NAGMULAT ng mata si Devorah ng marinig ang paulit-ulit na pagring ng phone niya, nang tignan niya ito ay halos maibato na niya ang cellphone niya dahil sa gulat.
18 missed calls?
Tinignan niya kung kani-kanino galing ang mga tawag na iyon, pero iisang pangalan lang ang lumilitaw sa screen ng phone niya. Si Parsha, bestfriend niya.
Tumayo siya mula sa pagkakahiga at nang maramdaman niya ang biglang lamig na bumalot sakaniya ay doon niya lang napansin na wala siya sa kuwarto niya.
“Na..nasan ako?” tanong nito sa sarili at ginala ang tingin sa loob ng kuwarto.
Hindi ito ang simpleng kuwarto niya.. napakagarbo ng kuwarto, hindi lang ang style ang vintage, maging ang vibes nito. Napatingin siya sa taas kung saan makikita ang napakalaking chandelier. Nang matapat ang mata niya sa kama ay laking gulat niya ng may makita siyang lalaking nakahiga at hubo’t hubad.
Muntik na siyang mapasigaw, mabuti nalang at napigilan iyon ni Devorah, doon rin niya napagtanto na maging siya ay walang saplot at nangingirot pa ang gitnang parte niya.
Hindi siya magkanda-ugaga dahil hindi na niya alam ang gagawin sa nasaksihan niya ngayon. Dali dali niyang kinuha ang damit niya sa sahig, nagpayuko yuko pa siya pata silipin ang ilalim ng kama, nakuha rin niyang nilibot ang buong silid pero hindi niya makita ang hinahanap niya.
“Nasan na ba ‘yong panty ko!” inis na sabi sa sarili at kinamot ang ulo niya.
Nang mapansin niya ang lalaki ba gumalaw ay binalot siya bigla ng kaba, kaya naman sinuot nalang niya ang dress at sapatos niya kahit.. kahit wala siyang panty, ang importante ay makaalis siya.
Nakayuko siyang lumabas sa isang exclusive hotel, hinihila ang laylayan ng dress niya pababa dahil naiilang siya lalo na at wala siyang suot na panty.
“Tanginaaa talaga!” inis nitong sabi sa kawalan, hindi rin niya maalala kung paano siya nakarating sa hotel, dahil sa pagkakatanda niya ay nasa isang Bar sila magkakaibigan para icelebrate ang pag kaka hire niya sa kumpanyang inapplyan niya.
“Tangina... ano bang nagawa ko?” tanong nito sa isip niya. Ramdam niya ang inis sa sarili, kung pwede lang na makipagbunuan siya sa sarili ay gagawin niya.
Hindi rin siya makapaniwala na naibigay niya sa hindi kilalang lalaki ang katawan niya, at halos bumaon narin ang ipin niya sa lower lips niya dahil kagat kagat niya ito sa sobrang inis.
Nang makababa siya sa sinakyang tricycle ay agad na siyang bumaba at nagbayad. Inabot ni Devorah ang 200 sa driver, dahil may kalayuan ang hotel na iyon sa bahay nila. Wala narin siyang choice kundi mag trike nalang kahit pa damang dama niya ang malakas na hangin sa kipay niya, dahil aabutin siya ng siyam-siyam kapag nag jeep lang siya.
Pag pasok ni Devorah sa loob ng bahay ay dere-deretsyo lang ito sa kuwarto niya, ibinaba ang gamit niya at dali dali nagpunta sa loob ng banyo. Mabilis ang ginawa niyang pagligo kahit iniinda parin niya ang hapdi sa gitnang parte niya. Nang matapos siyang maligo ay nagbihis na rin agad siya at nag ayos na.
Hindi parin siya makapaniwalang sa first day palang niya ay late na siya, ano nalang ang iisipin ng kumpanyang pinapasukan niya?
Suot niya ang black and white na simpleng dress niya na above the knee, mas kumportable kasi siya sa mga ganitong damit kesa mag jeans, dahil umuumbok ang pwet niya tuwing nakapantalon.
Hindi na siya nag aksaya pa ng oras, at agad na bumaba mula sa kuwarto.
“Hoy Bora! ano’t nakita kitang kakauwi mo lang ah?! san ka galing?! naglalandi ka na ba? aba! baka nakakalimutan mong dapat unahim mo rito sa bahay! mahiya ka naman samin ng kapatid mo!” bungad sakaniya ng Mama niya, naupo ito sa mesa may kape sa harapan niya at kahit may laman ang bibig na tinapay ay walang tigil parin siya sa pag talak niya.
Hindi na kumibo si Devorah, nagpakawala nalang ito ng malalim na paghinga at dere-deretsyo ng lumabas ng pinto.
Grabe, ni ayain man lang ako mag almusal wala, sermon agad!
Paglabas nito ng bahay ay naglakad na muna sya papunta sa sakayan ng tricycle, sa may kanto. Hindi na siya pwedeng mag jeep lalo na at alas otso na at kailangan na niyang makarating ng mabilis sa kumpanyang ‘yon.
Nang makasakay ito ay agad na nagmaneho si mamang driver, mabilis ang ginawa niyang pagpapatakbo sa trike, pero alam niyang safe siya, dahil tiwala na siya sa mga tricycle driver.
Pagdating nila sa Vezqua Global Enterprises ay agad na siyang bumaba sa tricycle at nag abot ng 300 sa driver.
“Tangina, sa pamasahe palang mamumulubi na ako!” singhal ni Devorah sa sarili.
Bagsak ang balikat nitong pumasok sa kumpanya pero nagawa parin niyang ngitian si Manong guard.
“New employee po kayo?” tanong ng guard sakaniya, suot ang napakagandang ngiti.
“Opo, hehe di pa naman po siguro ako late? hehe” pabirong sabi ni Devorah. “kung makikipagkwentuhan ka pa sakin aba at malelate ka na talaga” saad ng guard at tumawa. Nanlaki nalang ang mata ni Devorah at nagbabye sa manong guard at mabilis na naglakad papunta sa elevator at pinindot ang 3rd floor kung nasan ang Marketing Team.
Nakangiti ito habang paakyat ang elevator, excited na kasi siyang makita ang mga kaibigan niya at makatrabaho ang mga ito.
Nang tumunog ang elevator senyales na nasa 3rd floor na si Devorah ay mas lalo pang lumapad ang ngiti niya.
Pagbukas ng pinto ng elevator ay tumambad agad ang bungad ng department nila. Agad siyang naglakad papunta sa glass door ng Marketing team, at ng buksan niya ito ay tumambad sakaniya ang maingay na nagkukwentuhan at napahinto ang mga ito ng mapansin siya.
Nagtaka si Devorah, isa isa niyang tinignan ang mga nakatingin rin sakaniya hanggang sa lapitan siya ni Parsha. “Bat naman ngayon ka lang?” tanong agad nito. “Ikaw ha! may kasalanan ka sakin! san ka nagpunta kagabi?!” dagdag pa nito. Hindi nakaimik si Devorah, medyo nabahala kasi siya kung paano siya tignan ng mga tao sa loob.
“So ano? san ka nagpunta? san ka galing? ohh.. don't tell me may nakilala kang sugar daddy?!” saad ni Parsha at umacting pa na nagulat ito.
Halos maistatawa si Devorah dahil totoo naman ang sinabi ng kaibigan, ramdam niya ang panlalamig ng kamay niya at biglaang pamamawis ng batok niya. “Gaga! biro lang! never naman mangyayari iyon! e ang laki ng takot mo sa lalaki e! remember nung highschool tayo? nag confess palang binusted mo na, kaya himala na sumama ka sa lalaki” bawi ni Parsha sa sinabi kanina.
Nakahinga ng maluwag si Devorah dahil sa sinabi ni Parsha kaya kunwari ay natawa nalang ito. “Parang sinasabi mo na, tatanda na talaga akong dalaga ah?” pag susungit naman ni Devorah.
Nagtawanan lang ang dalawa, hanggang sa may lumapit sakanila na babae si Ms. Heidy 46 years old, ang Team leader ng marketing team.
“Ikaw ang bagong Marketing Assistant?” tanong nito kay Devorah. “Ah opo, a-ako po. Good morning po" nakangiting sabi ni Devorah at nag bow kay Ms. Heidy. “Okay, welcome to the team!” nakangiti namang sahbi ni Ms. Heidy, at pumalakpak ng makatatlong beses.
“Everyone! this is Devorah Francisco, she's our Marketing Assistant. Hope you get along with her okay? para naman ganahan siya sa trabaho at hind siya makaramdam ng out of place feels. Got it!?” announce nito sa team. Agad na umagree ang team, at ang kaninang tingin na halos husgahan siya ay ngayon puro ngiti na.
Nakipagkamayan siya sa mga ka team niya, at nag sabi ng pangalan ng bawat isa. Nakangiting naupo si Devorah sa cubicle niya malapit kay Parhsa.
Naging busy agad si Devorah dahil sa agad na tambak na mga files na kailangan niya i type manually. Habang patuloy sa pagta-type si Devorah ay may lumapit sakaniya at tinapik ang likod niya.
“Hi Dev, can you deliver this to the Conference Room, deliver to Mr. Vezqua. Be careful he’s our CEO. Wag na wag kang gagawa ng eksena na magpapainit ng dugo niya, got it?” bilin ni Ms. Heidy.
Siya dapat ang maghahatid sa conference room pero dinalaw siya bigla ng inang kalikasan at hindi na niya kayang pigilan pa. Mabilis na kumilos si Devorah at tinanong si Parsha. “Hmm, s-saan pala yung Conference room?” tanong ni Devorah sa kaibigan.
“Sa 15th Floor...” alinlangang sagot ni Parsha, pero laking gulat nito ng biglang naglakad ng mabilis si Devorah at lumabas.
Pagsakay niya sa elevator ay pinindot niya agad ang 15th floor. Hawak niya ang files na binilin ni Ms. Heidy sakaniya, pero hindi mawala sa mukha niya ang inis.
Seriously? 15th floor?!!
Halos magwala na si Devorah sa utak nito, paano nalang pala kung wala ang elevator, pero biglang naalala ni Devorah na pinapamadali pala siya ni Ms. Heidy.
Nang marating ang 15th floor ay agad na siyang pumasok sa conference room. Lahat ng nasa loob ay napatingin sakaniya, napahinto.
Halos matunaw siya sa bawat titig ng mga ito sakaniya, pero isang tao ang hindi niya inaasahan na makikita niya ngayon.
T-teka... siya yung.. siya yung waaah! hindi hindi!
Gulong gulo ang isip ni Devorah pero hindi niya pinahalata sa mga tao at maging sa taong nasa dulo at gitna.
S-siya si Mr. Vezqua?
Tanong niya sa isip niya, pero agad rin niyang ipinilig ang ulo niya at nakangiting lumapit kay Mr.Vezqua
“I-ito na po yung files” saad ni Devorah, at inabot ang folder kay Mr. Vezqua. Ramdam ni Devorah ang titig sakaniya ng lalaki kahit hindi niya ito nakikita.
Lagot! siya nga! yung amoy niya! siyang siya! Lord ano ba tong parusa mo sakin!
Saad ni Devorah sa isip niya. Hindi ksi mapakali ang kalooban niya, ang kaba niya na baka nakilala siya ng Lalaki.
Damn it! why she's here? tanong naman ni Mr. Vezqua sa isip niya, hindi rin ito halos makahinga ng maayos kaya medyo inudjust niya ang neck tie niya at binuksan ang dalawa hanggang tatlong butones ng polo niya dahilan para mapatitig ang ibang babae sakaniya, habang si Devorah naman ay nag-pa-irap irap na lang sa kawalan.
Naglakad si Devorah papunta sa pinto at ng mahawakan na niya ang handle ay biglang nagsalita si Mr. Vezqua.
“Hey, we have something important to talk about later at my office.” walang emosyon nitong saad, puno ng otoridad.
Napahinto nalang si Devorah, humarap ito at yumuko kay Mr. Vezqua. “O-okay sir.” nanginginig nitong tugon at madali ng lumabas ng conference room.
Hindi malaman ni Devorah ang kabang bumalot sakaniya ng sabihin iyon ni Mr. Vezqua.. Napapatanong tuloy siya sa sarili kung nakilala ba siya ng lalaki? kung namukaan ba siya at pilit na hinihiling nito na sana, ibang importanteng usapan lang ang sinasabi nito, at hindi tungkol sa gabing pinagsaluhan nila.