag aaral si Devorah, paniguradong makakakuha siya ng mataas na posisyon sa kahit anong kumpanya lalo na’t dedicated siya pag dating sa trabaho.
MATAPOS ang mahabang oras sa trabaho ay nag umpisa ng mag ayos ang lahat dahil uwian na, agad na hinila ni Parsha si Devorah at dali daling hinila palabas. “Gala muna tayo, first day mo naman now sa work so let's have fun!” pag aaya ni Parsha. “Oy sama!” singit naman ni Tristan at inakbayan ang dalawa. “Yuck!” sabay na bulalas ni Dev at Parsha, sabay rin nilang inalis ang kamat ni Tristan sa balikat nila.
“Ang aarte nyo, ampapanget nyo lang naman!” pang aasar nito. “Wow?! coming from you ha!” bwelta naman ni Parsha, pabiro naman siyang hineadlock ni Tristan kaya naman hindi na rin matigil si Dev sa pag tawa.
ALAS DIYES na ng makauwi si Devorah, hindi pa mabura sa labi niya ang ngiti hanggang sa makapasok siya sa pinto at bumungad sakanya ang mama nito at ang kapatid niya na kumakain na mukhang inorder ng mga ito.
“Ang galing! alasdiyes na kamahalan tapos ngayon ka lang?! imbis na may magluto wala! o ayan! buti nalang may nakita akong pera sa damitan mo at nag order nalang kami ni Lillian ng pag kain namin! ang galing mo! pinagtataguan mo kami ngayon ng pera!” bungad sakaniya ng mama niya.
Nanlumo si Dev sa narinig, dali dali siyang tumakbo papunta sa kuwarto niya at kinalkal ang damitan, ang tinabi niyang 3,500 ay wala na.
Mabilis itong lumabas, maluha luhang hinarap ang ina at kapatid niya. “Ma naman! halagang 3,500 ba yang inorder nyo?! nasa po yung pera?!” galit na sabi ni Dev pero may pag pipigil parin sakaniya. “Aba Devorah! san ka kumukuha ng lakas ng loob para kuwestyunin ako?! ha?!” sigaw ng nanay nito at ibinato sakaniya ang paper box na pinaglagyan ng pagkain.
“Wala kang kwenta! tinabi ko yung sobra! bakit?! may angal ka ha! kapal ng mukha mong taguan ako ng pera!” sigaw ng mama ni Dev, habang ang kapatid niyang si Lillian ay pangisi ngisi lang sa gilid habang sumisipsip sa straw ng inumin nito.
“Sana naman nagtanong na muna kayo kung saan ko gagamitin ‘yong pera na yon!” inis na sabi ni Devorah.
Itinatabi niya kasi ang pera na iyon para pambayad sa inuupahan ilang bahay, iniipon niya ang halagang 7000 para ibayad sa may-ari dahil nito lang niya nalaman na hindi pala inaabot ng nanay niya ang bayad sa upa.
Hindi nalang ulit kumibo si Devorah, pabagsak nalang niyang isinara ang pintuan ng kuwarto niya at nahiga sa kama para humagulhol, hindi siya tumigil sa pag iyak hanggang sa makatulog nalang siya.