Camille Pov Nakailang tawag na ako kay Rogelio ngunit wala pa din itong kibo na nakatitig lang sa akin. Kanina pa ako dito sa harap niya. Sa katunayan nga ay halos maubos ko na ang pagkaing inorder nito kaninang umalis ako. "Mr. Tan okay ka lang ba?" Tanong ko ulit pero katulad pa rin siya kanina. Saaang lupalop na kaya nakarating ang kaniyang imahinasyon? Minsan napapangiti pa ito ng walang dahilan pero naalala ko na kaya pala ako nandito ay para makijoin kami sa selebrasyon nila Ashlee ng kanilang wedding anniversary. Halos magdadalawang dekada na din pala silang kasal. Hinila ko nalang ang aking upuan palapit sa kaniya. Inilapit ko ang mukha ko sa tenga niya saka ako bumulong. "Kapag ikaw di pa nakabalik sa huwisyo mo sa loob ng 30 seconds hahalikan ko iyong lalaking tingin ng tingi

