bc

Heartless Love

book_age18+
733
FOLLOW
3.4K
READ
stalker
friends to lovers
drama
comedy
twisted
bxg
mxb
realistic earth
multiple personality
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Camille Gisa...

The great pretender, kind, sweet, responsable, caring at higit sa lahat mapagmahal na babae.

Para hindi niya maranasan ang masakit na pinagdaanan ng kaniyang nanay sa kanilang ama ay mas pinili niyang magbihis lalaki. Dahil sabi ng nanay niya "Walang magandang dulot ang mga lalaki sa mga babae kundi pasakit." Siya ang panganay sa lahat kaya naman siya lagi ang kahalili nito sa paghahanap buhay. May isip na siya nong pinili ng tatay nilang sumama sa ibang babae. Tanging ang bestfriend lang niya ang nakakapagpabihis sa kanya ng mga pambabae dahil nga kontesera ito. And babae man ang hanap niya ay hindi niya maiwasang humanga sa taglay nitong ganda. Siya lang din ang kasa-kasama nito kahit saan sila magpunta. Naging magkaramay sila sa lahat ng oras. Nasanay na sila sa presensya ng isa't-isa.

Kolehiyo na sila nong ipakilala siya nito sa boyfriend niya... Ang boyfriend niyang bigla nalang sumulpot sa buhay nila. Ang lalaking naging kaagaw niya sa attention ng bestfriend niya...

chap-preview
Free preview
Epilogue
"This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events and incidents are either the products of the AUTHOR'S  imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental." "Nanay gutom na po kami." Daing ko sa aking ina. Halos dalawang linggo na simula iniwan kami ni tatay para sumama sa kaniyang babae. "Camille pwede bang manghiram ka muna ng bigas diyan sa tita mo. Hindi pa ako pinasahod nong pinaglabhan ko." nanghihinang utos sa akin ni nanay. "Nanay sinubukan ko na pong humiram kanina, sinigawan lang po ako ni tita. Hindi daw po kasi tayo nagbabayad." "Sige anak, ikaw muna ang titingin sa mga kapatid mo. Susubukan ko lang bumali sa amo ko." pero pagkatayo nito ay kamuntikan siyang natumba. "Nanay may sakit ka po ba?" kinapa ko ang noo niya, mataas pala ang lagnat nito. "Nay mataas po pala ang lagnat niyo pero bakit nakilabada parin kayo?" nag-aalalang sabi ko sa kanya. "Wala ito anak...." "Dito ka na lamang po 'nay, pupunta lamang po ako sa bahay nila Ashlee baka po makahiram ako ng pera sa kaniya. Kailangan niyo din pong uminom ng gamot." Inalalayan ko itong humiga nalang muna sa papag. Kung tutuusin mas maginhawa konti ang buhay namin kumpara sa kaibigan ko ngunit alam kong mas magaling magtago ng pera ang inay nito dahil silang dalawa lang naman ang magkasama kumpara sa amin na madami. Ako ang pangalawa sa aming magkakapatid. Kaso maagang nagpahinga ang kuya kaya ako ang naiwan para damayan ang nanay. Tinahak ko ang daan papunta sa bahanila Ashlee. Pagdating ko doon ay sakto namang kadarating lang ng nanay niya. "Camille napadalaw ka..." saad nito. "Nanay kakapalan ko na po ang mukha ko. Wala na kasi po kaming malapitan. May sakit po ang nanay, wala kaming makain. Pwede po bang makahiram ng pera sa inyo. Tatanggap na lamang po ako ng labada para po mabayaran namin kung meron man po kayong maibigay. Kahit magkano na po." hindi ito nagdalawang isip na magbigay. Hindi ko na nakita ang kaibigan ko dahil umalis din ako agad. Inabutan ako ng nanay niya ng 300 pesos at tatlong kilong bigas. Naabutan kong nag-iiyakan ang mga kapatid ko. Dahil sinisigawan sila ni nanay. "Pwede ba magsitigil kayo? Kung sana sumama kayo sa babaero niyong ama sana hindi kayo nagugutom ngayon." dinig kong sigaw ng aming ina. "Nay huwag mo na po silang sigawan. Gutom lang po sila. May dala akong bigas. Magtatalbos nalang ako ng kamote diyan sa likod para may maulam tayo." Pagpapakalma ko sa mga kapatid ko at kay nanay. Nagsaing muna ako. Ibinilin ko nalang sa kapatid ko ito. Hindi ko mapigilang mapaluha habang namimitas ako ng talbos ng kamote... Kung sana hindi kami iniwan ni tatay, sana hindi ganito kahirap ang buhay namin. Hindi din sana laging mainitin ang ulo ni nanay. Mabait naman ito pero simula non, madalas nang magbago ang mood niya. Mabilis lumipas ang panahon. Ilang araw nalang ay pagraduate na din ako ng highschool. Kahit papaano nagbunga ang pagpupursige ni nanay. Isang kahig, isang tuka man kami ay nakaraos din... Fiesta ngayon sa amin... at isa ang kaibigan ko sa napiling ilalaban para sa barangay namin. Maganda naman kasi ito. Matalino pa. Mas matanda siya sa akin ng dalawang taon. Late lang itong nag-aral, dahil na din sa hirap ng buhay. Sakitin din kasi ang nanay nito. Sabi ng mga taga sa amin para daw kaming tunay na magkapatid dahil kung ano ang meron siya, ay laging meron din sa akin... Kung ano naman ang meron sa akin, laging meron din sa kanya. Dahil laging kaagapay namin ang isa't-isa sa hirap at ginhawa. "Go Ashlee... Kaibigan ko yan..." sigaw ko kahit alam kong di naman niya ako naririnig... Mapalad ako na may kaibigan akong kasing tatag niya. Lumaki man siyang wala ang tunat niyang magulang ay positibo parin ito... Sabi niya kasi mas bumibigat daw ang buhay kapag iniisip mo ang mga negatibong nangyayari sa atin. "I am Alexia Ashlee Montero, 24 years of age. Naniniwala sa kasabihang maganda man ako sa inyong paningin, apilyido ko lang ang yayamanin. And I thank you..." natawa ang mga audience ganon na din ang mga judges... Kahit saang contests na salihan nito ay lagi siyang umuuwing panalo. Blessed kasi ito... And of course, hindi niya ako nakakalimutan. "Cams ito ibili mo ng mga kailangan niyo." Inabutan ako nito ng isanlibo. Maliban kasi sa trophy ay may cash prizes din kasi. "Ash anlaki naman nito." saad ko. "Malaki din kasi ang bigay nila Cams." inilabas nito ang tig-iisang libo... Apat ito. Panlima ang hawak ko... "Wow five thousand..." bulalas ko... "May pambili na tayo ng isusuot natin sa graduation Cams..." Napakaswerte ko talaga na naging kaibigan ko ito. Maliban sa hindi siya madamot ay sobrang bait pa nito. Mabait din kasi ang nanay nito. "Ash sobra-sobra na ang naitulong mo sa amin." "Ano ka ba Cams what are friends for nga di ba?" wika naman niya. Fast forward.... Second year college na kami ni Ash nong nag-asawa ulit ng iba si nanay. Nagalit ako pero wala din akong nagawa. Doon siya masaya. Pasalamat nalang din ako dahil mabait naman ang napangasawa niya. Wala din akong masabi dahil hindi naman niya itinuturing na iba ang aking mga kapatid. Ako lang talaga ang malayo ang loob sa kaniya. "Ash makikitulog nga ako sa inyo ah." sabi ki sa kanya. "Welcome na welcome ka sa aming munting tahanan Cams. Ikaw pa!" "Sakto para makapagreview din tayo sa ibang mga subjects natin." "Kaya nga Cams, hindi ako pwedeng magpabaya sa pag-aaral dahil dito nakasalalay ang scholarship ko." Isa ito sa napiling sponsoran ng mayor sa kabilang bayan. Nakapasa din kasi ito sa exam ng mga scholars. Ako wala talagang pag-asa pagdating diyan. Thankful nalang ako na may kaya iyong napangasawa ni nanay. Ayaw ko nga lang na iasa din sa kanya ang pag-aaral ko. Nakakahiya...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.8K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
177.0K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.7K
bc

The naive Secretary

read
69.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook