bc

Love & Consents Vol. 2: The f*******n Series 1

book_age18+
326
FOLLOW
5.7K
READ
forbidden
family
age gap
self-improved
student
drama
office/work place
affair
wife
like
intro-logo
Blurb

ON HOLD

Ali and Julia's first year was a bliss. They were even blessed with an angel just two months after their marriage . Everything went smoothly, until Julia unexpectedly heard a woman's voice behind Ali's phone.

Veronica Lao, the marketing manager of JL Corporations--the company which Will's merged for a special project--and Ali's new counterpart.

Julia is still facing the challenges of being a young parent and a devoted wife. But having Veronica's presence in between her marriage, will she be able to confront more trials and tribulations?

chap-preview
Free preview
Part 1
"Kompleto na ba ang mga nabili ninyong gamit, Julia? Para sa bata? Kabuwanan mo na ngayon." Magkatabi silang nakaupo ni Manang Fe sa sofa at nagtutupi ng mga damit. Nilabhan kasi ni Manang ang mga pinamili nilang bagong gamit ng bata para raw ready nang gamitin. "Ali, nabili naman na natin ang lahat ng nakasulat sa listahan, 'di ba?" Bahagyang nilakasan ng babae ang boses nang sa ganoon ay marinig ng lalaking nasa hallway papuntang kuwarto. Sinusuri nito ang mga gilid-gilid ng bahay dahil gustong palagyan ng cusion para raw safe ang bata kahit saan man magtungo. Napaka-aga man para roon ngunit hindi na lang din kinontra ng babae ang asawa. Mas lalo lang magpupumilit kapag ganoon. "Yeah, Baby. Bakit? May nakalimutan ba?" "May nakalimutan pa po ba tayo, Manang?" "Wala naman na, titingnan ko ulit mamaya. Aalis pa naman si Ali ng Singapore, paano na lang kung manganak ka na wala siya." "Ali," tawag niya muli sa lalaki, saka pa ito lumitaw. "Hmn?" Julia extended her hand wanting to reach the man. Lumapit naman si Ali at hinagkan siya sa noo. "Hindi ka ba talaga puwedeng mag-stay? Ibigay mo na lang sa co-workers mo ang business trip na iyan." "Baby, you know how much I want to be here with you. But, the chairman wants me there. Walang ibang makaka-deliver ng presentation na inihanda ko nang maayos kundi ako lang. I'm sorry, really. Forgive me, Love." Sa mabilis na kilos ay kinulong nito ang mga pisngi niya ng mga kamay at kinintalan ng halik sa bibig. "Ali!" saad ni Julia na hinampas sa braso ang lalaki. Nahihiya siya dahil nakikita ni Manang Fe ang paglalambing na ginagawa ng asawa. But trutfully, she was happy that Ali is becoming more expressive with his thoughts and feelings unlike before. Pero may mga panahon na sumobra naman, masyadong showy, katulad na lang ngayon. "Naku! Kayong dalawa. Nahiya pa, e, kahit noong mag-ama pa lang kayo naglalambingan kayo sa harap ko. Nasanay na 'ko." Pinamulahan ng pisngi si Julia sa narinig. Ganoon pala sila kahalata ni Ali noon? "I'll make sure to come home as soon as I finished the conference." "Ano pa bang magagawa namin ni Baby..." Niyuko ni Julia ang tiyan at binigyan ng himas. Hindi man sinasadya ngunit gumuhit ang lungkot sa mga mata ni Julia. "Baby..." Bahagyang hinila ni Ali ang babae at dinala sa loob ng kuwarto. "Please, don't make this so hard for me. Naghihirap din ang loob ko. Ayokong iwanan kayo ng anak natin and most of all, ikaw, na harapin ang pinakamahalagang araw sa atin. We'll pray, na hindi muna lalabas ang bata habang hindi pa ako nakakabalik. Okay? It's just five days. Hmn?" Hinalik-halikan nito ang asawa sa labi saka sa noo. "Okay..." Kagaya ng sinabi niya. Ano nga naman ang magagawa niya kung kailangan talaga nitong umalis? Sana lang ay makapaghihintay ang bata sa pagdating ng ama