Chapter 1

1147 Words
"Bessy kong maganda, sino siya?" tanong ko sa kaibigan ko pagkakita ko sa kasama niyang lalaki. "Ah siya nga pala. Rogelio siya si Camille. Ang bestfriend ko. Cams, si Rogelio bagong kaibigan ko." tumango lang ako. "Pssst, paano kayo nagkakilala?" tanong ko sa Rogelio daw. "Karatig bayan lang natin sila Cams. Niligtas niya ako sa mga lalaking halang ang kaluluwa." "Niligtas? Bakit anong nangyari, Ash?" Nong nakaraang gabi lang na hindi ko ito sinamahan sa sinalihan niyang pageant pero may nambastos na daw. "Eh napagtripan ako Cams. Buti nasiraan ng sasakyan si Rogelio. Kaya ayun niligtas niya ako." Sabi nito. "Hero pala eh. Nice meeting you." "Nice meeting you too." simula noon lagi na siyang nakabuntot kay Ashlee. Pati nga sa bahay nila nagpupunta na din duon. Naiinis na din ako kasi mas lagi na niyang kasama ang lalaking iyon kesa sa akin. "Ash, ang saya naman natin ngayon." tanong ko nong minsan na napadalaw ako. Inabutan niya ako ng kalamansi juice. "Ah oo Cams, siya nga pala may sasabihin ako." uminom ako ng juice. "May boyfriend na ako." Naibuga ko ang ininom ko. "Ano kamo?" tanong ko. "May boyfriend na ako kako." Alumpihit niyang ulit. Saan naman kaya ito nakapulot ng boyfriend. "Naaayy... " tawag ko sa nanay niya. "Oh Camille, nandito ka pala..." nagmano ako sa kanya. "Kaawaan ka ng Dios anak." "Nay, may boyfriend na daw siya. Kilala niyo na po ba?" tanong ko. "Ahh oo, meron na nga. Aba eh may mga isip naman na kayo kaya ayos lang sa akin." "Sana all may nanay na maunawain." sabi ko. "Eh sino naman nay." "Sus inay oh, diskumpiyado." singit naman ni Ashlee. Inirapan ko ito. Nginuya ko ang biscuit na isinubo ko. "Iyong poging nagpupunta dito. Ano na nga bang pangalan?" tanong niya sa sarili niya. " Rogelio?" sabi nito pero di sigurado. " Oo Rogelio nga. Ay kagwapong bata." naibuga ko kay Ashlee ang kinakain kong meryenda. "Yuck, Camille naman eh. Kadiri to. Kailangan ba ganiyan iyong reaction mo?" pinagpag niya ang damit niya. "Seryoso ka, Ash? Akala ko ba kaibigan mo lang iyon?Kayo na?" tumawa lang ito sa akin. "Bakit gwapo naman ah, tapos mabait pa." napangiwi ako sa sagot niya "Pero alam niyo ba inay, Camille?" umiling kami pareho. "Saglit lang, nauuhaw ako." inabutan siya ni nanay ng juice. Umupo siya sa harap ko. Pinaupo din niya sa tabi niya ang nanay niya. "May sekreto ako." ngumiti siya. Uminom muna ito, uminom din ako. "Bakla si Rogelio." sabi niya sabay hagalpak ng tawa. Halos malaglag naman ang panga ko sa sinabi nito. "Saglit lang." kumuha ito ng baso. Nagsalin siya ng juice dito. "Anong pinagsasabi mong bakla ang boyfriend mo nak?" tanong ng nanay niya. "Eh kasi Inay ganito iyon. Para hindi magduda ang magulang niya. Kinausap niya akong magpanggap daw kaming magsyota. Syempre inay okay lang iyon. May libre na akong taga make up sa tuwing sasali ako ng palahok." Naubo naman ako. proud pa ang loko. "Sigurado ka bang bakla iyon Ash?" nagdududa kong tanong. "Oo naman, ang galing nga niyang magmake up eh." bigla akong humagalpak ng tawa. May pahampas pa ako sa lamesa. "Hahaha, akala ko magkakajowa ka na Ash, in your dreams lang pala..." sabi ko. Sinamaan naman ako nito ng tingin. "Di bale na basta may boyfriend na ako." binelatan pa niya ako. "Bakla naman." saad ko pa. "Kesa naman walang jowa." pang-aasar din niya. "Naku tama na iyan, baka magkapikunan pa kayo." saway naman sa amin ni nanay. "Naku malabo iyon inay. Kami pa!" kininditan pa niya ako. "Walang jowa." sabi niya. "Bakla ang jowa." sabi ko naman saka kami nagtawanang dalawa. Umiiling nalang ang inay niya sa amin. Naalala naming pumuntang bayan. Naglakad lang kaming dalawa. Medyo malayo ito kung lalakarin pero ayos lang kasi may kasama naman. Pero di pa man kami nakakalayo sa bahay nila ay may tumigil nang sasakyan sa tapat namin. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga kapitbahay namin. "Sweetheart hop in." Parang gustong lumabas ng ininom kong juice pagkadinig sa boses nang baklang si Rogelio. "Sayang gwapo ka pa naman sana, kaso tagilid ka." Bulong ko sa aking isipan. "Tara, masisira beauty natin kapag naglakad tayo." hinila ako nito. Sa likod niya ako pinaupo, sa tabi naman siya ni Rogelio pumwesto. Wow, di ako na ang chaperon. "Sweetheart saan kayo pupunta?" tanong ng isa. "Ah sa bayan lang. Gusto mong sumama?" si Ash. "Pwede din." sang-ayon naman ng isa. "Cams kasama natin si Gel." "Narinig ko, hindi ako bingi." sagot ko naman. "Sungit." singhal niya. "Sweetheart menopose na ba iyang kaibigan mo." tinadyakan ko ang inuupuna nito. "Ah hehe, hayaan mo nalang Gel." lumingon ito sa akin. "Problema mo, Cams?" tanong niya. "Wala." tipid kong sagot. "Eh di wala." sagot naman nito sa akin. "Sweetheart, punta tayo sa bahay mamaya. Ipakilala kita kina mama at papa." hindi na ako nakapagtimpi. "Sus, feel na feel mo naman ang pagbabakla-baklahan mo." kontra ko dito. "Cams..." saway niya. "Tssskkk, ewan ko saiyo." sabi ko nalang. Naglibot-libot kami hanggang sa mapagod at syempre ako ang lumabas na saling-pusa. Nahiya naman ako sa kanila. "Ash, hindi pa ba tayo uuwi?" tanong ko. "Gel, di pa ba tayo uuwi?" tanong din niya sa katabi niya. Kasalukuyan kaming kumakain ng kwek-kwek. "It's up to you sweetheart. Gusto mo na bang umuwi?" sagot naman niya habang nakatitig sa kaharap. Duh tusukin ko kaya mata niya. Parang duda akong bakla to eh. "Ewan ko kay Camille, Gel. Gusto na yata niyang umuwi." bakit parang bumalik lang sa akin iyong tanong ko? "Ah okey Camille, gusto mo nang umuwi di ba? Sige Camille, uuwi na tayo." parang tanga kong sabi sa sarili. "Hahaha, o eto na, uuwi na tayo Cams." biglang sabi naman ni Ash. "Let's go." nagkilos bakla si Gel. Pumunta siya sa gitna namin ni Ash saka umakbay sa aming dalawa. "Huwag mo nga akong akbayan." siniko ko ito. "Ouch a, kalerky kang amazona ka." maarte nitong saad. "Huwag mo nga akong dinidikitan. Kakaumay ka." wika ko. "Ash sweetheart, upakan mo nga ito." tumatawa lang si Ashlee. "Anyway ano palang apilyido mo Camille?" tanong ni Rogelio. "Bakit mo tinatanong?" mataray kong sabi. Nakaakbay parin ito sa amin. "Wala natanong ko lang." "Tsskkk, Camille Gisa." humagalpak siya ng tawa. "Kaya pala ang ingay mo, gisa ka pala. Di ba kapag naggigisa eh maingay lalo na kung iyong kumukulong mantika matuluan ng tubig?." sabi pa niya. Di ko nalang pinatulan iyong sinabi niya. Wala ako sa mood. "Eh ikaw ano ba apilyido mo?" tanong ko rin, hindi ito umimik. "Mas mabantot siguro apilyido mo no?" tumigil ito kakatawa sa akin. "Ash, ano ba apilyido ng boyfriend mo?" siguro pangit apilyido niya kaya ayaw niyang sabihin. "Rogelio Ordinario." ako naman ang tumawa ng tumawa. "Kaya pala ayaw mong sabihin ang ordinaryo mo pala talaga." sabi ko. "Kumpara naman saiyo na iginigisa." "Hahaha wala, ordinaryo ka lang talaga." sabi ko pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD