Two

1725 Words
Maaga akong nagising at hindi ko nga alam kung natulog ba talaga ako dahil parang pinikit ko lang yung mata ko. anong oras na rin kasi ako nakatulog kagabi dahil as usual nahihirapan akong makatulog. I glanced at my bedside kung na saan nakalagay ang phone ko. naalala ko hindi ko pala na replyan si Mark kagabi kaya dali dali akong nag type. To: My Love hi love good morning, okay let's meet soon just text me kung saan can't wait to see you again love you and take care. nag ayos na kagad ako ng sarili pagkatapos kong itext si Mark. yung sinabi nya kagabi hindi ko pa rin makalimutan until now feeling ko meron ibang kahulugan ang let's meet nya sana lang mali ang iniisip ko. nag madali na ako kumilos kasi kung pabagal bagal ako kung ano ano lang pumapasok sa isip ko. "young lady inaantay na po kayo ng Lolo nyo at ni young master sa dining area," sabi ng kasambahay na nakasalubong ko habang pababa ako. sa tingin ko pinapababa na nila ako at buti na lang sakto lang ang pagbaba ko. "good morning Lolo," bati ko pag karating ko sa dining area at humalik sa pisnge ni Lolo. kagad naman akong umupo pagkatapos nyang tumango sakin. napatingin ako sa kakambal ko na tahimik lang. "Alam kong nagulat ka apo sa biglaan kong dating dito," sabi ni Lolo kaya napatango ako bilang sagot. "dahil malapit na ang kasal ng kapatid mo ikaw muna mag take over sa kumpanya alam ko namang alam mo na ang gagawin mo doon." wait, what! napatingin ako sa kapatid ko na busy kumain parang alam nya na ang tungkol dito. "pero hindi ko po alam kung kaya ko." "you can do it Mika hindi ka naman busy ngayon diba?" tanong ng kapatid ko. "mag babakasyon muna nang two months ang kapatid mo Mika at sa two months na iyon ikaw ang hahawak ng kumpanya," sabi ni Lolo. gusto kong humindi pero parang hindi naman pwede dahil kung hindi ako papayag sino ang mamahala ng kumpanya at Ngayon lang naman mag babakasyon ang kapatid ko para sa honeymoon nila ng magiging asawa nya. "okay po Lolo.” "good by the way how are you these days? sabi ng kapatid mo para kang wala sa sarili nitong nakaraan may nangyare ba?" lihim akong napakagat sa labi ko. "huwag po kayong mag alala, Lolo. okay lang po ako. siguro kung ano ano lang iniisip nitong kapatid ko," sabi ko at ngumiti para hindi mag mukhang nagsisinungaling ako. nag iwas ako ng tingin kay lolo dahil parang binabasa nya ang bawat galaw ko. "okay if you say so but don't stress yourself kung may problema ka you can talk to me or to your twin." napangiti ako dahil sa sinabi ni Lolo sakin hindi ko akalain na hindi nya ako pinilit na sabihin ko sa kanya ang problema ko kahit alam nyang meron. "okay po Lolo thank you po," masaya kong sabi tumango na lang si lolo sakin at nag patuloy na sa pagkain. habang kumakain kami tuloy tuloy nag vibrate ang phone ko kaya naman tinignan ko ito. si Hannah tumatawag pero bakit? "ahm Lo, Miko aakyat muna ako," sabi ko sa kanila at sabay naman silang tumango sakin sinagot ko ang tawag nang makarating ako sa living area. "bakit?" agad kong tanong "okay ka lang?" tanong din nya. nagtaka naman ako sa kanya bakit nya ako tinatanong kung okay lang ako. "huh?" "hindi mo pa nakikita" tanong nya ulit nakaakyat na ako bago ko sya sinagot muli "ang alin?" nagtataka kong tanong ano bang meron may nangyare ba? "Mika," mahinang sambit ni Hannah pero narinig ko parin iyon. dahil doon kinabahan ako ano nanaman bang meron. "Hannah bakit?" kinakabahan kong tanong sa kanya napahawak na ako sa dibdib ko dahil sa lakas ng kabog nito "hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako na hindi mo alam o maawa ako sayo." "please tell me kinakabahan na ako." "si mark kasi." "anong meron kay mark?" "hindi ko alam kung alam mo o totoo ba itong issue. may relasyon ba si Mark at si Ashiana?" "Ashiana. . . yung ka partner nya ba?" tanong ko relasyon? anong relasyon? Wala akong alam tungkol dito. "bali balita kasi to Mika usapan sa social media na matagal na yung dalawa." ito ba iyon? Ito na ba? kaya ba gusto ni Mark na magkita kami. "walang sinasabi sakin si Mark, wala akong alam dito. ano to Hannah bakit ganito?" nanghihina kong sagot. "talk to him Mika alam kong mahirap sayo pero kausapin mo sya." "hindi ko alam kung kaya ko pero sige Hannah salamat," sabi ko at binaba na yung tawag dahil wala na akong lakas para makipag usap. nag open ako ng social media ko at tama nga ako na ito ang usapan. i want to text him pero natatakot ako na baka once na mag tanong ako diko makayanan yung isasagot nya. Baka. . . Baka issue lang sa kanilang dalawa to. baka para sa movie lang to like before. napaupo ako sa kama at hinang hina dahil kung ano nanaman pumapasok sa isip ko. paano kung totoo? anong