nito bago gugustuhing lumabas. *** Napapangiwi si Julia dahil sa nararamdamang bigat sa balakang. Mukhang kakaiba ang pakiramdam na iyon kumpara sa mga nagdaang araw. Senyales na ba iyon na malapit na siyang manganak? Alas kuwatro na ng hapon, alas kuwatro na rin sa Singapore. Pangatlong araw na nito roon. Nagtext ito kaninang umaga ng alas otso, marahil ay bago ito nagpunta sa conference meeting. Hanggang ngayon ay hindi pa nasundan ang text o tawag. Okay lang kayang tumawag siya ng ganitong oras? Baka nasa gitna ng meeting. Magagalit kaya iyon? Naisipan niyang magpadala muna ng text message, ngunit hindi man lang nabasa. Pagkaraan ng sampung minuto ay sinundan niya ng tawag. She missed him so much, ang mga paglalambing nito at pasimpleng paglalandi sa kanya. She so loves him. Hindi siguro siya magsasawang mahalin ito at pagsilbihan. Habang pinakikinggan ang ring sa kabilang linya ay puno ng kagalakan ang puso ni Julia. Boses lang ni Ali ay sapat na para mawala ang discomfort na naranasan. Ngunit ang masayang ngiti sa kanyang labi ay dagling naglaho nang sa pagputol ng ring ay pumalit ang boses ng isang babae. "Hello? Ms. Julia, right? I'm sorry but Ali's not available for now. I'll let him know that you called." Sa sobrang pagkabigla ay hindi nakuhang sumagot ni Julia. Hanggang sa ang boses ng babae at napalitan ng tunog ng dial tone ay wala siyang nagawa. Napatitig siya sa screen ng phone, hindi makapaniwala sa narinig. Totoo ba iyon? Sino ang babaeng iyon? Tinawagan niya ulit ang numero ni Ali at dalawang ring lang ay sinagot kaagad. Muli ang babae ang nagsalita. "Miss, I said Ali's not here yet." Kariringgan ng pagkainis ang tono ng salita nito. "S-sino ka?" May panginginig na sa baba ni Julia habang binibigkas ang tanong. "Oh, sorry for not introducing myself. I'm Veronica Lao, Ali's counterpart." The woman sounded mature and the way she spoke was intimidating. Dahil sa blangkong isip ay walang nagawa si Julia kundi ang patayin ang tawag. Initsa ang cellphone sa kama dahil sa sobrang pangangatog ng kamay ay wala na iyong lakas para hawakan ang telepono. Bakit...may kasama siyang babae? Sa business trip? Bakit ang babae ang nakahawak sa cellphone? Bakit hindi niya alam na may counterpart si Ali sa trabaho? Ang dami niyang gustong itanong ngunit hindi niya alam kung paano ilabas iyon. Ali was not even reachable at iba ang may hawak ng telepono. Biglang humilab ang tiyan ni Julia, malakas iyon kaya napasigaw siya. Hawak ang umbok na puson ay itinukod niya ang kamay sa cupboard. "Manang!" Humilab ulit iyon kaya dahan-dahan siyang napaluhod. "Manang!" Sumagap siya ng hangin at pinuno ang dibdib, sa sandaling ibinuga niya iyon ay sumabay ang pagtulo ng malalaking butil ng luha sa kanyang mga mata. Sunod na naramdaman ni Julia ang pagkabasa ng mga binti. Nang yukuin niya iyon ay nagkalat ang tubig sa sahig, kasama ang dugo. Noon dumating ang nagmamadaling si Manang Fe. "Julia!" Napasinghap si Manang Fe. "Pumutok na ang panubigan mo! Ang cellphone. Ang cellphone!" Kinuha nito ang kanyang telepono mula sa itaas ng kama at nagdial ng emergency line. Si Julia naman namimilipit habang kagat ang ibabang labi. "Ali..." tawag niya sa tuwing dumadaing ang buong mukha ay basa na sa pinaghalong luha at pawis.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
456.0K
bc

Unexpected Romance

read
38.6K
bc

Stained (Boy Next Door 3)

read
4.9M
bc

His Cheating Heart

read
41.7K
bc

My Ex, My Boss, My Husband R-18

read
557.0K
bc

My Stranger Husband

read
7.3M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook