"Aray!"
Tila pinaliguan ng pawis ang buong mukha ni Julia. Pati ang parte ng kanyang katawan na hindi naman kadalasan pinagpapawisan ay babad na sa likido. Hindi malaman ng babae kung saan hahawak, sa tiyan ba o sa balakang.
"Manang..."
"T-teka, Julia." Tinulungan siya ng matanda para makaupo sa kama. "Ihahanda ko lang ang mga dadalhin natin. Huwag kang malikot at baka madulas ka sa sahig.
Nakapagtawag na ito ng ambulansiya at iyon ang hinihintay nila.
"Ihahanda ko lang ang mga gamit na dadalhin natin. Diyan ka lang, pakiramdaman mo ang bata. Huwag kang lalakad-lakad. Babalikan kita."
Naglaho nga sa kanyang paningin ang kasama.
Hindi maintindihan ni Julia kung anong klaseng sakit ang dinaranas ng katawan. The pain was so intense, at tila konektado iyon sa buong parte ng kanyang katawan maging sa pinakadulong bahagi niyon. Idagdag pa ang pamimigat ng kanyang dibdib sa ginawang pagtawag. Wala pa ring hinto ang kanyang pag-iyak hanggang sa dumating ang ambulansiya.
"Ayan na! Ayan na ang ambulansiya, Julia!" Nagmamadaling sinalubong ng matanda ang mga medical staff. "Dito po, dito."
Dala ang isang stretcher, pumasok ang mga ito sa kanilang bahay. Nakahinga si Julia nang makita ang dalawang nakaitim na lalaki na may dalang stretcher. They carefully assisted her to the bed while giving instructions.
"Purse breathing lang, Ma'am."
Hindi na ramdam ni Julia ang pag-uga ng sarili nang ilipat siya ng mga ito sa kamang nasa loob ng sasakyan.
"Inhale, exhale, Julia...ganito," anang matanda na inawang ang mga labi at pinatulis sabay hinga para ipakita sa kanya kung paano ang dapat na gawin. Sinunod naman iyon ng babae kahit minsan ay napapangiwi siya sa paghilab ng tiyan.
"Ali, Manang..." aniya na hinawakan ang katabi sa braso.
"Mamaya, tatawagan ko kapag nahatid ka na sa delivery room."
Malalaki ang ginawang pag-iling ni Julia. "Tawagan n'yo, ngayon na."
"A, oo, oo, sige." Inilabas nga nito ang cellphone mula sa bag at nag-dial.
Ilang sandaling tiningnan ni Julia ang mukha ni Manang Fe habang nakikinig ito sa kabilang linya.
"Puro ring lang, baka busy pa."
Dahil sa narinig ay umagos muli ang mainit na luha sa mga mata ni Julia.
On that very significant moment--kung kailan kailangan niya ang suporta nito o kahit presensiya man lang.
"Tinigilan na ni Manang Fe ang pag-dial nang malapit na silang makarating sa ospital.
"Huwag kang mag-alala, Julia. Baka hindi lang napansin ang cellphone, baka naka-silent. Mamaya niyan, kapag nakita niyang tumawag tayo, tatawag na iyan nang kusa."
Naririnig ni Julia ang lahat ng sinabi ng matanda ngunit walang sagot na lumabas sa kanyang bibig. Pinagpatuloy na lamang niya ang pagbuga ng hangin sa kabila ng pagsinghot.
Pagkarating nila sa ospital ay idineretso si Julia sa delivery room, si Manang Fe naman ay naiwan sa labas niyon. Nagkaroon na ng panahon ang matanda para tawagan ulit ang among lalaki.
Nakailang ring din bago sinagot ang linya.
"Hello, Julia? Baby, why?"
"Ali, ang asawa mo, manganganak na! Nandito na kami ospital."
"Ano?" Rinig sa telepono ang pagsinghap na ginawa ng lalaki. "Manang, how is she? Could you please, give her the phone?" Halata sa boses nito ang panginginig sa saya at iba pang kahalong emosyon.
"Nasa delivery room na, hindi na ako makapasok."
"Oh, God. Oh, God!"
Nakikinita ni Manang Fe na nagpalakad-lakad si Ali kung saan man ito naroon habang tutop ang bibig.
"Kanina, habang nagli-labor, lagi niyang binabanggit ang pangalan mo."
Singhot ang isinagot ng lalaki. Marahil ay malungkot din ito sa pagkalayo habang ang asawa ay naghihirap sa panganganak. Kung kaya lang nitong umuwi kaagad para daluhan si Julia ay siguradong gagawin na ng lalaki.
"Magiging ama ka na, ulit, Ali. At ngayon, sa totoo mo nang kadugo. Masaya ako sa nakamit mong kaligayahan." Napangiti ang matanda habang sinasabi iyon. Maluha-luha dahil maging ito ay hindi maibsan ang sayang nadarama.
"Thank you, Manang. Mamaya, kapag puwede nang pumasok ang bisita, please call me again. I need to see Julia and our baby," anito na tila may bikig ang lalamunan.
"Siyempre, Ali. Gagawin ko iyan. Kumalma ka na diyan, babalitaan kita palagi sa mga kaganapan dito."
"Salamat po ulit, Manang.
Habang nag-uusap ang dalawa, si Julia naman ay hindi matigil sa pamimilipit. Hindi na niya maisip kung ano ang kondisyon ng sariling hitsura. Kahit malamig ang buga ng aircon sa loob ng delivery room ay babad pa rin sa pawis ang buong katawan. Julia felt like her entire organs were forcefully pulled out.