gagawin ko, paano ko to haharapin? kaya ko ba? hindi ko alam kung kaya ko hindi ko alam kung makakaya ko. ayokong malaman ang totoo lalo ko lang tatanungin ang sarili ko. ano ba ang kulang? ganon na lang ba lagi ako na lang ba lagi dapat ang masaktan, nakakapagod na. sinubukan kong tawagan si Mark pero unattended. please sagutin mo hindi ko na kaya hindi ko na alam kung ano na ang gagawin ko. dinampot ko ang bag ko at nag mamadaling lumabas ng kwarto pupuntahan ko sya. pababa ako nang makasalubong ko si Miko pero hindi ko sya pinansin at dare daretso lang ako sa pagbaba. sumakay na rin kagad ako sa isa kong sasakyan ipag uutos ko pa pala dapat na kunin yung sasakyan ko kagabi na iniwan ko. I tried to call Mark again pero unattended parin. Please. . . please lang sagutin mo. patungo ako ngayon sa condo ni Mark hindi ko alam kung makakapasok ba ako o kung nandoon ba sya. nag babasakali lang ako na sana nandoon sya. hindi ako nag aksaya ng oras pagkarating ko sa parking lot ng condo ni Mark mabuti na lang sa front lang medyo mahigpit at nandoon ang mga media. sa huling pag kakataon sinubukan kong tawagan uli si Mark hanggang sa makasakay ako ng elevator pero hindi nya pa rin ito sinasagot. may namumuo ng luha sa mata ko parang konti na lang babagsak na bakit ganito? bakit ayaw man lang nyang sagutin. nakarating ako sa floor kung saan ang unit ni Mark pero pagkabukas ng elevator doon bumungad sakin ang manager ni Mark. "good morning po nandyan po ba si Mark," tanong ko. "sorry Mika pero wala si Mark dito maagang umalis dahil may shoot pa sya," sagot ng manager ni Mark. I want to ask her kung totoo ba, totoo ba ang issue pero pinangunahan nanaman ako ng takot. "kelan po ulit babalik si Mark?" tanong ko. "just ask him hija alam ko namang marami kang tanong ngayon lalo na sa mga issue. wala akong masasabi sayo kasi ayaw ni Mark na may makaalam tungkol sa mga ginagawa nya." pero girlfriend ako gusto ko iyang isagot pero parang sa sinasabi nya nawalan ako ng karapatan. ngumiti ako ng pilit sa kanya. "sige po mauuna na po ako thank you po," sabi ko at tumalikod sa kanya “You fight so hard for Him, Hija. I’m so proud of you, You didn’t leave Him every time He had an issue. You are so brave to fight your love for Him. wala akong masabi sayo dahil wala ako sa lugar para doon. pero kung dumating man ang panahon na pagod ka na papalakpakan parin kita dahil nakita kitang nawawasak sa tuwing may ganitong sitwasyon pero nakayanan mo parin bumangon na parang wala lang kahit ilang beses ko na sinabi sayo na hiwalayan mo hindi mo parin ginawa." napatanga na lang ako sa sinabi nya hanggang sa mag sara na ang elevator. bakit bakit sinabi nya ang mga ito? Nakatayo lang ako dito sa harap ng unit ni Mark hanggang ngayon iniisip ko parin yung sinabi ng Manager nya. Naalala ko lahat nang sinabi nya dati na masasaktan lang ako dahil sa trabahong pinasok ni Mark at ilang beses nya na rin kaming pinag bawalan na magkita dahil laging may issue. Sa unang project ni Mark nagkaroon ng issue at dahil don di bumenta ang movie nya dahil daw may ibang na li-link sa kanya. Kaya dahil doon lagi akong pinakikiusapan ng manager nya na sana hiwalayan ko muna si Mark pero ng malaman ni Mark iyon nagalit sya sa manager nya kaya napag desisyunan namin na patago na lang kami magkita. Ayokong masira sya dahil lang sa akin Kaya ginawa ko talaga lahat nang makakaya ko kahit gustong gusto ko na sya yayain sa kahit saang lugar. Minsan napapatitig pa ako sa ibang mag couple at hinihiling ko na sana ganon din kami kasaya at walang pino-problemang mga fans na bigla na lang susugod pag na!sa public places ang idol nila. Hiniling ko na sana hindi na lang sya pumasok sa pag aartista. Napahinto ako sa pagiisip nang may maramdaman akong nakatayo sa likod ko kaya nilingon ko iyon. Naka black baseball cap with facemask ang Nakita ko. unang tingin pa lang alam ko na kung sino ang nasa harap ko. Dahil siguro sa bigat ng dinadala ko at dahil na rin sobrang miss ko na sya bigla ko na lang syang niyakap. Sobrang higpit ng yakap ko sa kanya at doon na ako bumigay, umiyak ako sa dibdib nya hindi ko na inisip na mababasa yung damit nya dahil sa luha ko. "Huwag dito baka may maka kita sa atin," Sabi nya at nilalayo nya ako sa kanya. Until now iyon parin iniisip nya? Hindi nya ba ako pwedeng isipin kahit sa ngayon lang? "Do you still love me?" Tanong ko sa kanya na halatang ikinagulat nya. Hindi nya ata naisip na itatanong ko yun ng ganon lang. Anong magagawa ko eh nasasaktan na ako gusto kong malaman kung mahal nya pa ba ako. Kasi kahit ramdam Kong hindi na gusto ko parin malaman galing sa kanya mismo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD