Camille Pov After ko malaman lahat ng mga ginawa ni Rogelio at Ralf ay bumalik ako sa US para makapag-isip. Isinama ko na din si Hash at Rafaela. Magtatatlong buwan na kami bukas dito. Nagschooling din ang aking anak na panganay para daw hindi siya mahuli sa mga lessons niya kahit uma-attend naman siya ng online class. Ralf parents are still in Philippines, ayaw nilang bumalik dito dahil walang ibang mamamahala sa mga negosyo nila. I just only want to rest and enjoy my life with my kids. "Ate, tumawag po kanina iyong kapatid mo, nasa hospital daw po ang nanay niyo." Kumabog ang dibdib ko sa ibinalita ng aming kasambahay. "Magcall back daw po kayo." Agad akong umakyat sa aking kwarto saka tumawag sa amin. "Hello Charmaine, anong nangyari kay nanay?" Tanong ko ngunit iyak agad ang narini