Pagkatapos niyang mabihisan ng patient's gown at tanggalin ang ibang saplot, pinahiga siya sa isang metal bed na nasa gitna ng silid. May patungan ng paa sa dulo niyon. The medical practitioner, positioned her with legs parted so her perineum would be exposed.
"Purse breathing lang po, Ma'am."
May nakikita si Julia na dalawang babaeng abala sa paghahanda, nahuhulaan niyang nurse ang mga iyon. Naka-blue ng scrub suits at balot ang mga buhok, may suot na gloves sa kamay. Sa paligid ni Julia ay mga kagamitan na ngayon lang niya nasilayan. Sa tuwing natatanaw niya ang mga iyon ay hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba kaya minabuti ng babae na ipikit na lamang ang mga mata at magdasal o ituon ang paningin sa puting kisame.
Maya-maya ay lumapit sa kanya ang isang nurse at nagsabi, "Ma'am, Julia, mag-a-IE po ako, ha? Huwag pong magalaw."
"A-no'ng IE?"
Hinawakan ng babae ang isa niyang hita saka naramdaman ang daliri nito sa kanyang p********e.
"Hinga lang po nang malalim gamit ang bibig habang ginagawa ko ito. Mabilis lang po 'to."
'Ano'ng gagawin niya?'
"Okay, hinga," anito na nilaliman pa ang mga daliri. She felt full inside, as the woman's fingers dug dipper she could not help but winced in pain. Nadagdagan ang kirot na kanina pa niya nilalabanan. Gumalaw ang mga daliri nito sa ilalim na tila may hinahanap.
"4 cm," saad nito.
'Ano'ng 8 cm?'
"Tatawagin ko lang si Dr. Rivera," anang isang babae na lumabas ng kuwarto.
'Si Dr. Rivera?'
Nabawasan ang bigat na nadarama ni Julia nang malaman na parating na ang sariling OB doctor.
Makalipas ang ilang minuto ay bumungad na sa pintuan ng kuwarto si Dr. Rivera. Nakasuot ng blue hospital gown at may guwantes sa mga kamay.
"Julia, kumusta ang pakiramdam mo?"
"Doctor, ang sakit."
Nilapitan siya nito at nginitian. "Lalabas na ang first angel mo maya-maya. Pagkatapos no'n, mawawala na ang sakit like it never happened. Alright?"
Pumuwesto ang doctor sa isang silya paharap sa kanyan. Nasa gitna ito ng kanyang nakabukang hita. Kahit gustong ma-conscious ni Julia sa pagkakaposisyon ay wala nang puwang sa kanyang isip iyon.
"Now, Julia, when I say push, you push. Don't stop okay? When you breathe, pursed lips."
Mabilis ang pagtango na ginawa ni Julia.
"Alright, now, push, Julia!" Sumagap ng malalim na hininga si Julia bago buong lakas na umire. "More, more, push!" Huminga siya ulit saka itinulak ang loob nang tiyan, sa pagkakataong iyon ay umalpas sa kanyang bibig ang malakas na daing. She could feel her perineum expanded as a huge bulge from within her peeked.
Ang mga kamay ni Julia ay nakahawak sa gilid ng kama. Ang kanyang mga buko ay namumuti sa mahigpit na pagkakapit. Doon lamang siya kumukuha ng lakas para maisagawa ang tamang pag-ire.
"Hindi ko na ka--"
"Don't t talk, just push, Julia! We're almost there. I can his face."
She again braced herself for another blow. Ramdam ni Julia ang paglisan ng isang malaking bagay sa loob ng kanyang tiyan. Tila bola na binutasan, nawala ang bigat roon. Tunay ang sinabi ni Dr. Rivera na mawawala ang sakit kapag nailabas na ang sanggol. Para siyang sumailalim sa mahika na sa isang kampay lang ay naisalba sa mabigat na pagdurusa.
With her eyes half opened, she caught a glimpse of a tiny human being covered with blood and whitish thing. May nakakabit na mahabang bagay sa tiyan nito na sa pagkakaintindi niya ay pusod. Binaliktad ng doctor ang pagkakahawak sa bata at saka tinapik ang puwet. Dahil doon, umalingawngaw sa apat na sulok ng kuwarto ang matinis na iyak ng nilalang.
"Congratulations , Julia. You're a certified mom at exactly 7:28 PM."
Matapos maputol ang pusod ay inilgay ng mga nurse ang sanggol sa ibabaw ng kanyang dibdib.
"Baby, 'yan ang maganda mong mommy," sabi ng isang nurse.
Napangiti si Julia habang hinahawakan ng nanghihina niyang mga kamay ang madulas pang katawan nito. Tila naman naramdaman ng baby na nasa itaas siya ng kanyang ina kaya tumigi na ang pag-iyak nito.
"May pangalan na po ba kayo sa kanya, Ma'am?"
"Hmn," aniyang napangiti. "Caius Jon."
"Ang sosyal naman ng name ni baby, tunog hollywood."
"Salamat, nurse."
"Ilalayo ko muna si baby, ha? Lilinisin muna namin. See you later, Mommy!"
Nang tumalikod na ang nurses dala ang sanggol, nakaramdam si Julia ng antok, kaya ipinikit niya ang mga mata. Sa kabila ng pagod at animo'y mapagparusang karanasan, pumagkit ang ngiti sa mga labi ng babae.